•NO LOVE•

33.7K 855 17
                                    

Nikki's POV

I felt I was still in limbo when I woke up.  My head is still spinning and I want to throw up.  I immediately got out of bed and went to the bathroom. 

            Shit.  Ano ba itong feeling na ito?  Ito na ba 'yung hangover na sinasabi nila Lily?  Ang pangit ng feeling.  Hindi na ako uulit.  Napatingin ako sa salamin at nakita kong nakasuot ako ng white panties at tshirt ko.

            Wait.  I am wearing my new undies last night.  That's black.  Why am I wearing this?

            Napatingin ako sa salamin at tiningnan ang sarili ko.  All is coming back right now.  What happened last night was all blurry but it is all coming back now to haunt me. 

            "Oh god," naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko.  Ano ba ang nagawa ko? 

            Napapikit ako at napailing na para bang maiaalis noon ang mga imahe ng nangyari kagabi. 

            "Shit, what have I done?" parang tanga akong kausap ang sarili ko at napaupo ako sa toilet bowl seat.

            I closed my eyes again and I saw images of me dancing wildly infront of Javier.  I seduced him.  He kissed me.  We had sex last night.

            "Ang gaga ko!" inis kong sabi at sinabunutan ko ang sarili ko.  Bakit ko ba kasi ginawa iyon?

            Napapitlag ako ng marinig kong may kumatok sa pinto.

            "Nikki?  Are you there?"

            Si Javier!

            Hindi ko alam kung sasagot ako o ano.

            "Nikki?" muli niyang tawag.

            "Y – yes I am here," parang ako lang ang nakarinig ng sagot ko. Hindi ko yata kayang humarap kay Javier pagkatapos ng nangyari.

            "Alright.  Food is ready in the dining," sabi niya at nakarinig ako ng pagkaluskos palayo.

            Para akong nakahinga ng malalim at muling tumingin sa salamin.  Hindi ko alam ang gagawin ko pero alam kong hindi ako puwedeng habambuhay na magtago sa cr na ito.

            I took a quick shower and peek outside the door.  Gusto kong makasiguro na wala si Javier doon dahil hindi ko talaga siya kayang harapin.

            Naipagpasalamat kong parang wala namang tao kaya dire – diretso akong lumabas. 

            "Good morning."

            Muntik na akong mapatalon ng marinig ko iyon at hinanap ko kung saan nanggaling.  Gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko ng makita ko si Javier na nakaupo sa isang gilid at nakatingin lang sa akin.  Fresh na fresh ang hitsura niya kasi mukha din siyang bagong ligo.  Naka tshirt lang and cargo shorts.  Hawak nito ang isang baso ng tubig.

            Alanganin akong ngumiti at lalo kong hinigpitan ang hawak sa sugpungan ng tuwalya sa katawan ko.  I am wearing nothing under this towel.

             "A – anong ginagawa mo dito?" shit.  I can't even look at him.  Hindi ko kayang salubungin ang tingin niya.

            Tumayo siya at lumapit sa akin.

            "I think you need this," sabi niya at iniabot ang isang baso ng tubig at isang tablet ng biogesic.

            Nagtatakang tumingin ako sa kanya.

Dance for me (COMPLETE)Where stories live. Discover now