Chapter 11

131 6 0
                                    

"Ayan kasi paulan pa more!" Pangsesermon sa'kin ng nanay ko. 'Di ako nakapasok ngayon dahil nilagnat ako matapos matuyan ng pawis at mabasa ng ulan kahapon.

"Ehh...Ma..."

"Kasi naman! Gabing Gabi na kung umuwi! Ano ba itigil mo na nga yang pagGGRO mo!", pagpapatuloy niya. Hindi ko alam kung pinagloloko lang ba niya ako o naniniwala talaga siyang GRO ako eh... "Hoy Lee Gabi! Bawal ka nang umuwi ng ganyang kagabi, nagkakaintindihan tayo? Huwag ka nang pupunta kung saan saan pagkatapos ng klase mo! Lumalaki kang palaboy eh! Pano kung marape ka? Pano kung may kumidnap sa'yo? Ano? Akala mo may pangransom tayo? Wala! Pasalamat ka nga nagkasakit ka lang eh! Simula ngayon, may curfew ka na! Pagpatak ng alas-singko at wala ka pa sa bahay lagot ka talaga sa'kin! Nako! Bata ka! Di ko alam kung anong gagawin ko sa'yo!"

"Ma..." At nagtaklob ako ng kumot. Mas lumalala ata sakit ko sa bawat sermon niya eh. "Hay! O kumain ka at uminom ng gamot. Papasok ako. Mamaya pa ako makakabalik."

"Mhm..." Natulog ako buong araw. Wala akong ginawa kung hindi matulog at magpahinga. Sarap rin pala ng ganito paminsan minsan. Pero boring rin. Wala akong magawa. Nakahiga lang ako. Ah sht, sana wala akong mamiss sa ma lessons... ayokong mamiiss nakakatamad maghabol.

Habang natutulog bigla kong nakapa phone ko. Onga pala nakapatay lang to buong araw. Binuksan ko ang aking phone at nagulat. Aba, 21 texts. 5 misscalls. Pagbukas ko, gulat na gulat ako. Wow wow wow wow wow wow puro Jimin. Abaaa ang bakla ang yaman sa load.

Jimin: Ui Asan ka?

Jimin: Ui!! Gabi!! Sht! Andito karibal ko!

Jimin: Sht Gabi pumasok na karibal ko! Magkasama sila ni Jungkook!

Jimin: Gabi I need ur help wag mo kong pagtaguan! Nagseselos ako! Si Jungkook at si Taehyung!!!!

Jimin: Gabi!!!!

Jimin: Yaaaaaaaahhh

Jimin: Bhebhe labs~~

Jimin: Teka absent ka?

Jimin: Why?

Jimin: Bakit bigla kang nagabsent! Iniwan mo naman ako sa ere eh!!

Jimin: Bakit ngayon ka pa nagabsnet kung kailan andito na si Taehyungggg I dunno what to doooo!!!

Jimin: Gaaaabbbbiiii!!1

Jimin: Replyan mo naman akooo!

Di ko na binasa yung iba kasi nakakatamad. Sorry Jimin, kaya mo yan. Sooner or later sasabihin rin naman sa'yo ni Jungkook totoong nararamdaman niya. Wag kang mag-alala nagiging successful tayo.

Natulog ulit ako, pero biglang nagising nang biglang tumunog yung phone. Aba leche tong tumatawag na to! Di ba niya alam na may sakit ako? Isa pa gabing-gabi na eh!

"Hello..." Sabi ko.

[Gabi? Ui Gabi!!! Bakit ka nagabsent! Jusko po! Hindi mo alam kung gaano ko tiniis tong araw na to! Ang landi ni Taehyung at Jungkook! Nasasaktan ako!]

"...Sorry. Di bale papasok rin ako sa Lunes."

[Teka...parang iba boses mo? May sakit ka ba? Hala...Dahil ba yan kahapon? Nahamugan ka pag-uwi? Sabi ko naman sa'yo isasabay na kita pag-uwi eh!] Natawa naman ako. Hayy Jeon Jungkook tignan mo tong sinasayang mo. Sobrang caring na tao tas ikaw tsundere pa moreee! [O bakit ka tumatawa?]

"Wala wala haha..."

[Pagaling ka ha?]

"Oo. Ah kamusta nga pala Taekook?"

HELP ME GIRLALOO | JiminWhere stories live. Discover now