1| Chapter 14: Death Ceremony

Start from the beginning
                                    

'Just sit there. 'Wag mo siyang susundan.'

Nang marinig ko iyon ay napaupo ulit ako. Perce? Kaagad kong inilibot ang tingin ko sa paligid at nakita ko siyang nakatingin lang sa harapan. Nakaupo siya sa kabilang bahagi sa likuran.

'Paano mo nagawa 'yon?'

Gulat kong tanong sa kanya sa isip ko. Paano niya nagawa iyon? Bakit nakakapagsalita siya sa isip ko? Sino ka ba talaga Perce?

Sa halip na sagutin ang tanong ko ay inulit niya ang sinabi niya. Kaya naguguluhan ko siyang tinitigan, at nakatingin na rin siya sa akin ngayon.

'Sundin mo na lang ako.'

Iyon ang huli niyang sinabi bago niya ituon ang tingin sa opisyal na nagsasalita sa harapan. Napabuntong hininga na lang ako. Siguro nga hindi dapat ako nakikialam sa mga bagay na ito. Pero bakit nga ba masyado kong itinutuon ang atensyon ko rito? Napailing na lang ako. Hindi dapat ako makialam sa kanila.

Nang matapos magsalita ng mga opisyal ay ang head naman ng Student Affairs na nagpakilalang si Veron ang pumagitna.

“Students, gather in the field for the Death Ceremony of our fallen brother.”

May ibinigay na mga puting rosas ang mga security personnel sa aming lahat na mga estudyante na nasa loob ng auditorium. Hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot nang maalala ko na naman ang kawawang estudyante.

“You know what, Ellis. Sa ilang years kong pag-aaral dito sa academy, ngayon lang may nangyaring ganito. No one has been killed, until now. At nakakalungkot lang na masasaksihan ko ngayon ang isang Death Ceremony. Siguradong hinding-hindi na ito mawawala pa sa memory ko,” malungkot na pagbabahagi ni Cheska.

Hindi ko alam ang sasabihin ko para pagaanin ang loob niya. Isa siguro ito sa mga masasamang parte ng abilidad niyang photographic memory. Mananatili pa rin sa alaala niya ang mga bagay na hindi niya gustong maalala. Tinapik-tapik ko na lang ang balikat niya at maliit siyang nginitian. Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko sa kanya.

Binuksan na nila ang pintuan ng auditorium at pinalabas na kami. Pagkalabas ko ay pinakiramdaman ko ang paligid. Inilibot ko rin ang tingin ko at wala naman akong nakita at naramdamang kakaiba. Wala rin akong naramdamang kakaibang presensya. Napabuntong hininga na lang ako. Siguro nga masyado lang akong nag-iisip. Kung anu-ano na lang ang pumapasok sa isipan ko.

"Nakita niyo ba ang mukha ng Director kanina? May halong pag-aalala at gulat ang eskpresyon niya, 'di ba, Ellis? Hay, ano kaya ang nangyari?" wika ni Taylor. Kasalukuyan kaming sumasabay sa ibang estudyanteng patungo sa field.

"Masyadong mahina ang boses nila kanina kaya hindi ko napakinggan nang mabuti. Pero may narinig akong 'nandito na sila' at 'kailangan po nating magmadali'. 'Yon lang ang narinig ko, eh," ani Demi.

Napalingon ako sa kanya nang magkomento rin siya tungkol sa nangyari kanina. Akala ko hindi niya napansin ang pangyayari kanina.

Napahinto naman sa paglalakad si Cheska. "In situation like this, hindi talaga napapakinabangan ang ability ko. But at least, kabisado ko pa ang lahat ng sinabi ng mga officials kanina. Tanungin n’yo ako about doon at matutulungan ko kayo," sabi niya.

Napatawa na lang kami. Oo nga, makakatulong nga siya. Hindi pa man din ako nakinig kanina.

Nang makarating kami sa field ay umupo kami sa bakanteng upuang nakalaan para sa aming baitang. Nakaayos pabilog ang mga upuan at may malaking espasyo sa gitna kung nasaan nakalagak ang malaking litrato ng estudyanteng namatay. Ang estante ng kanyang litrato ay napalilibutan ng puting mga rosas at sa gitna nito ay isang urn. Sa nakita kong natamo nitong mga saksak kahapon, siguro napagpasyahan ng pamilya ng biktima na i-cremate na lang ang mga labi nito.

She is the Light (BOOK 1-3)Where stories live. Discover now