•FIXED MARRIAGE•

45.8K 988 11
                                    

"Ano bang akala 'nyo sa hinihingi ninyo sa akin? I am only twenty years old. Isang sem na lang ga – graduate na ako. Tapos gusto 'nyo akong magpakasal sa lalaking hindi ko nga kilala?" 

- Nikki

--------------------------------///

Nikki's POV

"God damn it, Nikki! Wala kang karapatang tumanggi sa gusto ko!"

Kahit kaninang–kanina pa nag–iingay si Uncle Rod ay hindi ko siya pinapansin. Narito lang ako sa harap ng computer ko at tinatapos ang term paper na kailangan kong tapusin. Bukas na ang deadline nito. I can't concentrate. Gustong – gusto ko na siyang sigawan para huminto na siya.

Siguro ay napansin niyang hindi ko naman pinapakinggan ang mga sinasabi niya kaya marahas niyang hinugot ang plug ng computer. Napahinga na lang ako ng malalim. Hindi ko pa naisi – save ang mga ginagawa ko.

"Do I have your attention now?" Sabi niya sa akin nang tumingin ako sa kanya.

Umiling lang ako at umalis sa kinauupuan ko. Pero alam ko naman na hindi pa rin siya titigil. Ilang araw na niya akong kinukulit ng ganito. As if naman na parang candy lang ang hinihingi niya sa akin.

"I need to have your answer. Orlan's family will be here next week. Kailangan kong mai – close ang deal ko sa kanila at kailangan noon ang tulong mo," sabi pa niya sa akin.

"Anong tulong naman ang maibibigay ko, Uncle? Wala naman akong magagawa. Bakit hindi si Stacey? Si Alyssa? Bakit kailangang ako?" sa wakas ay nakuha ko ng sumagot.

Tiningnan ako ng masama ni Uncle Rod. "Alam mong hindi puwede si Stacey at si Alyssa. Nag – aaral pa sila. At isa pa, marami akong pangarap para sa mga anak ko," sagot niya sa akin.

Napalunok at pinigil ang mapaiyak. Ganoon ba iyon? Dahil sa hindi ako anak kaya ako ang kailangang magsakripisyo? Marami din naman akong pangarap. Gusto ko pang maging teacher. Iyon ang pangarap sa akin ni mama bago sila umalis ni papa. Isang pag – alis na hindi ko inaasahang wala na palang balikan.

Graduating na ako sa high school nang magplano sila mama at papa na mag – ofw sa Kuwait. Para daw maituloy ko ang pag – aaral ko sa college. Si papa sa isang factory magta – trabaho at si mama naman ay domestic helper. Nagplano sila para daw sa kinabukasan ko. Kasi si mama frustrated teacher siya. Isang taon na lang siya sa college nang mabuntis siya ni papa. Kaya ang pangarap niya sa akin kahit noong maliit pa ako ay maging teacher. Katuparan daw iyon sa pangarap niya.

Two days bago sila umalis papuntang Kuwait ay bumiyahe sila papunta sa agency nila sa Maynila. May kailangan pa kasi silang ayusin na papeles at pirmahan na mga additional na kontrata. Maaga silang nagpaalam noon sa akin. Nangako pa nga si papa ng mga pasalubong na notebooks na Sterling sa akin kasi iyon ang gusto ko noon. Mahilig kasi akong magsulat at gusto ko magaganda ang notebooks ko. Pero hindi ko akalain na huling kita ko na pala iyon sa kanila. Hindi na rin sila makakaalis papuntang Kuwait. Papauwi na kasi sila nang maaksidente ang sinasakyan nilang bus. Nalaglag ito sa Skyway. Kasama sila sa mga casualties.

Pakiramdam ko tinalikuran ako ng Diyos noon. Hindi ko alam kung paano ako babangon. Parehong kinuha ang dalawang nagmamahal sa akin. Sa isang iglap, ako na lang mag – isa ang mabubuhay sa mundo.

Hanggang sa dumating si Uncle Rod. Nag – iisang kapatid ni Papa na nakatira sa Maynila. Hindi ko naman siya masyadong kilala. Mga isa o dalawang beses lang siyang pumasyal sa bahay namin noon sa Batangas. Una, nang manghiram yata si tatay ng pera para sa pag aayos ng papeles nito, pangalawa sa burol ng mga magulang ko.

Dance for me (COMPLETE)Where stories live. Discover now