Chapter 17

103 5 8
                                    

Dahil nga mas malaki si Jungkook, di alam ni Jimin kung pano siya makakatakas. Pati siguro gulat yun. Ikaw ba naman ma-corner ng crush mo. Sino bang hindi magugulat dun?

Di ako nakakibo. Alam ko namang mangyayari to any moment. Alam ko namang sasabihin rin ni Jungkook ang totoong nararamdaman nito. Naghahanap lang yun ng tiyempo. Pero ngayon na ba talaga?

Ugh!! Ang sakit! Sa dinami-rami ng lugar bakit dito pa? Sa dinami-rami ng pagkakataon bakit ngayon pa? Teka nga! Bakit ba lagi ko na lang silang nakikita na ganito?! Pangalawang beses na ata to ah!

Alam mo yung ang sarap umextra sa pagitan nila pero di ko magawa dahil una sa lahat wala ako sa posisyon para gawin yun? Di naman talaga ako totoong girlfriend ni Jimin. Tinutulungan ko pa nga sila na maging sila, bakit ko namang paghihiwalayin yung dalawa?

Oo, tama lang to. Eto ang nararapat. Eto ang nasa plano. Sila ang dapat na magkatuluyan. Hayaan ko lang dapat sila.

Aalis na sana ako ng tahimik pero dahil sa sobrang nginig sa nakita ko, nahulog ko yung librong hineram ko.

Napatingin sila sakin. "U-U-Uhm...A-Ah...S-S-Sorry na-nakakaistorbo ata ako." Dali dali kong pinulot yung libro at umalis. "Gabi!" Narinig kong tumawag sakin si Jimin. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Bakit mo ba ako hinahabol Jimin? Dun ka na kay Jungkook! Ano ba!

---

"Gabi! Wait!" Kung saan-saan ako pumunta, pero hinahabol pa rin niya ako. Lechugas. Wala tuloy akong choice kung hindi pumasok sa girl's washroom. "O, Gabi!!!" Nasa lubong ko si Taehyung na kakalabas lang sa katapat na men's washroom. Tumango-tango lang ako at pumasok na ng tuluyan sa girl's washroom.

Sige subukan mo lang akong sundan pa dito Park Jimin! Subukan mo lang! Teka, bakit nga ba niya ako sinusundan?! Dun nga siya kay Jungkook!

Nanatili ako sa washroom ng matagal-tagal. Nabilang ko na nga kung ilan yung nagsisipasok labas dito eh. Bale mga 33 1/2 students yung pumasok. Oo ½, hindi dahil may aswang o manananggal na pumasok pero yung isa kasi parang nagdalawang isip kung tatae ba siya o hindi. Eh nahiyang tumae, kaya kalahati lang ng katawan niya yung pumasok.

Balak ko pa sanang magtagal pero biglang nag-ring yung bell. Naghugas ako ng kamay at humarap sa salamin. Hinugasan ko mukha ko sabay kausap dito, "Ano ba Gabi ang weird mo!" Sobra, sobrang weird ko.

Lumabas ako sa wakas. Feeling ko dumikit na sa akin lahat ng amoy ng banyo. Kadiri. Pero nawalan na ako ng pake. Mas tinignan ko kasi ng pake yung si minion. Siguro naman nakaalis na yung bayot na yun diba?

Ngunit, nagulat ako sa nakasalubong ko paglabas, si Jimin na tumatambay sa labas ng washroom. As in sa tabi mismo ng guy's washroom. Bale siya agad yung bungad paglabas ko.

Napatingin naman siya sa'kin at tinawag ako. "Lee Gabi" Nasabi ko na ba na ang hot ng boses niya? Teka walang malisya ah pero totoo talaga! Sa sobrang hot napaso ako. Corny.

But seriously speaking na, ano? Wala siyang balak pumuntang classroom? Bell na kaya! Ano ba! Bakit ba siya tumambay diyan! Ahhh!!! umalis ka diyan Park Jimin di ako makapunta sa klase nito eh!

Babalik na sana ako sa loob ng washroom nang hawakan niya ako sa braso, "Ui Gabi, usap tayo."

"Bukas na lang bell na."

"Bell na pero pabalik ka sa washroom?"

"Ano...Uhm...May secret passage dun papuntang classroom."

"Talaga? May secret passage sa washroom?"

"O-Oo meron!" Napabuntong hininga sakin si Jimin na para bang sabihin, ano ba di ako bata. Ni bata di maniniwala sayo.

"Gabi, please let's talk." Hindi ba kami nag-uusap? Ano ba ginagawa namin? "Huwag mo na akong iwasan please." Tae ka Park Jimin. Pinapahirapan mo ako eh!

HELP ME GIRLALOO | JiminWhere stories live. Discover now