Chapter 9

128 6 0
                                    

"Ako yun yung taong di ko natulungan. Yung 1%..."

"Eh?"

Umupo kami sa may bench sa park. Tumingala ako sa langit at...walang stars. Mukhang uulan. "Ang lalim mo naman... Anong ibig mong sabihin?" Tanong sakin ni Jimin. Nag-abot siya sakin ng dirty ice-cream. Tinanggap ko naman. Sht naman o. Bakit niya ako binigyan ng ice-cream ngayon? Naalala ko nanaman yung dati. Binibigyan rin ako ni Yoongi ng ice-cream...chocolate flavor rin...oh fck.

Dinilaan ko yung ice-cream at tumingin sa malayo. "Siguro mababaw 'to para sa'yo... pero ang totoo niyan first love ko si Yoongi." Tumawa si Jimin habang kumakain ng ice-cream. "Sabi na eh!"

"Whatever...basta ayun first love ko siya. Kababata ko siya. Katulad ng ginagawa ko ngayon, gumagawa ako ng paraan para mapalapit sa crush ko. Para mapasakin crush ko, lalo na't first love ko siya. Nagpaturo ako sa kaniya magbasketball para makasama siya...kahit di ko naman hilig yun. Nag-aral akong magrap kasi nagrrap din siya. Nagsulat ako ng kanta. Kasi nagsusulat din siya. Siya naging mentor ko. Kahit nakakatakot siyang magalit, wala akong pake kasi mas lalo lang akong nahuhulog sa kaniya. Para siyang nagshishine pagnakapoker face. Nandiyan ako parati kung may problema siya...at in the end...in the end..."

"Nabasted ka." Si Jimin na nagtuloy. Yumuko ako at inubos yung ice-cream---more like nilamon yung ice-cream. "Oo..." Ah, sa tuwing naaalala ko yung nahihiya ako. Gusto ko nang malimutan yun. Sobrang nakakahiya ginawa ko nun.

"May laro nun sila Yoongi. Nanood ako. Taga-cheer. May hawak hawak pa nga akong tarpaulin nun, 'Swag Yoongi Swag' Ang nakasabi. Huling laban nila yun. Finals round. Die or never ika nga. Mainit yung laban sa sobrang init, sobrang napapasma na yung kamay ko.

"Dumating ang fourth quarter, lamang ng dalawang puntos yung kalaban. Nakasalalay kay Min Yoongi ang lahat. Siya ang ace nila. 'Go Kuya Yoongi...Go Kuya Yoongi...' Pagbulong ko habang nakikita sa orasan na 20 seconds na lang ang natitirang oras at nasa kalaban pa ang bola. 'Go Kuya...kaya mo yan...kaya mo yan...' Sabi ko habang mataimtim na nagdadasal. 'Kunin mo yung bola...Kunin mo yung bola...' At naagaw nga ng kakampi ni Kuya Yoongi yung bola. Nagcheer ang lahat. Lahat ng players pumunta sa kabilang side ng court. Pinasa kay Kuya Yoongi yung bola. Lahat naharang walang palusot.

"10 seconds na lang nun

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"10 seconds na lang nun. Siya na lang ang inaasahan. Nandoon siya sa may three point sht line. At poporma na siya.

"5...4... Di ko na kinaya ang nararamdaman ko. Hindi ko nanapigilan sarili ko nun at biglang napasigaw, "GO KUYA YOOONGI MAHAL KITA!" Napatigil ang lahat. Pati si Yoongi na nakaporma na magshoot. Lahat ng tao napatingin sa'kin, kasama na siya. Sobrang awkward. Di ko alam ginawa ko. Di ko alam gagawin ko.

"Bigla na lang akong napaupo at napansin yung oras. Sht!  3...2... Nakita ko si Kuya na nag-shoot despite sa kakapusan ng oras.

 Nakita ko si Kuya na nag-shoot despite sa kakapusan ng oras

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
HELP ME GIRLALOO | JiminWhere stories live. Discover now