Chapter 40 - Former Nerd turns into Goddess (P2)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Aish. Kendall tayo na!"

"Pilitin mo nga ako diba?"

"Ano??"

Siya na sira ulo.

Umiling muna ako bago lumapit sa kanya. Kampanti lang ito nakaupo at naghihintay na pilitin ko. Huminga ako ng malalim. Sinubukan kung hilahin siya patayo pero sa sobrang laki ng katawan niya, feeling ko nagbubuhat ako ng limang sakong bigas. 

"Tumayo kana kasi!" hindi siya nakinig. Ulit kung sinubukan pero wala eh ang lakas niya.

So ganito na pala yun? Ikaw na ang tumutulong, ikaw pa ang pinapahirapan?

"Kendall tayo na! Tigas ng ulo mo!"

"Ayaw"

"Bahala ka na nga diyan! Hindi naman ako ang masasaktan eh" tinignan niya ako at ngumisi.

 "Edi iwan mo ako dito, pero ewan ko na lang diyan kung kaya ng consensiya mo iwan ang isang tao dumudugo na ang kamay." sabi niya at inalis ang tingin. Uuugh! Minsan parang gusto kong hampasin ang lalaki nato. Parang bata lang talaga, naka ngiti-ngiti pa yan.

Huminga ako ng malalim, tinawag sina Gohan at Naruto para bigyan ako ng lakas mabuhat ang mayamang abnormal nato. Tumayo ako sa harap niya at tinaas ang dalawang kamay. 

Pffft! Bigat pa din! Isa pa!!

Saglit lang imbes hihilahin ko siya patayo, naramdaman kung na out of balance ako at hinila papunta sa kanya!!! Hindi ko alam kung sinandya niya akong hatakin palapit sa kanya o gravity ang may kasalanan! 

Omo!!! Nanlaki mata ko!  Ang pagtumba ko sa harap ni Kendall, para bang slow motion! 

Next thing I know, pag mulat ko,  humihiga siya sa sahig habang ako naman.....BUMAGSAK SA IBABAW NIYA. Yung pandesal niya ramram na ramdam ko! KYAAA ang tigas! 

Omaygaaaaaad!!!

Nagkatinginan tuloy kami. Nakita ko ng harap-harapan ng sobra ang kinis niyang mukha. Pati yung dalawa niyang brown eyes na feeling ko kumikislap sa harap ko.

Kendall bakit pa ang Pogi mo!!?

Waa! Sa sobrang lapit namin sa isa't-isa na isang kembot na lang magdidikit ang labi ko sa labi niya!  

"Ngayon, sino mas gwapo sa amin?" nanlaki mata ko. Ano daw?

"Ibig kung sabihin....Wala ka bang balak tumayo?" nagiba tuloy ihip ng hangin ng ngumisi siya. Waaaa! Sobrang nakakahiya! Feeling ko tuloy namumula na yung pisngi ko. Huhu.

Agad-agad kung inalis ang tingin sa kanya at tumayo, tapos inayos ang uniform ko tsaka ang buhok ko. Tinignan ko si Kendall na inaayos niya din ang sarili niya.

"I-ikaw kasi eh...Ang arte-arte mo! Yan tuloy!" pautal-utal ko pang sinabi at umiiwas ng tingin sa kanya. Ang gusto ko lang naman dalhin siya sa clinic, tapos umabot pa kami sa ganito. Huhu.

"Oh. Yan ka na naman highblood kaagad" tinap niya ilong ko.

"Ewan ko sayo! Ikaw na nga tong tinutulungan nag-iinarte kapa!" sigaw ko pero bigla siyang napatawa. Galit na talaga ako sa kanya, feeling ko umuusok na ilong ko sa sobrang hiya, pero siya nakuhang tumawa! Nakakainis!

Nagulat ako ng lumapit siya sa akin...

Nakatingin lang ako sa kanya nang bigla niyang inayos ang buhok ko nanakaharang sa mukha ko at nilagay ito sa likod ng tenga ko. Ngumisi siya.

DUG

DUG

Hala? Ba't bumilis bigla tibok ng pusko ko?!

The Ultimate Heartthrobs & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon