•AVA'S•

38.6K 1K 7
                                    

Nikki's POV

"Niks, sa room 5. Group of five men. Mukhang mayayaman kasi binayaran ang two hours mo," at kumindat pa sa akin si Ava nang sabihin iyon.

Natawa ako at ipinagpatuloy ang paglalagay ng mascara sa pilik-mata.

"Sure ka two hours? That will cost twenty thousand pesos," feeling ko kasi ay nagjo – joke lang 'tong si Ava. Although meron talagang mga client na gumagastos ng mas malaki pa doon.

"Sabi ko kasi ikaw ang in – demand dito," sagot niya. Sabi nila ang gusto daw nila 'yong pinaka – maganda at pinaka – magaling gumiling para sa bagong dating nilang kaibigan."

Napailing na lang ako at tumayo. Inayos ko ang suot kong boyleg panties at tiningnan kung maayos ang buhok ko na naka – pony tail. Tinulungan ako ni Ava sa ginagawa tapos ay ngumiti sa akin.

"You're perfect dear. Puntahan mo na."

Nawala ang ngiti sa labi ko nang papunta na ako sa kuwarto na sinasabi ni Ava. Sino ba ang mag–aakalang ang pangarap kong pagiging isang teacher ay mapapalitan ng pagiging isang exotic dancer.

Kahit ako, hindi ko rin akalain na mapapasok ako sa ganitong trabaho. Magsi–six months na rin ako na sumasayaw. Si Lily na classmate ko noon sa college ang tumulong sa akin na mapasok dito. Matapos akong palayasin ni Uncle Rod, sa kanya ako humingi ng tulong. Hindi naman ako nabigo sa kanya. Doon niya ako pinatuloy sa apartment niya at nalaman ko nga na ganito ang trabaho niya kahit noong nag-aaral pa kami. Exotic dancer siya sa gabi at habang sa umaga ay nag–aaral naman siya. Kaya naman pala madalas kapag papasok ito noon ay mukhang puyat na puyat. Hindi ko kaya ang ganitong trabaho kaya waitress ang napasukan ko para ipagpatuloy ang pag–aaral. Pero hindi sapat ang sweldo sa mga gastos. At hindi rin kaya ng oras ko kaya nag–suffer ang grades ko. Napilitan akong huminto sa pag–aaral kahit isang sem na lang kailangan kong tapusin. Tapos nalaman ko pang inatake ng stroke si Uncle Rod last year. Nagkanda–hirap-hirap sila sa laki ng gastos. Napahinto sa pag–aaral si Alyssa at si Stacey naman ay lumayas dahil hindi matanggap na naghirap na sila. Wala na daw silang balita kay Stacey. Naibenta ang mga gamit at ang bahay. Umuupa na lang sila ngayon. Nalaman ko lang iyon nang isang araw ay kumain si Alyssa sa restaurant na pinapasukan ko.

Awang–awa ako kay Uncle Rod nang puntahan ko siya. Kitang–kita ko ang pagsisisi sa mukha niya nang makita niya ako. Panay lang ang luha kahit hindi siya makapagsalita. Ungol lang siya ng ungol na parang may gustong sabihin. Kahit ganoon ang ginawa niya sa akin, malaki pa rin ang utang na loob ko sa kanya at sa pamilya niya.

Kaya after four years ng pagiging waitress, napilitan akong pumasok na exotic dancer para mas kumita ng malaki at maitulong sa pagpapagamot ni Uncle Rod. Wala naman silang ibang maasahan. Matagal na akong inuungutan ni Lily na pumasok sa club na pinapasukan niya dahil gustong–gusto daw ako ng manager niya. Si Ava nga iyon. Napakalaki daw kasi ng potential ko at sigurado daw na magiging paborito ako sa entertainment bar nito.

High end dance entertainment club ang AVA Entertainment na pag–aari ni Ava Ishigaro. Dati itong nagja–Japan na nakapag–asawa ng hapon. Mas minabuti na lang nitong dito na lang sa bansa magtayo ng negosyo. Maayos humawak ng mga clients at tao si Ava. Mabait siya. Hindi siya pumapayag na i-take home ang mga girls niya. Hanggang pagsasayaw lang ang puwede naming gawin. Exotic dance, puwede rin kaming magturo ng ballroom or hip hop dance sa mga dance groups. Mayroon din itong no touching policy lalo na kapag exotic or erotic dance ang request ng mga clients. Even if the client pays more, they can only look. Kumbaga, mamatay ka sa paglalaway.

Dance for me (COMPLETE)Where stories live. Discover now