Chapter 13

122 8 0
                                    

"Kung bakla lang ako magkakagusto na ko rito eh! Diba Jungkook?"

Nagulat ako sa tanong ni Kim Taehyung. Fck sht Kim Taehyung. Anong klaseng tanong yan?! Bakit mo kailangang itanong yan! Di mo ba talaga alam ang nangyayari? Oo di niya alam kasi wala nga siya. Nagkasakit siya. Wala siyang kamuwang-muwang sa nangyayari.

Napatingin ako kay Jimin na inaantay ang sagot ni Jungkook. Napatingin din tuloy ako kay Jungkook. Napalunok ako. Ano sasabihin niya? Aaminin na ba niya? Sht!

"Ah----"

KRIIIING.

Biglang nagbell. Nagbell... Oo nagbell... Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat sa bell. "Hala bell na! Sht! May isusubmit pa pala ako! Oh my gaaaahdd! Sige bye muna!! Nice meeting you Gabi!!!" Nauna nang pumasok si Taehyung sa loob ng building habang nagsisitakbo papuntang staff room.

Naiwan ako, si Jungkook at si Jimin. Bale ang awkward lang naman. "Ah sige, ako rin papasok na rin." Sabi ni Jungkook. Nasa loob na siya ng building nang bigla siyang pinigilan ni Jimin. "Jungkook,"

"Yeah?" Tanong ni Jungkook sabay harap sa'min. Nanlaki ang mata ko. Bakit mo siya tinawag Jimin? Gusto mo ba talaga malaman ang sagot niya? Huwag mo nang alamin...please. Teka bakit ba ayaw ko? Ano ba Gabi! Hayaan mo na sila! Kung aaminin na ni Jungkook edi umamin siya!

"Ah...wala wala..."

"Ah? Hahaha okay" At dumiretso na sa loob si Jungkook. Nakita ko ang mukha ni Jimin. Hindi ko mabasa mukha niya. Hindi ko alam kung nalulungkot ba siya? Nagseselos? Nanghihinayang o ano? Naka straight face lang siya.

"Huy, pasok na rin tayo." Sabi ko sabay palo sa braso niyang batak. Oh sht man.

"Ah...oo..." At sumunod siya sa'kin.

---

"Margaaaaa Tulong!!!" Pag-ungol ko. Pumunta ako sa desk ni Marga na kumakain ng payapa.

"Wala akong pera." Pagsagot niya. Wow ah wala pa nga akong sinasabi! Grabe siya ah! Kapag ba hihingi ako ng tulong pera agad hinihingi ko? Ay anong klase tong kaibigan!

"Grabe ka! Manghihingi lang ako ng pagkain!" Dumukot ako ng isang hibla ng pasta na kinakain niya. Ever since talaga healthy living tong babaeng to. Biruin mo yun pasta with fresh tomato sauce? Wow... Gayahin ko kaya siya? Diet na rin kaya ako? Eh wag na katamad.

"Hoy Gabi! Kadiri ka! Gumamit ka nga ng tinidor! Pati binigyan ba kita? Hay! Sabi na eh kaya dapat di ako nagpapakita sa'yo pag kumakain ako!" Di ko naman po kasi kasalanan na palaging masarap baon niya noh! Nakakatakam kaya!

Kinuha ko yung upuan na nasa tabi niya at inilapit sa desk niya. Kumuha ulit ako ng isang hibla. Bigla naman niyang pinalo kamay ko. "Ano ba! So unsanitary! Ew!" Wow arte nito ah! Ewew-an ko mukha mo.

"Edi paheram na lang ng tinidor!"

"Yoko nga! *LC ako!" At inilayo niya sa'kin yung pagkain niya. Aghh! Ang damot talaga nito! "Kung gutom ka, magpalibre ka na lang sa boyfriend mong bakla!"

"Gaga!" Pinatong ko na lang tuloy yung ulo ko sa desk niya habang pinapanood ko siyang kumakain. Ayokong bumili ngayon, nag-iipon ako. May baon ako, pero panglunch ko na yun. Ayokong magpalibre kay Jimin, kotang-kota na ako. Marunong din naman akong mahiya noh!

"Bakit ka ba nandito? Bumalik ka na nga dun sa table mo!"

"Grabe ka! Masama bang puntahan kaibigan ko? Grabe tinataboy mo ko..." Umupo ako ng maayos at nagcrossed legs habang naka crossed arms. Lol ano daw. Basta ayun. Gets mo na yun.

"Kataboy-ka naman kasi talaga!" Kaibigan ko ba talaga to? Mukhang hindi. Witch to! Witccccchhhhhhh.

"Ano ba! Huwag mo naman akong itaboy may problema ako."

HELP ME GIRLALOO | JiminDär berättelser lever. Upptäck nu