•OVER•

30K 787 4
                                    

Nikki's POV

"Nikki, tama na 'yan. Kanina ka pa iyak ng iyak."

Napatingin ako kay Lily at kita ko ang lungkot sa mukha niya. Lalo akong napaiyak ng maalala ko ang nangyari. Everything was perfect. Akala ko iyon na ang pagkakataon kong sumaya. Pero bakit ganoon ang nangyari? Wala naman akong ginawang masama pero bakit kailagan kong masaktan ng ganoon?

Hindi ko na alam kung ilang oras na ako dito sa AVA. Dito ako dumirecho dahil ayokong umuwi sa condo ni Javier. Ayokong umuwi sa apartment ni Lily. Dito na lang ako. Dito ko naramdaman ang pagmamahal ng isang pamilya. Dito ko naramdaman ang pagmamahal ng mga totoong tao.

"Tawag ng tawag si JJ sa telepono mo," sabi niya at naupo sa harap ko.

Umiling lang ako at ini – off ang cellphone ko.

"Ano ba kasi ang nangyari? Ang saya – saya mo kanina. Kung alam ko lang magkakaroon ng problema sana hindi na kami agad umalis ni Ava," parang nagsisising sabi niya sa akin.

"Pahiram naman ako ng damit. Kailangan ko lang hubarin ito," humihikbing sabi ko.

Huminga ng malalim si Lily at iniabot ang isang pares ng t – shirt at short sa akin.

"Nikki, magsalita ka naman. Ano ba talaga ang nangyari sa iyo? Ang saya – saya mo 'di ba?"

Umiling lang ako at umiiyak na hinubad ang damit na bigay ni Javier. Pati ang mga alahas. Nakita kong nanlaki ang mata ni Lily ng makita niyang pati ang engagement ring na bigay ni Javier ay hinubad ko.

"Diyos ko naman, Nikki. Ano ba ang nangyayari sa iyo? Kaka – engage 'nyo lang ni JJ," alalang – alala na siya.

"Kalokohan lang pala ang lahat. Akala ko mahal niya ako pero niloko lang niya ako. Ginamit para pasakitan ang Lorie na iyon. Ginamit niya ako dahil alam niyang gusto ako ng magulang niya noon," napaiyak na naman ako. "Ni hindi niya ako nagawang ipagtanggol ng hamakin ako ng kaibigan niya. Hindi niya masabi sa harap ng magulang niya na dancer ako. Hindi niya masabi sa mga tao na para na rin akong prostitute," napahagulgol na ako.

"At ang mas masakit doon, si Lorie talaga ang mahal niya. Ginamit niya lang ako. Niloko niya ako. Panakip – butas. 'Tang ina ang sakit." Literal na para talagang pinipiraso ang puso ko sa sakit.

Naramdaman kong niyakap ako ni Lily at bahagyang hinagod ang likod ko.

"I am sorry, Nikki." Tanging nasabi niya.

Humiwalay ako kay Lily at isinilid sa isang paper bag ang damit at sapatos na isinuot ko. Ang mga alahas ay ibinilot ko sa isang tissue paper at inilagay sa isang maliit na plastic.

"Pakisoli mo na lang sa kanya, please. Hindi ko kayang makita siya."

Pareho kaming napatingin sa pinto dahil nakakarinig kami ng pagsigaw sa labas.

"Nikki! Nikki! Kausapin mo ako!"

Nagkatinginan kami ni Lily. Si Javier iyon.

Umiling lang ako sa kanya. "Ayoko siyang makita, Lily. Itago mo ako."

"Pero kailangan 'nyong mag – usap," sagot niya sa akin.

"Ayoko. Hindi ko pa kaya. Ang sakit – sakit ng ginawa niya sa akin. Please. Dadaan ako sa likod. Don't tell him I am here," sabi ko at dumirecho ako sa pinto papunta sa likod. Nagtago lang naman ako. Nakita kong pilit na pumasok sa loob ng dressing room si Javier. Naka suit pa rin ito katulad ng suot niya sa party pero wala na ang ayos ng itsura nito. Mukhang lasing na rin. Nakasunod dito si Ava na may kausap sa telepono at si Kuya Jimmy. Naroon din ang ilang security.

Dance for me (COMPLETE)Where stories live. Discover now