"A--Ano?" tuluyan ng bumagsak ang balikat ko't napaupo. 

Gusto kong murahin ang sarili ko. Ba't nawala sa isip ko yung mga kaibigan ko? Ba't nawala sa isip ko na may sampung minuto lang pala ako? Tsaka, ba't pa ako nakikipagusap sa mga maliliit na taong 'yon?!

Pwede naman akong magpaalam na kailangan ko ng mauna't may hahanapin pa ako.

"Agnes," may maliit na kamay ang tumapik sa likod ko.

Suminghot ako't pinahid ang luha kong nangingilid na. Tumayo ako at humarap sa kanila, nakita kong titig na titig sila sa akin.

"Ano 'yon?" nakangiting tanong ko.

"Gusto mo bang magpahinga muna? May maliit na bahay kami pero, kasya ka naman doon. Gusto mo ba?" tanong ng medyo matanda na sa kanila, medyo normal ang ikinikilos na 'di gaya ng palaging sinisipon, mahiyain, antukin at iba pa.

They're, after all, the seven dwarfs. May iba't-ibang hobby. 

Napaisip ako saglit sa alok nila. I want to find my friends. I want to--

"Sige," nagulat na lamang ako nang kusang gumalaw ang bibig ko't sumagot sa kanila.

Ni-hindi pa ako makaangal na ayaw kong sumama sa kanila, bigla na lamang akong hinawakan sa kamay ng masayahing lalake na si--Happy ata ang pangalan? I'm not sure. Matagal na din akong hindi nakapanood sa pelikulang 'to.

Huminto kami sa tapat ng napakaliit na bahay, about my height ang taas ng first floor. May second floor pa at maliit na balkonahe sa labas. Para ngang abot ko lang yung second floor, sa balkonahe.

Binuksan ng lalakeng nag-alok sa akin kanina ang maliit nilang pinto at isa-isa silang pumasok. Dahil nakatunganga lang ako, hinila na naman ako ni Happy papasok at pinaupo sa maliit nilang upuan.

Para ngang nasa kalahating pwet ko lang ang kasya, hindi ko magawang umupo ng maayos.

"Agnes, hihihi. An danda mo!"

Napaurong ako sa mas maliit sa kanila, side mirror ang tainga dahil sa laki nito. And, of course, hinding-hindi ko makakalimutan ang paborito kong karater sa kanila. Si Dopey.

Pulang-pula ang mukha ni Dopey at patakip-takip pa ng mukha niya. Natawa tuloy ako.

"Thank you," sagot ko, patting his head na mas lalong nagpa-pula ng kaniyang mukha.

Busy silang lahat--maliban sa akin na nakaupo lang sa maliit nilang upuan, kaharap ang maliit nilang lamesa.  I wonder kung dwarfs nga ba sila? O, unano?

"Heto, uminom ka muna. Mukhang pagod ka na," may nag-alok sa akin na baso na may lamang tubig--gawa sa kahoy ang baso. Wow. 

Tinanggap ko naman 'yon at nilagok ang tubig. Pakiramdam ko nga, ilang araw na akong hindi umiinom ng tubig at uhaw na uhaw ako. Ang init sa pakiramdam at nang tuluyan ng makapasok ang tubig sa lalamunan ko, biglang nawala ang uhaw ko.

Pinatong ko na ang baso sa maliit na lamesa at tumayo. Tsaka saktong pagtayo ko, bigla nalang nawala ang lakas sa paa ko't natumba. Para ba itong nanlambot bigla. 

Umiikot yung paningin ko sa hindi malamang dahilan. I tried reaching the chair para may pang-suporta ako para makatayo pero hindi ko nagawa nang may sumipa sa kamay ko, palayo sa upuan.

Sinubukan kong aninagin ang kung sinumang sumipa sa kamay ko, but all I can see is blur.

Anong nangyayari sa 'kin? Nakakahilo. Ang sakit sa ulo. Kahit anong gawin kong aninagin ang nasa paligid ko, hindi ko magawa at mas lalong umikot lang ang paningin ko.

Mystique PuppeteerWhere stories live. Discover now