•FOUNDATION DAY•

31.9K 846 17
                                    

Nikki's POV

"Nikki, okay na lahat, ha?  'Yung mga bata prepared na sa mga dance number nila?  Ang pagkain si Tessa na ang bahala.  Kailangan perfect ang program natin na ito para hindi tayo mapahiya sa sponsor natin," sabi ni Principal Jane sa akin.

            Natawa lang ako.  Kahapon pa walang tigil sa paalala sa amin ang principal. 

            "Okay na lahat, Ms. Jane.  Huwag na kayong mag – alala," natatawang sabi ko.

            "'Yung welcome banner naikabit na ba sa labas ng school?  Ang alam ko kasi kasama ang may – ari ng JJJ Constructions." Sabi pa nito. 

            "Kumpleto na lahat, Ms. Jane.  Pumunta na kayo sa stage kasama ng ibang mga members ng foundation.  Ako na lang ang maghihintay sa guest of honor natin," sabi ko.

            "Naku, mabuti pa nga.  Kanina pa ako kinakabahan."

            Natatawa akong tinungo ang labasan ng school.  May ilang mga teachers at estudyante din na naroon na nag – aayos ng paligid. 

            Nakita ko ang isang van at nakasunod dito ang isang magarang sports car na paparating sa lugar namin.  Naisip kong ito na siguro ang guest namin kaya pinag – ready ko na ang mga teachers at estudyante.

            Huminto ang van sa harap ko at bumaba ang driver at ilang mga lalaking sakay.  Tingin ko ay mga member ng construction team.  Nakahinto lang ang sports car sa likod nito.

            "Ma'am, kami po ang taga JJJ Construction," pakilala ng driver.

            "Magandang umaga.  Pasok na lang kayo.  Magsisimula na ang program," nakangiting sabi ko.  Itinabi muna ng driver ang van para makaparada ng maayos ang sports car sa likod nito.  Naisip kong ito siguro ang may – ari.  Kasi mukhang bigtime ang sasakyan, eh.

--------------------------------------------////
Javier's POV

            What the fuck?  Am I dreaming? 

            Si Nikki ba talaga ang nakikita kong nakatayo sa tapat ng sasakyan ko?

            Wala sa loob na inihilamos ko ang palad sa mukha ko.  Pakiramdam ko ay para akong pusang naiihi dahil sa excitement at kaba. 

Parang tinatambol ang dibdib ko habang nakatingin ako sa labas.  Parang hindi ko makayang bumaba sa kotse ko dahil nasa labas lang si Nikki at nakatingin sa kotse ko.  Heavily tinted naman ito kaya hindi niya ako makikita.  Is she working here?

            Agad kong idinayal ang number ni Jacob.

            "Jacob –"

            "You're welcome, JJ." tanging sabi niya kahit hindi ko pa tinatapos ang sinasabi ko.

            Napailing ako at napangiti.  I knew he was up to something when he asked me to sponsor this school.  Marami siyang puwedeng hingan ng tulong pero ako ang pinili niya.  Marahil ay nalaman niyang dito nagta – trabaho si Nikki.  Kaya pala panay ang pilit niyang pumunta ako sa foundation day ng school.  Muntik ko pang indiyanin ito at balak ko sana ay si Glenda na sekretarya ko na lang ang papuntahin ko.

            "H – how did you know?" tanong ko at nanatiling nakatingin kay Nikki na nakatayo at mukhang inip na bumaba ako ng sasakyan.

            "I went there to give the pledge of my mom. I saw her teaching some grade school students.  So, I investigated and I learned that she is a volunteer teacher every weekend and she works as a full time teacher in an exclusive school in Makati," parang walang – anuman na sabi nito.

Dance for me (COMPLETE)Where stories live. Discover now