Chapter 18

101 4 1
                                    

"Ha?!"

"O ano? Dali ikiss mo ko!" Gusto niya talagang makabawi ah! O ayan! Nahamon ko tuloy siya.

"Hindi ba yan sexual harassment..."

"OA mo! Gaga hind---" Nagulat ako. Napatigil ako. Tumigil rin pagtibok ng puso ko. Oh my god. I was just joking... but he really kissed me. Shet na malagket! Hinalikan niya ako sa noo! Hindi ba niya masense na nagbibiro lang ako? Pero #tbh kilig aq. ajajwaiwajwajwuaja

"Sorry, Gabi. Huwag mo na akong iwasan..." Natulala lang ako. Napanganga ako at nanlaki ang mga mata. Nahulog ko nga ice-cream ko sa sahig. "Hala! Gabi ice-cream mo!" Hindi ko na pinansin ice-cream ko, ni ang P20 ko na nasayang. Nakatitig lang ako kay Park Jimin, sa maliit niyang mga mata. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman kong ito. Pati mga galaw ko, di ko na rin maintindihan. "Sabi ko sa lips hindi sa noo"

Nang hindi nag-iisip, tumingkayad ako at hinila siya. Nang hindi nag-iisip, hinalikan ko si Park Jimin. Hindi sa noo o sa pisnge, pero sa labi. Hindi rin ito nagtagal dahil ako na mismo ang naglayo sa sarili ko kay Jimin matapos ang mga limang segundo. "S-S-Sorry! Sorry! Di ako nag-iisip!" Nag-bow ako sa kaniya sabay tumakbo papauwi habang bitbit-bitbit ang mga pinamili. Iniwan ko siya sa tabi ng daan na nagulantang ang buong pagkatao niya.

I'm really sorry Park Jimin. Hindi ko ginusto yun. Nawala lang ako sa sarili ko. Sorry...

---

Paikot-ikot lang ako sa kama kinagabihan. Hindi ko matanggal sa isipan yung ginawa ko. I mean, ginawa ko na rin yun sa past clients ko. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses na akong nakahalik ng lalaki. Pero yun, sa harapan lang ng pinagseselosan namin. Hindi yung ganito!  Wala naman si Jungkook kanina! Pati yun, trabaho yun eh! Hindi yung ganitong out of feelings talaga! Hindi kami nag-aacting kanina! "Aghhh!!! Ang tanga tanga tanga tanga mo Lee Gabi! Bakit mo yun ginawa---" Bigla akong napahinto. Bigla ko kasing naalala yung moment na nahalikan ko siya at napahawak ako sa labi ko. Wow lamang... lasang strawberry lips niya. Ano kayang lip balm ginamit nun? San niya kaya binili? Sa Bench din ba? O sa Penshoppe? Face Shop? Etude House? Shocks baka Mac? Tanong ko kaya? 

"Teka wtf!!!! May mukha pa ba akong ihaharap sa kaniya para tanungin kung anong lip balm gamit niya matapos kong gawin yun?!" Aghhhhhh Sobrang landi! Sobrang landi mo Lee Gabi! Sinabi ko pang, 'sabi ko sa lips hindi sa noo.' Sht! That was so so so so  not me. Anong klase yun Gabi?! Uso mag control ng hormones! "Anong klaseng babae ka!!!!!!" Wika ko sabay sabunot sa sarili habang patulog na gumugulong sa aking kama.

Kanina pa ako nag-aantay ng reply kay Jimin nang magtext ako sa kaniya na I'm sorry sa ginawa ko. Oo, alam kong sobrang kapal talaga ng mukha ko pero sa tingin ko dapat lang to. Dapat lang akong mag-sorry. Ngunit, katulad nga ng sinabi ko, kanina pa ako naghihintay pero walang reply.

Naisipan kong magtext ulit. Pero no reply ulit. Text ba ulit ako? Kaya lang baka naman isipin niya ang kulit ko...Pero bakit siya? Siya rin kaya! Makaflood yun eh! Pati kanina kaya kulit siya ng kulit sa'kin kung galit ba ako kaya ayan tuloy! "Fine! Ima text him again."

Ngunit, talagang walang reply.

"Ui... huhuhuju uso reply!!!" Pagkakausap ko sa screen ng phone  habang nakangudngud ang mukha ko sa unan. "Baka wala siyang load?" Impossible! Naka-line yun eh! "Naputulan?" Ayun mapuputulan? Rich kid yun eh! "Baka lowbat?" May power bank naman! Pati may saksakan naman siguro sila sa bahay nila diba! "Baka nanakawan ng phone?" Oh sht nako. Pero parang hindi naman siguro. "O Baka...galit siya sakin sa ginawa ko... " Nako eto na nga ba sinasabi ko eh! "Sheeet! Tanga mo kasi Gabi!!---" Napatigil ako sa kaka-alala ko nang biglang tumunog phone ko.

"O SHETXXCZCZ" Dali dali ko tong binuksan at...

TM: Ka-TM! Nagsisisi ka ba ngayon? Nauurat? Naiinis? Hayaan mong mawala ang galit sa puso at mapalitan ng saya sa bagong promo! Itext lang ang MSKTSAHRT to 0000 at maari ka nang magkaroon ng chance ng trip to Boracay for 2! Palawan for 3! And Bohol for 4! Kaya ano pang hinihintay mo! Text na!

HELP ME GIRLALOO | JiminWhere stories live. Discover now