•ONE YEAR•

31.2K 795 8
                                    

Javier's POV

"JJ, my man! Kamusta na?"

Iyon agad ang bati sa akin ni Jacob ng pumunta sa opisina ko.

"I'm fine. Napadaan ka?" tanging nasabi ko at itinuon ang pansin sa mga trabahong nasa harap ko.

"Why so serious, douche?" natatawang sabi nito at naupo sa couch na naroon sa opisina ko.

"I need to finish signing these contracts. Ang dami, o?" sagot ko at itinuloy ang ginagawa. "What do you need?"

"Dinalaw ka lang. Saka bakit ba ang seryoso mo? Tagal – tagal mong nawala tapos ganyan ang bungad mo sa akin?" kunwa ay nagtatampo ang hitsura ng mukha niya sa akin.

Totoo naman iyon. After what happened between me and Nikki, almost a year akong nag – leave. I let dad take over my post for a while. I needed to find myself dahil baka bumalik na naman ako sa bisyo ko. I almost did it after Nikki left. I already called my supplier pero ng dumating na ang mga drugs at nasa harap ko na, hindi ko magawang hawakan. I know kung ginawa ko iyon, sabog na naman ang buhay ko ngayon. I don't want to go back to that dark days of my life.

I ended up leaving and travelling. I travelled to every country in asia. I travelled to Europe and America all by myself. I documented each place that I went and wished that Nikki was with me. I was wishing that someday, she will see that she is still part of my whole being. Hinding – hindi siya mawala sa sistema ko.

My parents understood why Nikki ended up in this kind of situation. Parang na – konsensiya pa nga sila dahil sa nangyari sa buhay ni Nikki. Kami daw ang may kasalanan kung bakit nagkaganoon ang buhay niya.

"Saan – saan ka naman nagpunta?" usisa pa ni Jacob at palakad – lakad sa loob ng opisina ko.

"I travelled the world," tanging sagot ko. "Teka nga, ano ba ang kailangan mo dito? Wala ka bang trabaho?" naiinis na ako. Istorbo itong si Jacob.

Nagkibit lang ito ng balikat.

"I need your help," sabi niya sa akin.

"Help? Ano naman ang tulong na maibibigay ko sa iyo?" natatawang sabi ko.

"We need sponsors para sa pinapatayong school for less fortunate kids sa Naic, Cavite. Actually, existing school na iyon. They need to add more rooms para sa mga incoming kindergarten students sa pasukan," paliwanag ni Jacob.

Napatawa ako.

"'Tangina ka, kailan ka pa naging social worker? Siguro may tinatarget kang social worker doon 'no?" natatawang sabi ko.

"Wala, siraulo. Project iyon ng mga teachers na kaibigan ng mommy ko. Si mommy ang may foundation 'di ba kahit sa Australia na siya naka-base. Sige na. Tulungan mo na. Ayaw mo 'non, marami kang matutulungang mga bata. Saka baka makakita ka ng magandang teacher doon. Sabi ni mommy, magaganda daw ang mga volunteer teachers doon," at kumindat pa ito sa akin.

Nawala ang ngiti ko sa labi. Teacher. What happened to Nikki? Did she become a teacher already? I know she took the last Licensure exam for teachers and I know that she passed. I saw her name sa list ng mga pumasang examinees.

I know I can ask Jacob to find her pero pinigil ko ang sarili ko. Just like me, maybe Nikki needed some time to find herself too.

"I'll talk to dad about this. Inform ko lang siya but sure, our company will sponsor the building of those rooms," sagot ko sa kanya.

"You're really a life saver, man. I know those kids will be happy about this," kita ko ang saya sa mukha ni Jacob.

"Whatever you need, bro." sabi ko.

"Do you have any news about Lorie?" tanong niya.

Tiningnan ko lang siya ng masama. I don't want to talk about Lorie. After what happened, she really tried to come back to my life. She did everything to win me back pero wasak ako noon. Hindi ko kayang kalimutan ng ganoon lang si Nikki. I don't love Lorie anymore. I asked her to go away and never to return. Maybe she felt that my feelings for her are long gone kaya hindi na rin siya nagpilit. All I know she went back to Italy and reconciled with her husband.

"Tinatanong ko lang," natatawang sabi ni Jacob. "Nag – usap na kayo ni Dan?"

Umiling lang ako. After what he did, I cut my ties to that man.

Napahinga ng malalim si Jacob.

"I can't imagine that this will happen to us. We've been friends since grade school," parang nanghihinayang na sabi ni Jacob.

"She's my girl, Jacob. Dan touched her. I can't forget that. I can't forgive him. I'm sorry," naiiling na sabi ko.

Tumango – tango lang si Jacob. "But where is your girl again?"

Nagkibit lang ako ng balikat. "Gone."

"You want me to find her? You know I can do that," this is the first time na nag – offer ng ganito si Jacob. Mas madalas ay pinipilit ko pa ito sa mga trabaho.

Umiling lang ako at huminga ng malalim.

"She needs her space just like me. Okay naman na ako." tanging sabi ko.

"Ulol. Sinasabi mo lang iyan. Pero alam kong hindi ka okay," sabi niya sa akin at tumayo na. "I hope you will be fine someday, douche." Sabi niya at tumuloy na sa pinto. Tapos ay muling humarap sa akin.

"Baka free ka this weekend, alam ko foundation day ng school na i-sponsoran mo. You can attend. I'm sure magiging honorary guest ka. The kids will be truly happy if you can come."

Napangiti lang ako. "Bahala na if kaya ng schedule ko."

Kumaway lang si Jacob sa akin at umalis na rin.

------------------------------------------------////
Nikki's POV

"Nikki, naayos na ba 'yung program para sa foundation day this weekend?"

Hindi pa man ako nakakaupo ay iyon na agad ang bungad sa akin ni Tessa. Kasamahan kong volunteer teacher dito sa Little Sheperd Learning School. Non – government organization ito na tumutulong sa mga mahihirap na kabataaan na gustong mag – aral. Volunteer teacher ako dito kasama ang ibang mga teachers din. Tuwing Sabado at Linggo ay narito ako para magturo sa mga bata. Regular kasi akong pumapasok bilang pre – school teacher sa isang exclusive school sa Makati at ito nga, nag – ask ang school ng mga volunteer teachers para magturo dito.

One year after I graduated at magkahiwalay kami ni Javier, ipinokus ko ang sarili ko sa pagre – review sa LET. Nakakatuwa kasi kahit self – review lang ako ay nagawa kong makapasa sa board. Tapos natanggap nga akong pre – school teacher sa exclusive school na iyon. Maayos na lahat. Natupad na ang pangarap kong maging teacher. Siguro ito ang kapalit ng paghihiwalay namin ni Javier.

Minsan naiisip ko, kamusta na kaya siya? Sila ni Lorie? After kasi mangyari iyon ay umiwas na talaga ako kahit kay Ava. Umiwas na ako sa lahat ng mga tao at bagay na magpapaalala sa akin kay Javier. Maayos na akong mag – isa.

"'Di ba kayo ang naka – assign doon?" balik – tanong ko.

"Sabi ni Principal ikaw daw. Saka alam mo ba, matutuloy na ang pagpapatayo ng three floor classrooms. May nag – sponsor daw," natutuwang sabi ni Tessa.

"Wow! Talaga? Naku maige naman iyon. Kawawa naman kasi ang mga bata kung magtitiis sila sa initan," sagot ko.

"So, ikaw na ang bahala sa program, ha? Tulong naman tayo doon. Kailangan ko lang ng flow. Saka darating 'yung may – ari ng construction company na mag – sponsor sa itatayong building. Sila ang honorary guest," sabi pa ni Tess.

Napangiti ako. This is good news. Matutuwa ang mga batang tinuturuan ko.

Dance for me (COMPLETE)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora