"Kung ayaw mong pag-usapan, iba nalang yung ikukwento mo. Dali," umayos pa siya ng upo at nakaharap sa 'kin.

Natawa tuloy ako dahil para siyang bata na naghihintay na magstory-telling ang kaniyang nanay para makatulog. Nakapatong ang siko niya sa counter habang kumakain ng tsokolate.

And here comes her mother, telling some stories about my life.

* * *

We had this best friend talk ni Hazel. Hindi na nga namin namalayan na bumibigat na ang mga talukap namin. Kinuwento niya sa 'kin ang tungkol sa pamilya niya. May kapatid pala siyang babae, si Kendy. Eight years old, medyo makulit.

'Buti nga siya may babaeng kapatid tsaka pinakabunso pa. Samantalang ako, si kuya Joel lang at ang masaklap pa, palagi akong inaaway. Inaapi. Ako kasi yung bunso, eh.

Ang haba ng pinaguusapan namin. Hanggang sa, "Hindi pa ba tayo matutulog?"

Tumawa siya ng mahina at niligpit ang mga kalat namin. Tinapon niya 'yon sa maliit na basurahan sa gilid at sabay na kaming bumalik sa sala.

Pero napahinto kami pareho nang makitang wala na yung mga kasama namin. Wala na yung natutulog na mga kasama namin. 

W--Where are they?!

Napahawak sa 'kin si Hazel at sabay kaming napaatras. Lumingon-lingon kami sa madilim na paligid. 

"Nasaan sila, Nes?" natatakot na tanong sa 'kin ni Hazel habang mahigpit na nakahawak sa 'kin.

"I don't know," sagot ko.

Lumapit kami sa switch at doon ay pipindutin ko na sana para magkaroon ng ilaw ang madilim na sala nang bigla nalang kaming tumilapon. Hindi ko alam kung sino ang gumawa no'n. Dahil sa pagkatilapon namin ni Hazel, nagkahiwalay kaming dalawa.

Dahan-dahan akong umupo at gamit ang siko ko, nagawa kong umupo habang hawak-hawak ang ulo ko dahil ang sakit nito.

Nilingon ko si Hazel, bigla na lamang akong natigilan at halos hindi ko magawang makahinga nang makita ko si Hazel. Nawalan siya ng malay.

"HAZEL!" tawag ko sa pangalan niya at paika-ikang tumayo. Nilapitan ko si Hazel kahit na sumasakit pa ang ulo't katawan ko dahil sa lakas ng pagkatilapon naming dalawa.

Lumuhod ako sa harap ni Hazel at niyugyog ang kaniyang katawan. Tinapik-tapik ko pa ng mahina ang kaniyang mukha para magising siya pero sa tagal ng pagtapik ko sa mukha niya at pagyugyog sa katawan niya, unti-unti ay hindi ko na nahahawakan si Hazel.

S--She's disappearing! Hindi ko alam kung ba't siya unti-unting lumalabo sa paningin ko hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa harap ko, naiwang nakaluhod ako dito.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nakita ng dalawa kong mga mata na nawala si Hazel. Tapos.. nasaan sina Caleb?!

"Huwag kang mag-alala, Agnes.."

Natigilan ako nang marinig ko ang ume-echong boses ng babae--si miss Aberdeen. Napakuyom ang kamao ko dahil sa galit. Kumukulo ang dugo ko sa tuwing sumusulpot siya sa eksena.

"Mapapanood mo din sila.."

Then a big screen appeared in front of me, napapikit ako saglit dahil sa nakakasilaw na liwanag.

"The real game begins.. Agnes. A Game Between Life and Death.."

Game. Para sa kaniya, isa itong laro. Akala ba niya'y masaya kami dito? I'd rather live in a reality than be here, imagining things what I want and lock here forever! 

Mystique PuppeteerWhere stories live. Discover now