Chapter 2

211 8 0
                                    


Ayun target found.

Malapit na siyang pumasok sa school gate

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Malapit na siyang pumasok sa school gate. "Yah, Jimin lalabas ako sa damuhan na 'to okay? Pag nag-unat ako bigla kang lumabas diyan. Over." Tawag ko kay Jimin sa walkie talkie habang nakatago sa damuhan.

[Okay okay. Over.] Pagsagot niya.

Lumabas nga ako sa talahib na nasa gilid ng gate nang dahan-dahan. Nakita kong papasok na si Jeon Jungkook sa campus nang bigla akong nagulat. "Ui Babe! Good Morning!" Nagulat ako sa biglang umakbay sa'kin. Teka bakit ako nagulat ako nagplano nito? Sabagay pano ba naman ako di magugulat. Sinabihan niya ako ng Babe.

"Sira ka ba? Bakit babe?!" Bulong ko sa kaniya. Gawin ba naman akong nagsasalitang biik?! Excuse me?

"Eh? Ano ba dapat? Ganun naman talaga magtawagan ang mga magshota ah?" Bulong niya pabalik sa'kin habang sweetie sweet siyang nakaakbay.

"Bhebhe labs dapat! Bhebhe labs! Hindi babe!"

"Anong bhebhe labs...!? Jeje ka ba o ano?"

Tumingin ako sa gilid at nakitang nakalagpas na si Jeon Jungkook. Kita mo nga naman o! Inalis ko akbay niya at tinirikan siya sa mata. "Hoy Park Jimin," Tinigil ko na ang pagbulong. Malayo na naman si Jungkook kaya ayos lang na hindi na umarte. "Gusto mo ba talaga mapansin ka nung malaking ilong na yun? Dude! You gotta be papansin! Kung gusto mong makaattract ng attention, gamitin mo ang pinakattracting sa lahat!"

"Pero ang jeje kasi..."

"That's it! Mga susyalera nagaaral dito! Mapapatingin lahat sa'yo pag ginawa mo yun!" Napatingin siya sa baba, nag-isip at dahan-dahang umoo. "Oo nga noh...sige next time tatandaan ko yan."

"Huwag mong tandaan next time! Ngayon pa lang tandaan mo na! Nagkakaintindihan ba tayo?"

Bigla siyang tumayo ng maayos at sumaludo sa'kin. "Ma'am, yes ma'am." Masunuring bata to ah. Hahaha...mukhang kikita ako dito ng malaki laki. Heh.

"Yeah, yeah whatever. Tara na nga, di pa nagbebell pwede pang magpapansin kay Jungkook." Hinatak ko siya papuntang school building at hinanap si Jeon Jungkook.

--

Nakita naming si Jungkook na nasa tapat ng locker niya. Gotcha! Magandang chance 'to. Hindi ko alam kung ano ang eksakto niyang ginagawa pero basta may ginagawa siya sa locker niya. "Okay, Jimin, tandaan mo lang sinabi ko sa'yo kanina. Okay?" Umoo siya at nagsimula kaming maglakad sa locker hallway sht. Dahan-dahan kaming naglalakad at nilakasan namin ang boses namin para marinig ni Jeon Jungkook. Yung exaggerated kung baga?

"Ui bhebhe labs, san mo gusto pumunta mamayang uwian?" Tanong sa'kin ni Jimin habang patuloy na nakaakbay siya sa'kin.

"Hmmm...kahit saan. Kahit saan basta kasama kita, Jimin bhebhe labs..." Sabi ko, putting emphasis on Jimin. I glanced at Jeon Jungkook to see if he reacted in anyway. Pero mukhang patuloy lang siya sa paglalagay ng libro sa locker niya. Agh! Kaya ayoko ng ganitong case eh! Masiyadong mapagtago sa damdamin tong mga lalaki!

"Haha ikaw talaga babe---bhe!" At kinurot ako sa pisngi ni Jimin. Putcha. Wala sa usapan yang pagkurot! Oh well, kung ikalilingon 'to ni Jungkook, sige na nga.

Tumigil ako sa gitna ng hallway at tumigil rin si Jimin. Biglang naging awkward ang atmosphere kasi nanahimik kami bigla. Mas naging awkward pa nang kami lang ni Jimin at si Jungkook ang nasa locker area. "Ano na?" Bulong sa'kin ni Jimin.

Lumingin ako saglit kay Jungkook at nakitang nasa locker pa rin niya siya. Nakatayo pa rin siya sa tapat nito. "Tawagin mo si Jungkook." Bulong ko sa kaniya.

"H-Ha?"

"Tawagin mo! Friends naman kayo diba?" Napalunok siya at ginawa niya ang sinabi ko. "Dali!"

"J-Jeon Jungkook!" Lumingon sa'min si Jungkook at nagsalita. Yung tipong parang di kami naririnig kanina pa. O baka nga hindi... O baka oo...kasi nagpapanggap lang siya? Agh! Ang hirap basahin ang mga mata ng lalaki. Hindi ko mawarian kung anong nasa isip nito!

"O, Park Jimin!"

"Oh! H-Hello! Hahahaha..." Ay nako! Sobrang stiff! Magkaibigan ba talaga sila? Bakit ganiyan na lang siya makareact! O baka naman kinakabahan kasi 'to? Ano ba! Masiyado kang halata Park Jimin!

"Haha hello"

"Hello..."

"Uh... hello...?" Naghello ulit si Jungkook. Ngingiti ngiti lang si Jimin. Patay. Natameme na tong bulinggit na 'to. Wala nang masabi kung hindi hello. "Haha hello..." Putcha. Isa pa babatukan na kita.

Medyo bumulong ako sa likod ni Jimin at sinabing, "Ipakilala mo ko..."

"Ah...Ah! Ah! Oo! ---Ah...Jungkook ano ano...uhm..." Tinulak ako ni Jimin at tsaka pinakilala. Aray ah. Aray! Makatulak 'to. "Si ano...Si Lee Gabi nga pala...ano g-girlfriend ko...hahahah" Sobrang stiff! Jusko po hindi ba to marunong umarte? Kahit slight lang?

"Eh? Girlfriend mo? Parang kahapon lang habol ka ng habol sa'kin hahahha! Kailan pa?", ang pagloloko ni Jungkook. Ahh...so napapansin naman pala ni Jungkook ang paghabol sa kaniya ni Jimin. Hmm...

"Ah hehe kahapon lang." Aniya ni Jimin.

"Eh? Kahapon?" Jungkook was doumbfounded. Siguro di makapaniwala. Jusko po maniwala ka na. Magselos ka na nang matapos na to. Ay sht wait wag muna pala. Times two nga pala ibabayad sa'kin ni Jimin. Kailangan ko ng pera. Siguro kapag may isang milyon na ako.

Hahahahahahhaha. Joke.

"Talaga lang?" Tanong ulit ni Jungkook.

"Oo! Hahaha..."

"Hmm...Haha sige sige nice to meet you! I'm Jeon Jungkook!" Wika niya.

"Nice to meet you too! I'm Lee Gabi!" At nagshakehands kami. Tinitigan ko siya sa mata habang nagshashakehands. Tinitignan ko kung may pagbabanta sa mata niya towards sa'kin. Hindi ko binitawan ang kamay niya at patuloy sa pag-alog ng kamay hanggat hindi ko makita ang pagbabantang iyon. Dali na...Bumigay ka na...Ipakita mo na nagseselos ka...

Ngunit, wala akong nakita kung hindi mata lamang na na we-weirdohan. "U-Uhm...Gabi...Yung kamay ko..." Bigla kong napansin na sobrang higpit ang pagkahawak ko sa kamay ni Jungkook na namumutla na ito. "Ay sorry!" Binitawan ko ito at nakitang shinake niya ang kaniyang kamay para dumaloy ulit ang dugo niya.

"Hahaha it's okay. Anyway, congrats guys! Punta muna akong classroom ah! See you!" At umalis na siya, bitbit bitbit ang mga librong kinuha niya galing locker.

Nako malala to parang wala akong mabasang pagseselos sa mga mata ni Jeon Jungkook. Eto pang si Park Jimin, hindi marunong umarte. Mahirap hirap to. Tsk tsk tsk.

HELP ME GIRLALOO | JiminWhere stories live. Discover now