EPILOGUE

47.5K 1.4K 184
                                    

Nikki's POV

"Saan ba tayo pupunta? Bakit kailangang naka – blindfold pa ako?"

Naiinis na ako. Kaninang – kanina pa kami nagta – travel ni Javier. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Basta paggising ko sinabi niyang kailangan na naka – blindfold ako at may sorpresa daw siya sa akin.

"Surprise pa nga 'di ba? So kailangan ang blindfold na 'yan," natatawang sagot niya sa akin.

"Ano na naman ba 'to?" natatawa na rin ako. Hindi pa ba ako nasasanay sa asawa ko? Magmula ng ikasal kami, hindi na matapos – tapos ang mga surprise niya sa akin. Una, binigla niya ako sa isang magandang bahay na ipinatayo daw niya para sa amin. Tapos ibinili niya ako ng bagong kotse para daw kapag hindi niya ako masusundo, may magagamit ako. Then nagulat na lang ako last month na magta – travel daw kami papuntang Europe. Javier is really doing everything just to make our marriage almost perfect.

"Siguraduhin mong talagang matutuwa ako sa surprise mo, ha?" sabi ko.

Hindi siya kumibo at naramdaman kong huminto ang sinasakyan namin. Naramdaman kong bumaba siya.

"Javier?" taka ko.

Naramdaman kong binuksan niya ang pinto sa tabi ko at inalalayan akong bumaba.

"We are here," dama ko ang saya sa boses niya.

"Can I remove my blindfold now?"

"Not yet," sabi niya at inalalayan akong maglakad papunta sa isang lugar. Tapos ay dahan – dahan niyang tinanggal ang blindfold ko.

Pumikit – pikit pa ako at nakita ko sa harap ko ang isang two floor building. Nakalagay sa harap ang pangalan na Little Learners Preschool.

"Surprise," sabi niya sa akin.

"W – what? Ano 'yan?" taka ko. Anong ginagawa namin sa isang eskuwelahan?

"It's yours," nakangiting sabi niya sa akin.

Hindi ako nakapagsalita at napalunok. Akin ang school na ito?

"What do you mean it's mine?" ano ba 'to?

Hinalikan niya ako sa noo tapos ay hinila ang kamay ko para makapasok kami sa loob.

"I had this built since last year. Hindi ko alam kung magkikita pa tayo ulit noon pero sabi ko sa sarili ko kahit hindi na kita makita ipapagawa ko pa rin ito. I know how you love kids and I know how you love your profession," sabi niya sa akin habang naglalakad kami at iniisa – isa namin na tingnan ang mga rooms.

Hindi ko na namalayan na tumutulo na pala ang luha ko habang hinahawakan ko ang mga gamit doon. Kumpleto na lahat. Fully airconditioned ang lahat ng rooms, white boards, kiddie chairs and tables for the toddlers. Play room, library. This is my dream and Javier made it for me.

Napahagulgol na ako ng tuluyan at yumakap sa kanya.

"Thank you. Thank you," iyon na lang ang nasabi ko.

"All of the permits and licenses are already taken care of kaya fully operational na ito once you decided to take over. And Lily will help you manage this school. She passed the last LET and she agreed to work here," sabi pa niya at humiwalay sa akin tapos ay pinahid ang luha ko.

"I love you, Teacher Nikki. And I know the kids that will study here will surely love you too," kita kong nangingilid din ang luha ni Javier.

Ngumiti lang ako.

"Akala mo ikaw lang ang may surprise," makahulugan kong sabi sa kanya.

Kumunot ang noo niya.

"Do you have a surprise for me? Siguraduhin mong talagang masu – surprise ako diyan, ha?" natatawang sabi niya.

"Close your eyes," sabi ko.

Natatawang sumunod naman siya.

Dinukot ko sa bag ko ang isang pregnancy test kit at inilagay sa kamay niya.

"What's this?" natatawang sabi niya at sinasalat – salat iyon.

"You need to open your eyes para makita mo ang surprise," sagot ko.

Napakunot ang noo niya ng makita kung ano ang nasa kamay niya. Unti – unting nawala ang ngiti sa labi ni Javier at naging seryoso iyon. Para siyang kinakabahan.

"Surprise," nakangiting sabi ko.

Pero hindi siya ngumingiti. Panay lang ang lunok niya na nakatingin sa hawak na pregnancy test kit na binigay ko.

"Hoy! Ano ba? I said surprise," nawala na ang ngiti sa labi ko. Hindi ba masaya si Javier sa ipinakita ko?

Para lang siyang napapagod na napaupo at naihilamos ang palad sa mukha.

"Javier, magsalita ka naman. Hindi ka ba natutuwa?" bakit ganoon? Hindi ba masaya si Javier na magkakaanak na kami?

"I – is this really true?" parang hindi siya makapaniwala.

"Oo! Ano ba sa tingin mo? Magiging tatay ka na," naiinis na ako.

Yumuko lang si Javier tapos maya – maya ay nakita kong umaalog ang balikat niya. Is he crying?

"Ano ba? Hindi ka ba natutuwa?"

Nag – angat ng mukha si Javier at kita kong umiiyak nga siya.

"You don't know how happy I am, Nikki. This. This is the best surprise ever in my life. I – I just can't imagine that I will be a father soon. Parang hindi pa mag – sink in sa akin. H – hindi ako makapaniwala that I am capable to create a life," sabi niya.

Ngumiti ako at yumakap kay Javier.

"We will take care of them," sabi ko.

Napakunot ang noo niya.

"Them?"

Inilabas ko ang isang ultrasound report sa bag ko.

"They are twins," masayang sabi ko.

Lalo ng parang hindi makapaniwala si Javier at niyakap ako uli.

"I love you. I love you, Nikki. I love you," paulit – ulit na sambit niya sa tenga ko. "I promise to love you and take care of you for the rest of our lives. I promise to be a good dad to our kids."

Napangiti lang ako.

"I know. And I love you more for that."

Dance for me (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon