Chapter 16

101 5 4
                                    

Utang na loob. Mabuti si Kuya Yoongi lang pala! "A-Anong ginagawa mo dito?"

"Parang di ako dito nakatira ah." Oo nga, pala bumalik na siya. Oo nga pala, kapitbahay ko nga pala talaga siya.

Umalis kasi siya dati. Nagpakalayo-layo at doon naghanap ng trabaho sa malayo. Pero mukhang lumipat na siya ng trabaho na malapit-lapit dito. Yes, he's still an underground rapper and producer. If I'm not mistaken he used to work at Bighit Ent. Ngayon ata, kung di nagkakamali info niya sa facebook, ExtraBighit Ent. na siya, sister company ng Bighit Ent. 

Mukha man siyang gurang, o sabihin nating kung umasta man siya parang gurang, hindi pa naman siya talaga ganun kagurang. Bata pa yan. Katunayan, pinagsasabay niya ang kaniyang pag-aaral sa pagtratrabaho. Ewan ko diyan kung bakit ganun gusto niya.

"Masama bang pumunta dito pag di makatulog? Namimiss ko na kaya 'tong court."

"Ako rin..." Hindi niya pinansin ang mahina kong salita. Basta kinuha niya yung bola at nag-shoot. "Di mo to masiyadong ginagamit?" Tanong niya. Pano niya nalaman... "Ang alikabok. Linisin mo nga to."

"Sorry hehe..."

"Hay ewan ko sa'yo." Tumalon siya sabay shoot ulit. Ah...sobrang astig talaga niya. Pagkashoot, kinuha ko yung bola. Ako naman ang nag-shoot.

"Aba gumagaling ka na ah."

"Ako pa!" Suki ata ako ng arcade sa kanto.

Shoot lang kami ng shoot ng salitan. Ang rason kung bakit di kami nag one on one, maliban sa matatalo lang ako, ay dahil nakakatamad. Actually si Yoongi lang yung tamad. Promise...

"Kuya, musta na nga pala kayo ni Rio?"

"Wala na kami." What? Did i just hear that right? What?

"Ano?"

"Maglinis ka nga ng tenga mo! Sabi ko break na kami." Bigla siyang nag-shoot. Ngunit di to pumasok. Kahit mukhang wala siyang pake, parang affected pa rin siya. Hala ano kaya nanyari?

"Luh bakit? May third party ba? Sino? Anyare?"

"Wala. Walang third party. Narealize lang namin na di kami para sa isa't isa. Iba pananaw namin sa buhay. Iba gusto namin. May sarili kaming plano. Wala siya sa plano ko. Wala rin ako sa plano niya." Wow... grabe naman this. #Deep

Nakuha ko yung bola at nag-shoot, pero wenk. Di na shoot. Tumakbo si Kuya Yoongi para kunin yung bola at nag-shoot siya. "Baka naman may paraan para mainclude niyo ang isa't isa sa mga plano niyo."

"Wala nang paraan. Mas maganda na rin to para sa amin. Isa pa, narealize kong di ko kailangan niyang lab lab na yan. Magfofocus ako sa pagiging underground producer at siya..." Napatigil si Kuya Yoongi. Tinignan ang bola at pinaikot-ikot ito. "...sa arranged marriage niya." Shinoot ni Yoongi ang bola at nag-shoot. Tumalbog pabalik sa kaniya yung bola habang nasa may ilalim ako ng net, naghihintay na pumalya siya para mai-rebound.

"Arranged marriage??"

"Oo. Dami mong tanong!" Nag-shoot siya ulit, pero pumalya. Mabuti na lang andito ako to save the day para i-rebound.

"Bakit di mo ipaglaban?" Pagkashoot, pinasa ko sa kaniya yung bola.

"Walang mararating kahit ipaglaban."

"Pano mo naman nalaman? Sinubukan mo ba?" Pinanood ko lang siya na magshoot habang iniintriga.

Tumigil siya at tinitigan ako ng masama. Tae naman o. Scary ka po koya. "I did. Pero mas gaganda ang buhay niya sa lalaking yun." At nagshoot siya. Kinuha niya ang bola sabay pasa sa'kin.

HELP ME GIRLALOO | JiminWhere stories live. Discover now