Chapter 37

1.6K 44 172
                                    


*************************
To the Left
where nothing's right?
or to the Right
where nothing's left?
*************************



R A C H E L

Sa sinabi ni Den sa akin ay parang lalo akong naguluhan kay Mika at Jovs. Sa nakaraang linggo na wala sila parehas ay hindi ko pa rin malaman kung ano na ba talaga ang nangyayari sa akin.

"Ineng gusto mo ba magpahula?" tanong sa akin ng isang matanda.

"Gaano po katotoo ang mga hula niyo?" maayos kong tanong dito at naupo sa silyang nasa harap ng table nito. Akala ko sa Quiapo lang may ganito.

"Hindi ko alam ineng, pero wala pa namang nagrereklamo sa mga hula ko." sagot nito.

Wala naman sigurong masama kung susubukan ko diba? I mean hula lang naman ito, it depends on me pa din naman, sa mga desisyon ko sa buhay.

"Ano bang gusto mong malaman? Career o ang iyong buhay pag ibig?" tanong nito at inilabas na ang mga baraha niya.

"Sige ho manang, buhay pag ibig nalang po." nakakahiya man pero push na natin ito.

"May nobyo ka ba ngayon ineng?"

"Ay wala po, pero nobya meron." natawa naman ako dahil halatang nagulat siya. Kala ko ba manghuhula siya?

"Hindi siya ang taong para sa iyo." nalungkot naman ako bigla. "Pero nakilala mo na yung tamang tao para sa iyo, ngunit hindi magiging madali at lalong madaming balakid sa pag iibigan niyo."

"Hindi po ba namin maaayos nung kasalukuyan kung anong meron kami? I mean ano po, hindi ba namin kakayanin kung mag you and me against the world kami?"

She flipped a card "Hindi, dahil ikaw ang unang bibitaw at kung ipipilit niyo mas masasaktan mo lang siya dahil..." she flipped another card... "hindi naman talaga siya ang nag mamay-ari ng puso mo."

Annnnd that's it. Kahit may isa pang card na hindi nabubuksan ay tumayo na ako. Hindi ko na kaya, ang sakit na agad sa puso. Gusto ko ilaban kung anong meron kami ni Jovs, pero bakit ganun.


Nagtungo na ako sa dorm ni Den dahil doon nga muna ako nagstay, nakatulog na siya sa may sofa kaya ginising ko na ito saka kami nagtungo sa kwarto niya.

Kinabukasan ay nagtungo kami sa dorm ni Ara dahil uuwi na din sila mamaya, balita ko ay naka podium finish naman sila, I'm proud of my friends dahil naka 3rd pa sila.

Sa paglilinis ko ay may nalaglag na isang letter sa libro ni Ara. Itinabi ko muna iyon hanggang sa matapos kami maglinis.

Hindi ko na sana bubuksan yun pero nakita ko ang pangalan ko. Binasa ko naman ito and the last stanza had me crying. Pucha, why?

Please don't freak out
what I'm about to say is true,
I am so inlove with you
So can we have a dinner for two?

-Baby Tams


May date pa ito. 13/12/17 , it was my birthday. Nagpaalam ako saglit kay Den at kinuha sa dorm ko ang isa pang sulat tinanong ko kung si Mika din ba ang may gawa nito.

Beauty and the KnightWhere stories live. Discover now