Chapter 24

117 3 17
                                    

"Thank you Gabi!!! Akala ko di ka na pupunta!"

"Ano ka ba! Pupunta ako! aHaha..."

"Gosh Gabi...kinakabahan ako! Ano kaya sasabihin sa'king importante ni Jungkook?" Nag-aalalang sinabi ni Jimin habang nag-aantay kami sa isang puno na malapit sa Starbucks na may pagka-"homey" something yung theme.... Sa totoo lang, familiariar 'tong lugar na to... hindi ko alam kung saan ko to nakita.

Kahit masakit sinamahan ko na lang si Jimin. Eto naman kasi talaga ang misyon ko. Ang mapansin siya ni Jungkook. Maging sila. Mahirap pero kailangang tanggapin na kupido lang ako sa kwentong ito. Supporting character lang ako.

"Ano ka ba! Kaya mo yan! Malay mo good news!" Pinalo ko siya. As usual sa braso.

"Pero... gosh!!! Kinakabahan talaga ako..." Sabi niya kinakabahan siya pero todo ayos ngayon. Complete attire af siya. Ui, sobrang naproproud na ako dito. Mas magaling na talaga tong manamit sakin! I feel like a proud mom. Kung di lang din kami magiging kami ni Jimin, mabuti pa't maging nanay na lang niya ako. JOKE. Wtf. what the heck. ew no. no .no.

"Eh pano kung hindi? Pano kung..."

"Kalma okay? Malay mo mangungutang lang pala!"

"Gabi naman!!!" At bigla siyang nagpout. What the fck! Why u gotta pout like that! Masiyadong cute aghhh. Anong klase kang lalaki?! ---Ay di nga pala siya lalaki. Lagi ko na lang nafoforget.

"Hahaahah tumigil ka nga diyan! Grrr nanggigigil ako!" At kinurot ko siya sa pisngi. "Aray!" Kinuha niya kamay ko at siguro dapat gaganti siya. Ngunit bago pa man siya makapaghiganti sa pagkurot ko, pinalo ko siya. "Ui! Ayan na siya! Dali, dali!" Tinulak ko si Jimin papalayo. Binitawan niya kamay ko habang dahan-dahan siyang pumunta kay Jeon Jungkook.

--

Nasa isang hakbang sa entrance ng Starbucks umupo si Jungkook. Napatayo naman siya nang makita agad si Jimin na palapit. "Jimin! Buti nakarating ka!" Nagtatago ako sa gilid habang pinapanood silang mag meet & greet. Alam mo parang familiar tong scene na to... Hindi ko alam kung saan ko ba to nakita... De ja vu or what?

"Haha oo eh." Lumapit si Jimin at umakyat ng isang hakbang sa hagdan. "Ano nga pala yung sasabihin mo?"

Ngumiti si Jungkook at medyo nahihiya. "Uhm...alam mo kasi jimin, matagal ko na tong gustong sabihin pero di ko masabi-sabi. Ngayon, hindi ko na kayang itago pa." Eto na nga yun. The truth. The truth that hurts. That truth and the reality. "Alam ko Jimin, parang ang cold ko sa'yo...alam kong feeling mo lagi na lang kitang iniisnob...Pero hindi kasi yun eh...Ang totoo niyan nahihiya lang naman kasi ako..."

"Jungkook...?"

"Oo nung una kang umaagilid-gilid sa'kin naiinis ako. Tumatakas ako sayo. Nagtatago. Pero nung tumagal, parang ano kasi eh... nakasanayan ko na. Sa totoo lang nageenjoy ako kapag nagpapapansin ka and all... At pansin na pansin kita simula pa lang. Sabihin nating nagpapahard to get lang ako. Oo pabebe na kung pabebe. Nahihiya lang talaga ako. At nung bigla kong nalaman na may girlfriend ka na? Nasaktan talaga ako nun. Hindi ako makapaniwala"

"J-J-Jungkook..." Mukhang di makapaniwala si Jimin sa mga naririnig niya.

"...Alam mo yung kahapon lang, nangungulit ka sakin tas biglang may girlfriend ka na? Masakit talaga yun. Lalo na nang nagkagirlfriend ka na tsaka ko pa lang narealize yung feelings ko. Sobrang sakit pa nung palagi ko na lang kayong nakikitang naglalandian. Yung tuwing umaga? Yung tuwing lunch? Kapag nagtatawagan kayo ng napaka jejeng Bhebhe labs? Ayokong ipakita pero hindi mo alam kung gaano kasakit yun para sakin. Ginamit ko pa nga si Taehyung para pagselosin ka. Pero wa epek. Nagmamahalan talaga kayo ni Gabi noh? Hahaha." Ah. I forgot to mention. Disclaimer nga pala. Hindi ako 95% sure na yan talaga pinag-uusapan nila. Di ko marinig eh, medyo malayo sila sa'kin. Feeling ko lang yan. Dinu-dub ko lang sila. Dubber na aq.

HELP ME GIRLALOO | JiminWhere stories live. Discover now