Chapter 27

100 4 6
                                    

"HOY MARGA."

"Ano? Ang aga-aga nambubulabog ka." Sabi niya habang kumakain ng agahan niyang salad. Sinalpak ko sa lamesa niya ang article na nabasa ko kahapon. Oo pinrintan ko talaga. May ink kami eh. Bakit ba?

Napatingin siya sa papel na inilagay ko sa lamesa niya. Dahan-dahan niyang binaba ang pagkain niya at kinuha ang papel. "BAKIT HINDI MO SINABI SA'KIN?"

"Hindi mo pa ba alam?!"

"ANO?"

"Akala ko alam mo na dati pa... kaya di ko sinasabi sa'yo." Ano... So... Ako lang talaga tong walang alam? WHAT THE FREAK? SO NAGTAGAL 'TONG KWENTO NG 27 CHAPTERS NANG HINDI KO NALALAMAN NA ENGAGED PALA SI JIMIN AT MAGPAPAKASAL NA? TAPOS PUMAYAG PA AKO NA MAGPANGGAP NA GIRLFRIEND NIYA? BAKIT KAHIT SI MAMA HINDI MAN LANG SINABI SA'KIN? BAKIT KAHIT MISMO SI JIMIN SINABI SA'KIN? NAGMUKHA AKONG TANGA. TAE. TAGABUNDOK BA AKO? TAONG KWEBA BA TALAGA AKO? "Kaya diba? Dati ko pa sinasabi sa'yo na malakas kutob ko na hindi bakla si Jimin? May magpapakasal bang ganiyan na bakla? Pati kung bakla siya, lagot siya sa tatay niya." Pero pano kung hindi? Pano kung bakla pala talaga siya? Pano kung kaya hindi ni Jimin sinabi 'to sakin kasi baka hindi ako pumayag na paselosin si Jungkook since engaged na siya? Pano kung hindi niya pala talaga mahal yung girl, kasi si Jungkook ang true love niya? Shocks... "O, convinced yet?"

"..." Naguguluhan ako. Bakit feeling ko may hndi tama sa theory ko? Malakas kutob ko na may dapat pa akong malaman... There's really something weird especially on how Jungkook acted... For sure alam niya rin ang tungkol dito... May weird talaga na hindi ko pa ma-explain ngayon...

"Ui Gabi... Heartbroken ka ba? Alam kong masakit tanggapin na yung crush mo magpapakasal na pala. Malaking shock yun... pero-" Hindi ko na tinapos ang sinasabi ni Marga at lumabas ako ng classroom dala-dala ang printed article tungkol sa issue kay Jimin.

Hinanap ko si Jungkook sa classroom niya. Buti malaki ilong niya at madali ko siyang natagpuan. "JEON JUNGKOOK." Agad napatigil sa pagdadaldalan ang barkada niya. Lol may friends pala siya.

Napatingin silang lahat sa'kin. Oh shet medg awkward. Sorry.... Pinutol ko ba kasiyahan nila. "S-Sorry. Paheram muna nitong si Jungkook. Thank you." Hinatak ko si Jungkook palabas ng classroom papunta sa hindi mataong lugar sa building.

"Ano ba kailangan mo? Ba't mo ko hinatak? Huwag mong sabihing... ako naman ang lalandiin mo pagkatapos ni Jimin?" :) what :) the :) fck :)

Hindi ko na siya pinatulan sa wala niyang kwentang sinabi at pinakita na lang ang article na pinrint ko. "O, ano gagawin ko dito? Gawin kong scratch paper?"

"Oi Jungkook, bakit parang wala kang pakeelam?! Basahin mo kasi!"

"Alam ko na yan bago pa ibalita."

"Huh? Alam mo na pala eh! Pero wala kang ginagawa?!"

"Huh??? Ano ba dapat kong gawin...?" ALAM MO NAIIRITA NA AKO KAY JUNGKOOK I MEAN IRITADO NA AKO SA KANIYA SINCE MAGMEMEET PA LANG YUNG EGG CELL NG NANAY NIYA SA SPERM NG TATAY NIYA PERO NGAYON KO LANG NAREALIZE KUNG GAANO NAKAKAIRITA KATANGAHAN NIYA. ANO BA! Akala ko ba gusto niya si Jimin? Tapos hahayaan na lang niya 'tong mangyari? I'm 101% sure na arranged marriage lang 'to! Oo napakasakit sa'kin. Kasi sad ako for Jimin dahil papakasalan niya ang taong hindi naman niya... more or less... gusto! Tanggap ko na naman na hindi ako gusto ni Jimin. Tanggap ko kahit masakit tanggapin! Ayokong ipagpilitan sarili ko sa taong hindi ako mahal kasi hindi naman ako ganun ka-pathetic. Kaya nga ang gusto ko na lang for him is happiness. Ang totoong nagmamahalan si Jimin at JungkooK! HINDI BA?!

"IPAGLABAN MO PAGMAMAHALAN NIYO!"

"What?"

"ANO BA JEON JUNGKOOK!" Napatigil ako. Onga pala 'dati akong karibal' ni Jungkook kaya hindi niya siguro naget kung bakit bigla ko na lang sila pinagshiship.

Sinubukan kong huminahon at ipaliwanag sa kaniya na nagpapanggap lang kami ni Jimin, just in case. "Okay, okay. Hindi ko alam kung sinabi na sa'yo 'to ni Jimin, pero Jungkook, hindi talaga kami ni Jimin! Nagpapanggap lang kami para pagselosin ka, para magising na yang manhid mong puso para sa kaniya! At alam kong gising na yang puso mo. Alam kong gising na gising. Like wide awake. Pero bakit wala kang ginagawa? Sumusuko ka na lang ba? Dahil wala kang laban sa mapapangasawa niya? Dahil babae siya at lalaki ka? Dahil may obaryo siya at ikaw wala? Jungkook ano ba! #LoveWins #JiKook!" Masakit sa'kin na ishiniship sila sa isa't isa pero, I would rather ship them than to ship Jimin with other girl whom he doesn't even love.

Nakanganga lang sa'kin si Jungkook habang sinasabi ko ang sana ay pep talk ko for him, pero mukhang hindi siya namotivate. Tinawanan lang niya. Does he think I'm a joke?! Elaw? Sinayang ko laway ko para sa kaniya tas tatawanan lang niya? "HAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAAHAHAHHAHAHAHAHAH!!!!"

"Ano ba! Seryoso ako dito! Jungkook please! Alam kong alam mo na gusto ko rin si Jimin pero from the start alam ko namang wala akong laban sa'yo! Ipinauubaya ko na talaga siya sa'yo ng buong-buo. Please, ipaglaban mo siya!"

"Alam mo, Lee Gabi, hindi ko alam kung tanga ka o tanga ka?" Putcha. Tinutulungan ko na siya tinatanga pa ako. AGHHH GIGIL MO C ACOE AGHHHHHHHHHH.

"Ano?"

"Sa tingin mo kaya lumapit sa'yo si Jimin para pagselosin ako?"

"Bakit hindi ba?"

"HAHAHAHAHA PUTCHA WHAT A JOKE."

"Huh?" Suddenly I'm confused... Uhm what?

"Akala mo ba talaga na may gusto ako kay Jimin?! All this time yun talaga iniisip mo?!"

"Bakit... Wala ba?! Bakit sabi ni Jimin---"

"Putek wala! Hell no! Hindi ako bakla! Ano ba! Straight ako!"

I'm confused... Eh bakit mukha siyang nagseselos dati? Bakit parang galit na galit siya sa'kin sa tuwing naglalandian kami ni Jungkook?! Tapos bakit sabi ni Jimin umamin si Jungkook sa kaniya!? Tandang-tanda ko yun! Sa Chapter 25 ata yun!!! What the freak?! "E-Eh... P-Pero si Jimin... M-Mahal na mahal ka..."

"HAHAHAHAHAHAHA You're really making my day, Lee Gabi. Sobrang funny mo. HAHAHAHAHA." Hindi ko na po maintindihan. Bakit ba siya tawa ng tawa. Pwede bang sabihin na lang niya ng isang diretso?! "Akala mo ba talaga na sa'kin may gusto si Jimin? Akala mo talaga na lumapit siya sa'yo at naging client mo para maging kami?"

"Uh...?"

"You're totally wrong. Para yun sa kaniya, sa inyo ni Jimin."

"Hindi ko maintindihan..."

"Huwag mo nang intindihin. Hindi yun kayang intinidhin ng mga tangang katulad mo..." Nangigigil na ako dito ah. Kanina pa niya ako tinatanga. JFKLSDJFKLJDSKFM ANO BA?!

Naglakad na paalis si Jungkook nang hindi man lang sa'kin pinapaliwanag yung pinagdadakdak niya. "Oi! Jungkook! Oo na slow na ako! Teka! I-explain mo sa'kin!!! Anong para sa kaniya? Anong para sa'min?"

Napangiti muna si Jungkook na tila may sikretong tinatago bago sabihin ang salitang, "Ayoko." Bakit ba ang taray niya!?

"Ui!!! Sige na please!!!!" Tumigil siya. Ngunit hindi siya tumigil para magpaliwanag, kung hindi para paguluhin pa ang utak ko. "Onga pala, tinatanong mo kanina kung bakit wala akong ginawa tungkol sa pagpapakasal ni Jungkook. Well maliban sa hindi nga ako bakla, kapatid ko papakasalan niya. Kaya subukan mo lang tumutol sa kasal nila kung ayaw mong i-shave ko kilay mo."

HELP ME GIRLALOO | JiminWhere stories live. Discover now