Chapter 12

109 5 0
                                    

"Tatapak na siya sa school gate. Over." Sabi ko sa walkie talkie habang nagtatago sa damuhan. Pumasok na ng school campus si Jeon Jungkook. Ang Campus Nose ng Bayan. "Pagnakita mo kong lumabas salabungin mo ko, okay? Over."

[Roger. Over.] Sagot naman ni Jimin na nag-aantay ng senyas ko na lumabas sa loob ng school building.

Lalabas na sana ako sa damuhan nang biglang tumigil si Jungkook. Bakit siya tumigil? Umikot siya paharap sa school gate nang biglang may yumakap sa kaniya. "Teka teka teka...bayot... parang may kasama si Jungkook..."

"B-B-Babae?" Sumilip ako ng mabuti kung babae ba.

"Hindi...lalaki..."

"Eh? Lalaki? Teka...baka si Taehyung... Umagang umaga..." Ahhh siya pala si Kim Taehyung. Ngayon ko lang siya nakita. Siya pala yung pinagseselosan ni Jimin. Hmmm...

Damang dama ko sa boses ni Jimin na nagseselos siya. Nadama ko ang bigla niyang pagkawala ng gana. Hayy kawawang Park Jimin.

"Anong tono yan? Huwag ka ngang magmukmok. Ipagpapatuloy natin tong plano. Mas doblehin pa natin ang pagiging cheezy, clear?"

Patuloy kong pinagmamasdan ang dalawa. "Okay lalabas na ako sa pinagtataguan ko." Lumabas na ako sa damuhan at kunyari di ko napapansin ang Taekook. Hawak hawak ang strap ng backpack ko, naglakad ako ng patalon talon papunta sa loob ng school building. Bigla namang may lumitaw na minion---este si Jimin pala yun. Kita ko ang pagkaway-kaway niya sa akin. "Gabi bhebhe labs~~!" Sinalubong niya ako with open arms gaya ng nasa plano.

"Jiminnie bhebhe labs~~~!" Dali dali ko siyang pinuntahan. Pero napatigil ako. Aba. Si Jimin ba talaga to? Bagong buhay? Nilapitan ko sya at pinagmasdan ang mukha niya. My god! Wala siyang salamin ngayon! Yung bangs pa niya nakagel! Nakataas! Kita yung noo niya. Hinipo ko yung kumikintab niyang noo, "Jimin...okay ka lang ba? May sakit ka ba?" Baka matapos kong magkalagnat, siya naman ang nagkaroon. Oh no. This is gonna be tough.

"Ha? Wala bakit?"

"Tinanggal mo salamin mo for real tapos nag-gel ka pa tas nagpakulay ka pa ng buhok...Sure ka bang wala kang sakit?"

"Ikaw nagsasabi saking tanggalin ko salamin ko, tas ikaw tong gulat na gulat!" Ginulo niya ang buhok. Oo sinabi ko ngang tanggalin niya salamin niya pero di ko sinabing maggel siya! Uy bawal kaya sa'min magpakulay! Adik to ah. Us2 mung makik awt? San niya napulot yun...  "Hoy Jimin ibalik mo sa dati kulay ng buhok mo. Pag ikaw talaga napagalita----" Hindi niya tinapos sinasabi ko. Hindi nga niya pinakinggan eh. Bastos.

"Ui Gabi ayan na sila!" Naghanda na akong mag-actingan. Niready ko ang sarili ko sa paglalandi. "Wah!!! Gabi bhebhe labs I mishhhed u so much!!!"

"Grabe tatlong araw lang naman tayong di nagkita~" Yes tatlo. Friday na absent ako, at Sabado at Linggo. Mondays to Friday lang ako nagsisidline. Di ako pumapayag na pati Sabado't Linggo magpanggap ako. Di na healthy yun. Isa pa, utang na loob, kailangan may rest day ang mga katulad kong naghihirap sa pagtratrabaho.

"Ano ka ba 3 days is 72 hours. 72 hrs is 4320 minutes and 4320 minutes is 259200 seconds! 259200 seconds tayong di nagkasama! 259200 seconds kong di nakita ang kagandahan ng girlfriend ko!" Napatahimik at napanganga....cinompute niya ba talaga yan. Di naman siya prepared noh? Parang dumugo ata utak ko bigla. Wait lang...iproprocess ko lang sa isipan ko... Wait parang nilalagnat uli ako.

"Okay ka lang bhebhe labs? May sakit ka pa ba? Idadala na ba kita sa hospital?" Natauhan ako nang biglang sobrang lapit ng mukha niya. Nilayo ko ang kaniyang mukha at tumawa. "Bhebhe labs talaga! Ur so oa!"

"Siyempre naman! Basta sa kapakanan ng bhebhe labs ko! A onga ala bhebhe! Lookie! Lookie!" Bigla siyang May dinukot sa bulsa niya. Isang card at isang regalo.

HELP ME GIRLALOO | JiminWhere stories live. Discover now