•MAKING IT RIGHT•

29.5K 862 9
                                    

Nikki's POV

"Itutuloy pa ba natin? Puwede namang hindi na 'di ba? Kasi nagantihan mo na si Lorie," sagot ko at humiwalay kay Javier.

Nakita ko ang puzzled look sa mukha ni Javier

"Anong nagantihan?" takang – taka ang mukha niya.

Nagkibit ako ng balikat at naupo tapos ay tiningnan ko ang admission form ko.

"Alam ko naman kung bakit mo ako pinipilit magpakasal sa iyo. Hindi naman ako tanga. Alam ko na gusto mong makita ni Lorie na naka – move on ka pero alam naman natin na hindi 'di ba?"

"What? Ano ba ang sinasabi mo?"

"You don't need to marry me para lang pasakitan si Lorie. I think she got the message already. Tingin ko naman nasasaktan siya sa ginagawa mo kaya nakakaganti ka na," sabi ko pa.

"What the fuck are you saying, Nikki?" kita kong may galit na sa mukha ni Javier. "Do you think I am just using you to hurt Lorie?"

"Hindi ba?"

"What the hell? You think I am only using you? Hindi mo pa ba nakikita ang mga effort ko?"

Hindi ako kumibo.

"If I just wanted to make Lorie suffer, I can just pay some bitch to act as my wife. Noon ko pa dapat iyon ginawa. I am not stupid to wait for five years just to use you to hurt Lorie," sabi niya sa akin.

Naiiling na umupo si Javier sa sofa at inis na sinipa ang center table.

"Damn it! All of these wala palang lahat kuwenta sa iyo dahil tingin mo ginagamit lang kita," he is really pissed. Parang natatakot naman ako ngayon.

"B – bakit kasi ang bilis – bilis. Tapos pilit ka pa ng pilit na pakasalan na kita."

"Because that's what I want! Because I want you to be mine! Because I love you! Fuck!" at naisabunot nito ang kamay sa buhok at napayuko.

Ay! Ano raw? Parang nabingi ako doon. Puwedeng paki – ulit? Tama ba iyong narinig ko?

Pakiramdam ko ay nag – nagsisirko ang tiyan ko. Hindi ko alam kung sa kaba ba o sa tensiyon o sa tuwa.

Nakita kong huminga ng malalim si Javier at tumingin sa akin. Parang ang helpless ng itsura niya.

"Nikki, ikaw ang gusto kong pakasalan. Ikaw ang gusto kong makasama hanggang mamatay ako," sabi niya sa akin.

Diyos ko po. Feeling ko ang haba – haba ng hair ko.

"W – what happened to your 'love is cruel' motto? 'Yung 'love will make you cry.' Do you believe in love now?"

Inirapan niya ako. Gusto kong matawa dahil tingin ko inis na inis na siya.

"I used to believe in love, Nikki. Pero sa na-experience ko, sa sakit na naramdaman ko, pinilit kong kalimutan na iyon. But I know someday I will love again. And then I saw you. I know you are perfect for me. I know you are the one that will make me fall in love again. And you did."

Pinipigil ko ang sarili kong mapangiti. Lunod na lunod na ako sa sobrang kilig. Pakisagip naman.

Lumapit sa akin si Javier at hinawakan ako sa mukha.

"I love you Nicole Marie Fuentes," sabi niya at hinalikan ako sa labi.

Pakiramdam ko ay nakalutang ako sa ulap. Ang sarap – sarap ng feeling.

"Pero hindi ba parang ang bilis nito. Dati tinanggihan mo ako tapos ngayon bigla kang darating at gusto mo akong pakasalan tapos ngayon sasabihin mong mahal mo ako?" Hindi pa rin kasi ako makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari.

Napakamot siya ng ulo. "Hindi ba puwedeng noon pa lang type na talaga kita?"

"Pero tinanggihan mo ako." Bahagya pa akong lumayo sa kanya.

Napahinga siya ng malalim. "Because I thought I was going to give you a better life kung hindi kita papakasalan. Imagine, we were both young back then. Ako patapon ang buhay ko noon. Ikaw, alam kong marami kang pangarap. Ayaw ko namang sirain iyon dahil lang sa ipapakasal sa akin kapalit ng isang company merging." Mahabang paliwanag niya. "Pero ngayon, natagpuan uli kita kaya hindi na kita papakawalan."

Kinilig naman ako sa sinabi niya at nakangiti akong tumingin sa kanyan.

"I love you, JJ." Ramdam kong nag-iinit ang pisngi ko nang sabihin iyon. Siya lang naman kasi talaga ang una kong naging boyfriend. Lahat-lahat. First kiss. First sex. First love.

Nakita kong natawa si Javier.

"Bakit JJ na? I kinda like Javier. You and my mom only calls me that name and it is really special to me," sabi niya sa akin.

"So gusto mo Javier ang tawag ko sa iyo? Kasi everyone calls you JJ."

"Kahit anong gusto mong itawag sa akin. As long as you are mine," sabi niya at niyakap ako.

"Puwede siguro tayong pakasal after kong maka – graduate. Gusto ko kasing tapusin muna talaga ang pag – aaral ko," sabi ko sa kanya.

"Whatever you say, sweetheart." Sagot niya sa akin at inumpisahan akong halikan sa leeg. Napapikit ako sa kuryenteng parang dumadaloy sa katawan ko.

"S – saka sana, kung puwedeng hindi na maulit 'yung nangyari sa atin 'nung nakaraang nalasing ako," sabi ko.

Naramdaman kong tumigil siya sa ginagawa at napabuntong – hininga.

"So, paglalawayin mo lang ako?"

"Please? That was only one time, Javier. Lasing lang ako noon."

"Kung lasingin kaya kita ulit?" alam kong nang – iinis lang siya.

Inis ko siyang hinampas sa braso.

Nakita kong ngumiti siya at yumakap sa akin.

"I can wait, love. Finish your studies first." Sabi niya. "We can go back to Manila next week 'pag pasukan na."

Tumango lang ako.

"Okay. Baka kasi naiinip na rin si Lily dahil wala siyang kasama sa apartment."

"About that, I was thinking of getting you your own place. I have a unit in Taft. Mas malapit iyon sa school mo. Although you can ask Lily to come with you. I don't want you to go back to your old place," he is planting kisses on my hair.

"Alam mo kung saan ako nakatira?" taka ko.

"I told you, I know everything about you. Even 'yung Jed na muntik ng mangidnap sa 'yo," this time ay nakapikit na si Javier pero nanatiling nakaakbay sa akin.

"How did you know?"

"I have my ways," tapos ay umayos siya ng upo at humarap sa akin. "Stop asking questions. You don't have anything to worry about. The mess I did five years ago to your life, I'll fix it all now."

Dance for me (COMPLETE)Where stories live. Discover now