Chapter 19

97 4 0
                                    

"Th-This Saturday? T-Tayong dalawa?"

"Haha yeah! And Taehyung."

"Ahh...haha oo pati si Taehyung...para masaya..." Tuluyan nang nalungkot si Jimin. Sht! It's okay Jimin, props lang ni Jungkook yan!

"Oh, kung gusto mo isama mo na rin yang...bulinggit" What? Did I hear him right? Did he just call me bulinggit?! Porke't giant nose ka eh! Nanghahamon talaga to eh! Wag kang feeler Jeon Jungkook! 1-1 na tayo! Nahalikan ko si Jimin sa lips....Kahit medyo pinagsisisihan ko yun...! 😛

"Pardon?" Lakas kong maka-pardon ah. Kala mo kay galing ko sa English.

"Sabi ko, sama ka rin! Of course you should be there. Girlfriend ka ni Jimin." Oo tama! Girlfriend ako ni Jimin! Fake girlfriend.

Tinignan ako ni Jimin na nag-aalala. Bakit siya nag-aalala? Ah! Ay, oo nga pala tumatanggap lang ako ng mga session tuwing Mondays to Friday. Pahinga ko ang weekend. Hindi na kasi healthy kapag pati weekend. Baka maattach ako masiyado...ngayon pa nga lang eh.

"Makakapunta ka naman diba?" Tanong sakin ni Jungkook.

"Uhm ano Jungkook...si Gabi kasi---"

"Oo naman! Makakapunta ako. Ano bang oras?" Bigla akong siniko ni Jimin, pero di ko siya pinansin kahit ang lakas ng pagkakasiko niya. Masakit po.

"Around 10:30?" Luh aga tulog pa ako niyan.

"Pwedeng 11?"

"Eh? Parang ang late naman..."

"10:59?"

"Okay sige!"

"Okay! See you~!" Nang makaalis na yung giant nose, bigla akong hinarap ni Jimin. Alalang-alala ang mukha niya.

"Gabi, di mo kailangan gawin yun. This is too much. Pahinga mo na ang Saturday at Sunday...!"

"Chillax ka lang pwede? Huwag kang mag-alala minsan lang to! Di mo kong kailangang bayaran nun! Isa pa, pagkakataon ko na tong maglakwatsa. Di na nga ako makapaglakwatsa tuwing school days dahil sa curfew ko diba?"

"Sure ka diyan? Ayos lang sa'yo?"

"Oo sureeeee!" Sure na sure. Hindi ko yata palalagpasin ang hamon ni Jeon Jungkook. May binabalak to eh. Masasaktan ka lang Jimin kung magiging extra ka lang sa date na to. Sasamahan kita.

--

Dumating ang sabado at maaga akong nagising sa usual na pagising ko. Biruin mo yun nagising ako ng 10. Wow...

Mabilis lang akong naligo. Natagalan lang ako sa pagpili ng damit. "Ano ba dapat kong isuot..." Magpalda kaya ako? Dress??  Magshorts?  Ahhh!!! Skinny jeans na nga lang!

Hinablot ko naman yung puti kong long sleeves na parang sweater na sht na di ko alam tawag at tinuck-in ang harapan. Sorry got no time. Pati ang white na sneakers ko ay aking dali-daling sinuot.

Tinignan ko ang aking sarili sa salamin..di naman weird diba? Oo...di naman siguro...Ah!!! Ano ba to! Ako tong dating nagsasabi kay Jimin na umayos ng damit ako tong di pala marunong mag-ayos! Bahala na nga! Binraid ko sarili ko. Pero nagdalawang isip ako at nilugay na lang ang aking buhok sabay nagdadasal  na di ako mukhang timang.

Pagbaba ko ng kwarto, agad kong nakita si mama."O, san punta mo?"

"Aalis saglit."

"Saglit daw...pero gabi na uuwi. Di kita ipinaglihi kay Dora okay!?"

"Ma!"

"Bahala ka nga. Ewan ko sayong lakwatsera ka. Hoy basta curfew mo! 6!"

"Ang aga naman! Pwede bang 7, my beautiful mother?"

HELP ME GIRLALOO | JiminWhere stories live. Discover now