Chapter 15

99 5 0
                                    

Sa aking dahan-dahang pagkasulat, napansin kong nasa clinic. Teka, ano ba ang nangyari? Bakit ako napunta dito? Ang natatandaan ko lang ay hinahanap ko si Jimin tas...natagpuan ko siya sa classroom, kasama si Jungkook. Ah, oo tama tapos parang aaminin na si Jungkook. Tapos hindi ko na alam sunod na nangyari.

"Buti naman gumising ka na! Kanina pa kita sinasabihan na tama na acting at nakaalis na si Jungkook!" Nakita kong nakatingin sa'kin si Jimin. Nakaupo siya sa tabi ng kama. Sinubukan kong umupo, at di niya ako pinigilan. Ano ba 'to! Diba dapat usually sasabihin sa'yo, "Huwag ka munang umupo. Magpahinga ka muna." O baka sa mga drama lang nangyayari mga yun? Baka nga.

"Jimin..." Tinignan ko ang paligid at kami lang pala dito.

"Gabi, hanga ako sa'yo." Huh? Bakit naman?

"Ang galing mong umarte. Astig! Pano mo yun nagawa?" Anong arte? Nagawa ang alin?

"Huh?"

"Diba umarte ka lang na na-blackout out?" Gago ba to? Oo gago nga. Pinalo ko siya at umangal naman siya.

"Gaga! Di ako umarte! Totoong nahimatay ako!"

"Eh? Wehhh"

"Oo nga!" Saglit siyang napatigil hanggang sa marealize niyang seryoso nga ako.

"Kaya pala sobrang perfect...Akala ko ginawa mo yun para pagselosin si Jungkook. Sorry, akala ko acting pa rin yun..." Napakamot ng ulo si Jimin. Siguro iniisip niya kung paano madedetermine kung alin yung acting sa hindi, lalo na sa sobrang galing na katulad ko.

"Jimin, mahal kita." Out of nowhere kong sinabi. Katulad lang ng out of nowhere niyang pagsabi ng "I love you" kanina sa caf. Ang kahibahan lang, seryoso ako. Hindi ito acting.

"Eh?" Nagulat naman siya.

"Wait...acting lang yan noh?" Di ako nagsalita. "Tama diba? Hayy pero hinulaan ko lang yun. Naman! Di ko pa rin alam kung paano mo malalaman..."

"Hindi Jimin, totoo sinabi ko. Mahal kita."

"What?" Kitang-kita sa mata niya na naniwala siya na di yun acting. Ang maliit niyang mata ay nanlaki ng mga 0.1mm. "G-Gabi..." Tinitigan ko lang siya ng seryoso. Inaantay ang reaksyon niya. Inaantay ang sasabihin. "A-Alam mo namang---"

Aghh di ko na kaya. Masiyado kang greedy Gabi. Ano ba!

Pinutol ko na ang sasabihin niya bago pa siya may masabi na nakakapanakit sa damdamin. "Joke lang. Acting yun. Masiyado ka talagang uto-uto!", ang pagsisinungaling ko. "Marami ka pa ngang kailangang matutunan." Wika ko sa kaniya sabay tumingin sa paligid.

"E-Eh? Acting? Hahaa...oo nga...ang galing mo talaga!" Pagpuri niya sa'kin.

Hindi. Hindi ako magaling. Sideline ko to pero di ako professional. Dapat hinihiwalay ko ang emosyon sa trabaho. Hindi yung ganito. Hindi ako magaling.

"Duh ako pa. Ah asan nga pala si Jungkook?"

"Si Jungkook? Umuwi na nga." Ay onga pala sinabi na niya yun kanina. I porgot sorry. "Nung bumagsak ka, sinamahan niya ako dito, pero sabi niya uuwi na rin siya."

"Ganun ba. May sinabi ba siya...sa'yo?"

"Sabi? Ah, parang may sasabihin ata siya pero di niya natuloy kasi bigla kang na-blackout."

"Ahh..." Umoo ako at sinubukan nang tumayo.

"Teka, kaya mo na bang tumayo? Diba sabi mo totoong na-blackout ka nga?"

"Oo kaya ko na. Sige salamat Jimin uuwi na ako."

"Sure ka? Ihahatid ka na namin ni Mang Tomas."

"Hindi wag na."

"Gabi, ayan ka nanaman eh. Pabebe ka nanaman. Dali na."

"Fine sige na nga" Alam mo minsan naiiyak na lang ako. Naiiyak na lang ako kasi lagi akong nakakatipid pagkasama ko si Jimin. Joke. But kidding aside, bakit ba ang caring ni Jimin? Bakit ba ganito siya? Mukhang siyang nanay na di ko mawarian. Bakit ba masiyado siyang matulungin? Pwede bang tigilan na niya kasi mas nahuhulog ako lalo eh! Mas mahihirapan akong mag move on nito eh...

-

Kinagabihan, hindi ako makatulog. Anong oras na, bukas na bukas pa rin mga mata ko. Di ko maalis sa isipan ko yung sinagot sakin ni Jimin nang ihatid nila ako ni Manong Driver sa bahay.

"Jimin," wika ko nang nasa may gate na ako

"Yeaa" Sabi niya habang nakatayo sa harapan ng sasakyan nila.

"Pano kung...ano.. kung sabihin sayo ni Jungkook na gusto ka niya rin? Pano kung sabihin niyang maging kayo na agad agaran"

"Eh? Hahaha parang malabo ata yan sa ngayon..." Hindi Jimin. Hindi yun malabo. Hindi yan katulad ng grado mo sa mata.

"Pano nga lang!"

"Edi ano..." Tinitigan niya muna ako tapos tumingin sa likod ko...o sa gilid ko ba. Tae sino po tinitignan niya? May nakikita ba siyang hindi ko nakikita? "Uhm...Siguro hindi ko maitatago ngiti ko... tapos hahaha papayag akong maging kami hehe..." Sagot niya habang kinikilig. Putek Jimin. Bakit ka ganito? Bakit mo ba kailangang kiligin pa sa isang lalaking katulad mo?

Papasok na si Jimin ng kotse nang tanungin ko siya. "Papayag ka talaga?"

"Hm?" Hindi niya ata ako narinig. "Ano sabi mo?"

"Ah... ah wala. Sige bye na. Ingat kayo. Madilim sa gabi. Bye!"

-

Hindi ako makatulog kinagabihan. Hindi mawala sa isip ko yung mga sinabi kanina sa'kin ni Jimin. "Ano ba..." Dahan dahan akong lumabas ng kwarto para di nagising ang aking motherdear. Bumababa ako at kinuha ang basketball na binigay sakin ni Min Yoongi 7 years ago. Matagal tagal ko na tong di nagagamit mukhang di pa naman flat. Buti pa to hindi flat.

Maingat akong lumabas ng bahay at sinara ang pinto. Tumakbo ako papuntang court samin. Yung pinakamalapit pero abandonado. Yung pinuntahan ko dati. Yung kung saan nakalaban ko si Jungkook kung saan siya nanalo. Leche.

Mabuti na lang abandonado to, wala akong kaagaw. Pero nakabukas pa rin mga ilaw rito, although malabo labo na at yung isa pa nga patay sindi na. Shoot lang ako ng shoot ng mag-isa habang paulit ulit sa isipan ko sagot ni Jimin. "Siguro...hindi ko maitatago ngiti ko... tapos hahaha papayag akong maging kami hehe..."

Ahh! Bobo ka ba Jimin? Bakit mo ba yun sinagot? Di mo ba alam kung gaano kasakit yung sinabi mo? Minsan di ko alam kung sino mas manhid. Si Jungkook ba talaga o si Jimin?

Nagpatuloy ako sa pag-shoot at nabato lang ng malakas yung bola sa sahig nang ma-realize kong ako yung bobo. Ang tagal tagal ko nang ginagawa tong sideline pero hangang ngayon di pa rin ako marunong mag control ng feelings. Masiyado na akong possessive eh! Masiyado na akong greedy! Eto yung ayoko! Ano ba Gabi! "Agggggghhhhhh!" Tumalbog yung bola patalikod at napahiga na lang ako sa sahig. Hina-yaan ko lang siya kasi may bakod naman so di naman yan kalayo.

Nakatingin lang ako sa langit na ngayon may stars. Good. Hindi uulan. Di ako mauulanan. Di ako magkakasakit at di ako makapapagalitan.

Ngunit, nagulat na lamang ako nang makita ko yung bola ko na lumilipad. What the... pinanood ko ito hanggang sa mashoot sa ring na wala nang net. Fuck... mali ata ang pumunta ako rito. Minumulto na ata ako! Utang na loob. Wala akong balak na masama! Please lang stay away from me kung anong klaseng nilalang ka man!

Dali dali akong nagdasal at tumayo habang nanginginig sa takot. Nang tatakbo na sana ako, bigla kong nakita si Kuya Yoongi. "K-Kuya Yoongi?"

"Tinago mo pa rin pala bola ko ah."

HELP ME GIRLALOO | JiminWhere stories live. Discover now