Chapter 39

1.6K 44 94
                                    


R A C H E L

Nakaupo ako sa kama ko, double deck yung kama dito sa kwarto niya at siya ang nasa itaas, mas gusto niya daw doon. Pumasok si Den at agad naman akong kinunutan ng noo.

"Bakit ka ba iiyak tapos tatawa dyan? Baliw ka na ba?" tanong nito at inabutan ako ng tubig.

"Alam mo ba kung gaano kasakit maipamukha sayo na MINAHAL ka niya pero she's so over you na ngayong mahal mo na siya?"

Tumawa muna ako bago muling umiyak, nakakabaliw pala yung ganito.

"Sobrang sakit Den. Sobrang sakit." at ayun na, tuluyan na talaga bumuhos ang luha ko sa pag alala ng sinabi niya.

Kagabi ko pa iniiyakan yun, para akong sinampal ng sampung beses ng isang volleyball player sa sobrang solid.


Rad wala naman na akong feelings for you eh.


Those words played on repeat, oo na. Gago, sobrang solid nung sakit, edi ikaw na walang feelings. Wala namang nagsabing meron pa eh at wala namang nagpupumilit na meron.

Gusto ko lang naman sabihin na you had feelings for me pero may jowa ka na kaya hindi magandang magkasama tayo. Hindi ko ginustong masampal ng katotohanan na yung taong wala lang noon sa akin at mahal ko na ngayon ay mahal ako noon at hindi na ngayon. LOOOOOOL

Like pakshet sobrang sakit.

"Baliw." sabi ni Den dahil sinabunutan ko na sarili ko.

"Den pinamukha niya sakin na wala na siyang feelings para sakin. Wala na siyang feelings like putang ina, edi wow diba."

"Bibig mo uy. Ang tanga mo naman kasi, magkakafeelings ka na lang din sa kanya nung wala na siyang feelings sayo."

"Sobra ba?" tanong ko at yumuko kaya binatukan niya ako.

"Sobrang tanga mo dun. Ang bulag mo." sabay umakyat na siya sa kama niya.

Napabuntong hininga na lang ako at nahiga na sa kama ko. Niyakap ko naman yung unan ko na pinatungan ko ng jersey niya. Sobrang miss ko na siya agad.

M I K A

Nakakapanibago, sigaw ako ng sigaw na kakain na saka ko lang naalala na umalis na nga pala si Rad. Wala na yung pasaway na laging nanunungkit ng jersey ko sa sampayan, wala na yung nang aasar sa akin, wala na din si Mimi.

Ang drama ko, magkikita naman kami sa coffee shop pero iba pa din yung magkasama kayo sa bahay eh. Ibang iba.

"Tulala ka naman brad." sabi ni Ara.

"Miss ko na si Rad."

"Wow nagkikita naman kayo sa work ah. Sumbong kita kay Greta eh."

"Sumbong mo, samahan pa kita. Alam naman niya eh."

Tho nakakaguilty din kasi pansin ko naman na medyo nagseselos nga siya kaya hindi ko na lang din inuulit ulit.

"Pano kung sabihin kong at one point nagustuhan ka niya?" tanong niya.

"Edi sayang." natatawa kong sagot. Eh sayang naman talaga pero masaya na ako eh, meron akong Gretchen Ho.

"Oh edi sayang nga." sagot niya habang naglalaro sa psp niya.

Beauty and the KnightTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang