•MEETING THE PARENTS•

29.5K 794 2
                                    

Nikki's POV

Gusto kong hilahin ang mga araw, ang mga linggo at buwan. Nakakainip. Pero konting panahon na lang. Finals week na namin. Gusto ko ng makatapos ako at makapag – handa para sa board exam. Hindi naman ako nahihirapan sa sitwasyon ko ngayon. Javier is helping me in everything. Mula sa tinitirahan ko, sa pagpasok sa university, sa mga payables, siya ang sumasagot lahat. Although may suweldo naman ako sa pagpasok sa kumpanya niya, ayaw pa rin niyang gumastos ako. Nakakapagbigay pa rin ako kay Uncle Rod at nakakatuwa na malaki na ang improvement niya mula ng ma – stroke siya.

Pumayag na rin si Javier na ilipat ako ng department. Inilipat niya ako sa HR department. Sa seventh floor iyon ng building niya. Wala pa ring nakakaalam na may relasyon kaming dalawa bukod kay Osang sa Bataan at kay Lorie na nasa Italy na. Ah saka pala si Lily at Ava alam din nila. Pinakiusapan ko din silang isekreto muna. Lagi ding nagbababad sa condo na tinitirhan ko si Javier pero hindi siya doon natutulog. Hindi ako pumayag. Kahit naman may nangyari na sa amin, ayoko pa rin mangyari ulit iyon ng hindi kami kasal.

"Nikki, past six na. Hindi ka pa ba uuwi?" si Janet ang bumati sa akin. Head ito ng employee resourcing. Mabait din naman siya sa akin.

"Pauwi na din," nakangiting sagot ko.

"Gusto mong sumama? Nagkayayaan lang sa Gerardo's. Diyan lang 'yun sa tapat. Dinner lang ng team and alam mo na. Konting inuman," sabi niya.

Hindi agad ako nakasagot. Baka hindi pumayag si Javier. May usapan kasi kaming magdi – dinner ngayon pero nagtext siya na baka ma-late siya dahil nasa meeting pa.

"Sama ka na. Ikaw na lang ang laging hindi nakakasama kapag lumalabas ang team. Sandali lang naman tayo," sabi pa nito.

"Try ko na lang makasunod. Sabihan kita agad," sabi ko. Kailangan ko munang magsabi kay Javier.

"Sige. Hintayin ka namin, ha?" at iniwan na niya ako.

Kinuha ko ang cellphone at sinubukan ko siyang tawagan. Hindi naman niya sinasagot. Nagtext din ako kung puwedeng mauna na ako, K lang ang sagot niya. Napahinga ako ng malalim. Mukhang busy nga sa meeting niya. Kaya nagtext na lang ako na sasama lang akong mag – dinner kasama ang mga katrabaho ko.

Marami ng tao sa loob ng Gerardo's ng dumating ako. Nakita kong agad akong kinawayan ni Janet at lumapit ako. Kumpleto ang buong HR. Monthly gimik daw nila ito pag payday.

"Wow, first time na nakasama sa atin si Nikki, ah!" bati ni Cecil.

"Mukhang pinayagan ng boyfriend," sabat naman ni Kat.

"Walang boyfriend 'yan! Mukhang pihikan 'yan si Nikki," si Lani naman iyon.

Nagtatawanan sila. Babae kasi halos ang lahat ng team sa HR kaya alam kong hindi naman magagalit si Javier kung sumama man ako sa mga ito.

"Tara, order ka na. Nakakain na kami. Umiinom ka ba?" tanong ni Janet.

Umiling lang ako.

"Naku! Sobrang bait naman pala nitong si Nikki. Hindi ka umiinom? Hindi puwede sa team 'yan. Dapat iinom ka kasi minsan lang 'to," sabi ni Kat.

"May pasok pa kasi ako bukas. Finals na namin," katwiran ko.

"Two bottles lang. Hindi naman siguro makakaapekto sa iyo 'yan," sabi pa nito.

Napatawa na lang ako sa kulit ng mga kasama ko.

Ilang sandali pa ay maiingay na ang mga kasama ko. Si Kat ang pinakamaingay. May mga ibang grupo kasi na nasa bawat table at ang iba ay nagpupunta sa table namin para makipagkilala sa mga kasama ko.

Dance for me (COMPLETE)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें