Chapter 20

112 3 2
                                    

"Pfftttt" Pinipigilan kong tumawa dahil sa reaction niya. Ano ba Gabi galit ka sa kaniya bakit ka tumatawa? Hindi ko rin alam....sobrang...sobrang cute lang kasi... Nako! Di to pwede! Na-turn off na nga ako kanina diba! Ano ba!

Napatingin sakin si Jimin nang marinig niya ata ang pagpigil kong tawa. Kung di lang madilim, feeling ko pulang pula na to sa kahihiyan. "Takot ka?" Tanong ko.

"Huh? Di ah."

"Sinong niloloko mo?"

"Ewan ko sa'yo." Mukhang galit nga siyang talaga sakin. Pero di niya maiwasang humawak sa kamay ko kapag biglang may manggugulat. Di pala takot huh?

Buong time na nanonood kami, di ko na nagawang magalit dahil horror na dapat pinapanood namin ay naging comedy. Reaction po kasi ni Park Jimin priceless. Hayuuuuup iba.

--

"HHAHAHAHA Sobrang saya nun!" Wika ni Taehyung.

"Oo nga eh!! HAHAHA kamukha mo yung multo TaeTae!" Pagloloko ni Jungkook.

"Aba! Aba! Aba!" Gugulpihin na sana ni Taehyung si Jungkook pero bigla itong tumakbo. Hinabol naman siya ni Taehyung. Hindi ko maexplain kung ano ni re-reenact nila. Tom and Jerry ba? Ogie and the Cockcroach? I really don't know. Basta malandi silang naghabulan.

Lumingon naman ako kay Jimin kung nagseselos, at mukhang walang imik. Hindi ko alam kung yung pagwalang imik niya ay dahil ba sa paglalandian ng Taekook o dahil sa movie kanina.  Basta nakaupo lang siya sa waiting area sa labas ng sinehan. "Ayos ka lang?" Inabutan ko siya ng tubig. Mukhang hindi siya nagseselos. Wala pa siyang ganang magselos. Mayroon pang aftershock ng pinanood kanina.

Tumungo siya sa'kin at kinuha yung water bottle. Medyo naging awkward na  naman. Galit nga kasi kami sa isa't isa diba. Although medyo humupa na yung galit ko sa kaniya dahil sobrang funny niya kanina. As in sobra wajhg49fsmlk HAHAHAHAHAHH

Pero galit pa rin ako.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa mga pagkakataong ganito. Medyo galit ako sa kaniya at siya rin sa akin. Kakausapin ko ba siya? Eh kakausapin ba niya ako? AJFHFJEOSKXSMHo

"Jimin---"

"Geh washroom lang ako." Pagpapaalam ni Jimin. Buti naiihi siya kung hindi sobrang awkward na talaga. Umoo ako at umupo sa inuupuan niya kanina.

"Hoy! Gabi! Asan si Jimin? Tara skating tayo!" Pagyaya ni Taehyung habang kaakbay si Jungkook. Aw sayang akbay niyo, di nakita ni Jimin. "Nag washroom lang. Sige susunod kami."

"Oki!!!" Umalis ang dalawa nang magkaakbay. Napansin ko naman ang paglingon ni Jungkook sa'kin sabay irap. Taray mong bakla ka ah! Feeling long hair! GRR!

--

Hinintay ko si Jimin na makalabas sa banyo. Nakita naman niya ako kaagad at napatayo ako. "San sila?" Matipid niyang tinanong. Halata talaga na galit siya sa'kin... Kainis though kasi parang masiyadong ginagawan niya ng big deal yung pangloloko ko sa kaniya kanina. I mean... okay fine I'm at fault pero kainis eh! Hindi pa ba sapat yung kung saan-saan niya ako pinapunta kanina?!

"Ah, nauna na sila sa skating rink."

"Ah." At nauna siyang maglakad sa'kin. Aba! Hindi man lang ako sinabayan! Pagkatapos kitang hintayin diyan eh! Grabe ka Park Jimin! Tssssssss...

--

Wala pa rin kaming imikan ni Jimin nang makarating sa skating rink area sht. Nagsusuot pa lang ako ng sapatos na pang skate, kitang kita ko na kung paano mag landian ang Taekook na habulan ng habulan. Taekook got no chill. My gosh. Ang tindi ng plano mo Jungkook.

HELP ME GIRLALOO | JiminWhere stories live. Discover now