•BETROTHED•

34.3K 986 13
                                    

Nikki's POV

Fresh scent of grass.

Iyon ang unang umasulto sa pang – amoy ko ng huminga ako ng malalim. Grass? Kailan pa nagkaroon ng damo sa apartment namin ni Lily? Kadalasan amoy usok dito gawa ng mga nagdadaanang mga jeep at tricycle.

Capiz windows. Narra doors and bed frames. May canopy pa sa hinihigaan ko.

Mabilis akong napabangon at nagpalinga – linga. This is not my room.

Tumayo ako at napansin kong iba na rin ang suot kong damit. I am wearing an oversized white shirt.

Agad na nag – init ang ulo ko ng maalala ko kung anong nangyari. Kinidnap nga pala ako ng buwisit na si Javier!

Nagma – martsa akong lumabas ng kuwarto at lalong tumunghay sa akin ang karangyaan ng bahay. I know the house is old but it still has a nice architecture. I think this is well maintained.

Mabilis akong bumaba at sumalubong sa akin ang maluwag na sala. Naglakad pa ako at nakita ko ang mga nakahaing pagkain sa kusina. Naramdaman kong kumalam ang tiyan ko.

Nasaan kaya ang buwisit na iyon?

Parang sinagot ang tanong ko ng makarinig ako ng lalaking nagsasalita. Lumakad pa ako at nakita ko si Javier na nakatalikod sa akin at may kausap sa telepono. He is just wearing nothing but sweatpants. Kitang – kita ko ang malapad na likod at ang mga tumutulong pawis doon. Looks like he just finished to do some work out. Nagpapahid pa ito ng tuwalya sa ulo at batok.

"I don't care if her clients will look for her. She is not coming back," narinig kong sabi niya.

Napakunot ang noo ko. Ako ba ang tinutukoy niya?

Puro uhm at ah na lang ang narinig kong sagot niya.

"I don't need to explain why I took her with me. We have some unfinished business. Tell me how much is her worth every night and I am going to pay for that," sabi pa niya.

Gustong – gusto kong batukan ang lalaking ito. Ano ang tingin niya sa akin? Isang bagay na puwede niyang bilhin ng ganun – ganoon lang?

"Ava, don't you want Nikki to have a better life? Because I do. She deserves that."

Napalunok ako sa narinig kong sinabi niya. Maibibigay ba niya iyon sa akin?

Napaatras ako ng makita kong haharap na siya sa akin. Pero agad din akong bumangga sa pinto. Nakalimutan kong may screen door nga pala. Nakita kong lumingon siya sa akin.

"I'll call you later," mabilis na paalam niya at lumapit sa akin. "I hope you had a good night sleep," nakangiting sabi niya sa akin.

Napalunok ako bago sumagot. Kung magandang view ang likuran ng lalaking ito, mas maganda pala ang view kapag nakaharap na. Galit na galit ang six pack niya sa tiyan. It makes him sexier because of sweats that are dripping from his neck down to his body.

Marahil ay napansin ni Javier na nakanganga lang ako sa harap niya kaya bahagya siyang nag – wave sa akin.

"Good morning. Baka tulog ka pa," natatawang sabi niya habang nagwi – wave ng kamay.

Oh shit! Ano ba? Damn it! Bakit kasi napapanganga talaga ako kapag nakikita ko ang lalaking ito.

Inis kong pinalis ang kamay niya.

"Saan mo ako dinala? Gusto ko ng umuwi," sabi ko.

"Ancestral house namin ito. We are here in Bataan. Dito ako nagbabakasyon kapag gusto kong magpahinga," sagot niya sa akin at parang hindi alintana ang inis ko. "Gutom ka na? I think the breakfast is ready." Sabi pa niya at naunang pumasok sa akin.

"Ayoko dito," sagot ko sa kanya habang nakasunod.

"Try it first," sagot niya at naupo sa harap ng mesa.

"Ayoko ngang i – try. Saka bakit mo ba ito ginagawa? I have a job. I have clients waiting for me," sabi ko.

"Upo ka na. Kumain na tayo," parang hindi niya narinig ang sinabi ko.

Napapikit na ako sa desperation.

"What is your play, Javier? Nagti – trip ka ba at ako ang trip mo ngayon? Hindi na ako natutuwa."

Nakita kong sumeryoso ang mukha niya at tumingin sa akin.

"You think I am just playing Nikki? I am just doing what I should have done five years ago. Hindi mo ba iyon naiintindihan?"

"Hindi talaga. Dahil nga tinanggihan mo na ako noon 'di ba? Pare – pareho na tayong naka – move on. Saka in the first place, wala naman talagang tayo. It was an arranged marriage and thank god hindi iyon natuloy," sabi ko.

He smirked and shook his head.

"Hindi iyon natuloy dahil ginusto ko. Because I thought I was giving you a better life by not marrying you," sagot niya.

"So, ngayon babalik ka just to marry me?" I know this is a joke.

"Yes."

He said that without hesitation. He didn't even blink. He said that while looking straight into my eyes. He said that like he was gazing into my soul.

"W – why?" hindi ko maipaliwanag ang kaba ng dibdib ko.

Tumayo siya at lumapit sa akin. Bahagya akong napaatras dahil ang lapit – lapit na niya.

"Because I am claiming what is mine five years ago. You are betrothed to me. You are mine," he said that without removing his stare into my eyes.

Napalunok ako at lalong napaatras. But it was a dead end kaya napasandal na lang ako sa dingding ng kusina. He pressed his two hands on the wall enclosing me in between his arms. Ang lapit – lapit ng mukha niya sa mukha ko.

"So, when do you want to get married? My parents are excited already," ngayon ay nakangiti na siya.

Mabilis ko siyang itinulak at lumayo ako sa kanya. Halos hindi ko marinig ang paghinga ko dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.

"I don't want to be married to you. Saka kaya lang naman tayo ikakasal noon dahil sa business proposal ng daddy mo kay Uncle Rod. And wala na ang business sa kanya so wala ng business na involve. Ano pa ang reason para ikasal tayo?" sagot ko sa kanya.

"Puwede sigurong reason dahil gusto ko? I am not getting any younger and my parents are bugging me to tie the knot already. Or puwede rin sigurong reason kasi gusto kita?"

Para akong napipi sa sinabi niya.

Ako? Gusto niya? Bakit ako?

Sinamantala niyang natitigilan ako kaya mabilis siyang nagnakaw ng halik sa labi ko.

"Kain na tayo," sabi niya at tatawa – tawang naupo sa harap ng mesa at walang anuman na kumain.

Dance for me (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon