•MEET UP•

37.4K 933 12
                                    

Nikki's POV

"Hindi pa ba akong puwedeng mauna? May importante kasi akong lakad ng ala–siyete," bulong ko sa katabi kong si Lily.

"Kausapin mo na si Sir Felix kung puwede ka ng maunang mag–defense. 'Di ba kasi sinabi na sa atin na baka gabihin tayo ngayon? Hindi pa nga kumpleto ang panel natin," sagot niya sa akin.

Napahinga ako ng malalim at tumingin sa relo ko. Six thirty na. Kaninang–kanina ko pa nararamdaman na nagba–vibrate ang telepono ko. Ayaw ko ng tingnan. Dahil alam kong si Uncle Rod na naman iyon at tatanungin kung nasaan na ako.

"Saan ka pupunta?" Takang tanong niya sa akin nang makita akong tumayo.

"Susubukan kong makiusap kay Sir Felix kung puwedeng mauna na ako o kung puwedeng sa ibang araw ako mag–defense," sagot ko sa kanya.

"Girl, alam mo naman kung gaano kahigpit ang syokoy na professor na iyan. Baka mapahiya ka lang," dama ko ang kaba sa boses niya.

"Bahala na. Importante kasi talaga ang lakad ko ng ala–siyete," at umalis na ako doon para lapitan ang professor ko.

Kahit pakiramdam ko ay nagsisirko ang tiyan ko sa kaba ay lumapit ako sa professor ko. Naabutan ko siyang nakayuko at tingin ko ay nagco–compute ng grades.

"S–Sir Felix," tawag ko sa kanya.

Nakakunot agad ang noo niya nang tumingin sa akin kaya bahagya akong napaatras. Kilalang terror kasi ang professor na ito kaya marami sa mga classmates ko ang nagda–drop sa subject niya.

"May kailangan ka Ms. Fuentes?" Nakataas agad ang kilay niya.

"S–sir. Makikiusap lang sana ako kung puwede po akong mauna mag–defense. Or kung hindi puwede, kahit po sa ibang araw na lang. May importanteng lakad lang po ang family ko," lakas-loob kong sabi sa kanya.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Anong importanteng lakad iyon Ms. Fuentes?" Halatang inis siya sa sinabi ko.

Hindi agad ako nakasagot. Puwede ko bang sabihin sa kanya na dahil mag–aasawa na ako kaya kailangan kong umuwi ng maaga?

Painis niyang binitiwan ang hawak na ballpen at inalis ang suot na salamin.

"Ms. Fuentes, matagal ko ng sinabi sa inyo na hindi ako nagbibigay ng special treatment sa kahit na kaninong estudyante. Ngayong araw lang ang defense. Nasa sa iyo na iyon kung uunahin mo ang importanteng lakad mo o ang subject ko. Go back to your seat," sabi niya at muling itinuon ang pansin sa ginagawa.

Napapahiyang napatingin ako sa mga kaklase ko at nakita ko ang awa sa mukha nila. Tulad ko, takot din sila sa professor namin na ito.

"Sabi ko naman kasi sa iyo hindi papayag ang syokoy na iyan," sabi agad ni Lily nang makabalik ako sa upuan ko.

"Shit," mahinang sabi ko at muling tumingin sa relo. Six forty na. Kinuha ko ang cellphone ko. Lumang flip phone iyon na bigay ni Uncle Rod. Pinaglumaan ni Stacey. Nakita ko sa message inbox ang limang messages ni Uncle Rod. Kasama pa ang hindi mabilang na missed calls.

Nasaan ka na? Nandito na sila Orlan.

Anong oras na, Nikki? Sinabi ko sa iyong mas importante ito kaysa sa pag–aaral mo.

Punyeta Nikki! Sumagot ka!

Putangina, Nicole! Huwag mong ubusin ang pasensiya ko!

Dance for me (COMPLETE)Where stories live. Discover now