Chapter 25

103 5 3
                                    

Dahan-dahan akong dumilat at nakita ang puro kaputian. Nasa langit na ba ako? Malamang hindi. Buhay pa ako. Nasa hospital lang ako. Ang ingay nga eh, ng slight. Parang nasa ER ata ako. Joke asan ba ako. Ano ba nangyari kahapon? Wala na akong maalala. Ang huli ko lang naalala ay ang malapit na akong masagasaan.

Sinubukan kong tumayo pero biglang hindi ko magalaw ang aking mga paa. Sinubukan ko ulit, pero wala akong maramdaman.

"Eh...?" Hindi... Hindi pwede. Putol ba paa ko? Bakit wala akong maramadman? A-Ano.. Hindi pwede... Mas gugustuhin ko pang mamatay kesa sa maputulan ng paa! Paano ko hahabulin si crush?! Jk landi.

Pero kalandian aside, ayokong makita. Ayokong malaman ang katotohanan. Natatakot akong harapin ang katotohanan. Pero sa kabila ng aking pagkatakot, sinubukan ko pa ring tignan ang aking mga paa. "Okay Gabi... You can do this..." Huminga ako ng malalim at napamura sa aking nakita.

"Putngina."

TAE NAMAN O KAYA PALA DI KO MARAMDAMAN PAA KO KASI MAY NAKAPATONG SA PAA KO. KASI MAY NAKAHIGA SA PAA KO. KASI MAY NATUTULOG SA PAA KO. TAE. AYAN TULOY NAGMANHID. HINDI DUMALOY DUGO. TAE NAMAN O AKALA KO DRAMA NA TONG STORY. AKALA KO ANGST NA GENRE NITO EH. UMASA NA AKO EH. TAPOS GANUN GANUN LANG?!!

"HOY!" Kahit wala akong maramadman, sinipa ko pataas ang taong tulog sa aking mga paa. "HOY MARGA."

"Aw!" Bigla siyang nagising. "Why do you have to kick me?!" Hindi na ako nagsalita pa at inirapan na lang siya. Salamat sa Diyos at umalis na siya sa pagkakahiga sa paanan ko. Tumayo siya at kumuha ng malapit na upuan at inilapit sa'kin. "Bakit ka nandito? Wala bang pasok? Meron diba? Asan si mama?" Okay wait. I'm starting to feel that tusok tusok na parang kinukuryente ka sa paa.

"Beshie, Sunday pa lang. Mga 3 hours ka lang tulog matapos kang dalhin ng boyfriend mong bakla dito. And speaking about your mom, nasa baba siya nagbabayad ng bills---"

"Wait. Sino kamo nagdala sa'kin dito?"

"Uh... yung boyfriend mong bakla?"

"S-Si Jimin?"

"Ay hindi! Baka si Gong Yoo? Goblin ang peg? Feeling Goblin's wife?"

"Seryoso kasi Marga! Corny mo! Si Jimin nga?!"

"Oo nga! Alanganamang si Park Bogum. Bakla ba yun?"

Hindi ako makapaniwala na si Jimin pala ang nagdala sakin dito. "Pano...Bakit..."

"Don't ask me. Hindi ako stalker mo. Hindi ko nga alam kung anong nangyari sa'yo eh! Basta sabi bigla ka daw hinimatay sa pedestrian lane, tas dinala ka niya dito tas ayun tinawagan niya nanay mo tas tinawagan naman ako ng nanay mo. So ano bang nangyari sa'yo? Bat ka hinimatay sa pedestrian lane?"

Hindi ko pinansin ang tanong ni Marga. "Asan... si Jimin?"

"Ah, bumili lang siya ng food. Inaantay ka rin niyang gumising eh." And speaking of the devil, bigla kong nakita ang kamay ng demonyo na biglang humawak sa kurtina na naghihiwalay sa kabilang pasyente. Daliri pa lang kilala ko na. Si Jimin yun. Ang liit eh. Tas yung pinky niya na parang buntis? Siya nga yun. Agad-agad akong nagtaklob ng kumot at nagkunyaring tulog.

 Agad-agad akong nagtaklob ng kumot at nagkunyaring tulog

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
HELP ME GIRLALOO | JiminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon