Chapter 31

119 5 3
                                    

Sinara ko ang brief case sabay kuha nito at lumabas ng opisina. Sana tama 'tong gagawin ko. Sana hindi ko pagsisihan.

Pagkalabas ko ng principal's office dumiretso ako sa pinakamalapit na bintana. Binuksan ko ulit ang brief case at tinitigan for the last time ang mga pera. "Shocks. Ang dami niyo pa naman. Di bale magkikita rin tayo lahat balang araw." Gamit ang buo kong muscle strength, tinapon ko ang lahat ng pera palabas ng bintana. Oo, tinapon ko.

Tinapon ko.

TINAPON KO.

TI. NA. PON. KO.

Yung tipong para akong nagpaulan ng pera sa school. Siguro magugulat yung mga studyante na nasa may bintana nakaupo kung bakit may umuulan na pera? Siguro natupad ko pangarap nila na umulan ng pera.

Eksakto naman, pagkatapos kong magpaulan ng pera, nakita kong lumabas si Mr. Park galing sa principal's office. Siguro medyo nakita niya yung pagtapon ko ng pera. Pero sad kasi last minute na lang yung napanood niya. Sorry, ulitin ko ba? Joke ayoko. Bababa pa ako mula 5th floor tas taas ulit. Ayaw kapagod kaya.

"W-What did you do?"

"Sorry po." Nagbow ako sa kaniya. "Sorry, hindi po ako mukhang pera." Pati ayoko rin yun tanggapin in the first place kasi naman, AKO PA MAGPAPACONVERT FROM DOLLARS? WOw effort ko naman? Tae. Kapagod kaya. Pagod na nga ako sa buhay ko eh!

"What? Edi sana hindi mo na lang tinanggap! Why did you have to throw it?" Lumapit siyang naiinis papuntang bintana na pinagtapunan ko ng mga kaching kaching niya. Sumilip siya at nakitang dahan-dahang nahulog ang mga pera.

"Alam ko po. Sorry tinapon ko. Nanggigil lang po kasi ako." Besides, gusto ko ng dramatic plot twist effect eh? Bakit ba?

"Nanggigil???" Oo nanggigil ako. Nainis ako. Oo, mahal ko ang pera, at bakit hindi? Sino bang may hindi? Pero hindi ako obsessed sa pera. Wapakels kung sa pera umiikot ang mundo ng iba. Hindi ko isasakripisyo ang integridad ko para lang sa pera. Ang pera, wala man ako niyan ngayon, maiipon ko rin naman yan balang araw.  Pero ang mga pagpapahalaga na tinuro sa'kin ni nanay? Oras na sirain ko ang isa, wala na. Mahirap na ibalik sa dati. Tila parang puno na pinutol at hindi na muling maididikit sa mga ugat nito. Tila parang basong binasag na hindi na muling maibabalik sa dati. Parang, tiwala? Parang ganun lang.... Lee Gabi nga po pala. Tumatakbo para sa Halalan 2022. #GabiSaUmagaGabiPaRinSaGabi

Okay tama na. Ang weird ko. Corny aside, siya na rin ang nagsabi na same results lang naman ang kakalabasan either way. Pero still, mas gusto kong magparaya kesa sa kainin ko ang dingnidad ko.

"Sorry. Pulutin niyo na lang po sa baba, kung gusto niyo pa rin nung pera." Nagbow ulit ako at nag-walk out.

Hindi ako bumalik ng classroom. Bagkus, dumiretso ako sa pinakamalapit na banyo. Pumasok ako sa isang cubicle at nag-contemplate sa life. "Tama ba ginawa ko?" Bigla akong nakaramdam ng pagkahinayang. Shocks. Sayang yung pera. Dami ko nang mabibili dun... Shet. Pulutin ko ba? Baka nasa sahig pa yun--"Hindi! Hindi, Gabi! You're a woman of integrity! Yas! Bahala na si Batman." Binuksan ko na ulit yung cubicle at naghugas ng mukha.

-

Hindi na ako nakakain. Nakatulala na lang ako sa may bintana sa classroom nung lunch. Bigla namang lumapit sa'kin si Marga na kumakain ng pasta with breast chicken. Kadalasan, manghihingi ako pero, wala akong gana... 

"Ui Gabi nakita ko yung umulan ng pera kanina?"

"Ah.." Kanina ang saya-saya ko, pero ngayon, wala na ako sa mood. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Marga at umupo siya sa tabi ko. "Ikaw yun noh?" Lumingon ako sa kaniya at napatingin sa kinakain niya. Shet nagutom ako bigla. BAKIT BA ANG SARAP NG PAGKAIN NI MARGA?! OKAY TEKA GABI HINDI, DIET KA NGAYON.

HELP ME GIRLALOO | JiminTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang