•WHOLE NIGHT•

37.1K 968 7
                                    

Nikki's POV

"Ano ba kasing nangyari kagabi? Ayon sinisermunan ni Ava si Jimmy," sabi sa akin ni Lily. After two weeks, ay bumalik na ulit ito galing sa bakasyon. Nagkasakit kasi ang nanay nito sa province kaya napilitan na mag-leave sa trabaho.

"Wala naman nangyari kagabi. Meron lang hindi nakapagpigil at gusto akong halikan. Pero it was under my control," sagot ko habang inaayos ang buhok ko.

"Under your control? Bakit may tumawag kay Ava na lalaki na galit na galit? Hindi daw marunong mag–alaga ng mga dancers si Ava at pinapabayaang mabastos. Ikaw ang pangalan na ibinigay," sabi pa ni Lily.

Napakunot ang noo ko. Ako? Sa pagkakaalala ko wala namang nangyaring masama kagabi. After nang limang client ko, maayos naman lahat ang sumunod kong mga clients.

Nakita kong pumasok sa kuwarto namin si Ava at kunot na kunot ang noo.

"Ava, wala namang nangyari kagabi kaya hindi ko na tinawag si kuya Jimmy," pauna ko.

"Pero hindi iyan ang kuwento sa akin ng tumawag sa akin. Nabastos ka daw. Kaya sinisisi niya ako at si Jimmy." Parang pagod na napaupo ito sa couch na naroon.

"Ha? Ava, alam mo naman na hindi maiiwasan iyon sa trabaho namin 'di ba? Ikaw na nga ang nagsabi sa akin na dapat matibay ang dibdib ko sa mga ganyang customers."

Nakita kong napatirik ang mata ni Ava. "I know. Kaya nga nai–stress ako. Pinapasakit ni JJ ang ulo ko. Punyetang lalaking iyon." Bulalas niya.

JJ. Iyon ang pangalan ng lalaking tumulong sa akin kagabi.

"Lily, room 6 ka. Couple na magpapaturo ng dance steps for their upcoming wedding. Si Dindo ang bantay mo," sabi niya kay Lily at bumaling sa akin. "Ikaw Nikki, room 1. You are booked the whole night." Sabi niya.

Nagkatinginan kami ni Lily na parehong nanlaki ang mata. "Whole night? Seryoso ka?" paniniguro ko. Alam kong mahal ang aabutin noon. Dollar rate kasi dito sa AVA Entertainment. Kino–convert lang sa peso ang halaga. Kapag sinabing whole night ang booking, tumataginting na one thousand dollars iyon.

"Yes. Fifty thousand ang itinapon ng kung sino man na nag–book sa iyo. Secretary lang niya ang nagbook sa akin." Sagot ni Ava.

"Girl, ang suwerte mo." sabi ni Lily. Alam kong sa ilang taon na nag–o–operate ang AVA Entertainment, first time na nangyari ito na may mag-book sa dancer ng whole night.

"Ano naman ang gagawin ko whole night? Baka nagdudugo na ang paa ko pinagsasayaw 'nya pa rin ako," sabi ko.

"I don't know. Bahala ka kung anong routine ang gagawin mo. Client has been briefed na may resting period na kailangan. Alam naman na nila iyon. Already sent them the contract," sagot ni Ava at tumingin ito sa relo. "Eight na. Punta na kayo sa respective rooms 'nyo." Sabi niya sa at paalis na ng muling bumalik nang parang may nakalimutan.

"Client specifically requested no two piece or any skimpy clothes. You can wear any casual comfortable clothes. Kahit jeans and shirt," sabi pa niya.

Nagkatinginan kami ulit ni Lily. Talagang first time ito na may mag–request na hindi ako naka – two piece. Kadalasan, kulang na lang ay paghubarin ako ng mga clients kapag erotic dance ang ginagawa ko.

"Anong trip ng client na 'yan, Ava?" takang tanong ko.

"Just do what the client wants. But if something happens, just call Jimmy." Iyon lang at umalis na siya doon.

"Girl, whole night. First time ito sa history ni Ava," nakangiting sabi ni Lily.

"Anong gagawin ko ng whole night? Saka bakit may mga ganoong instructions pa?" taka ko habang nagpapalit ng damit. First time ko ito. Kadalasan ay thirty minutes o pinaka – matagal na ang one hour ko sa isang client. 'Yong kagabi nga na two hours, first time ko lang din iyon.

"Puntahan mo na. Baka mag–back out pa 'yan. Sayang ang fifty kiyaw," sabi pa ni Lily at umalis na din doon.

Nakita ako ni Jimmy na parating at napailing na natatawa.

"Bakit?" Taka ko.

"Naninibago lang ako. Kasi first time kitang makitang naka jeans and shirt sa harap ng client. Kakaiba itong client mo na ito," sabi niya.

Napailing na lang ako. "Hindi ko nga rin alam kung anong trip nito. Nandiyan na ba?"

"Wala pa. Pero may mga pagkain na diyan sa loob. Sige na pasok ka na."

Huminga lang ako ng malalim at pumasok. May pagkain na nga doon at drinks. Kakaiba, wala kahit na anong alcoholic drinks akong nakikita. Puro juices, soda at shakes ang naroon. Muli akong lumabas at kinausap si Jimmy.

"Kuya, marami ba itong clients ko?" Kasi ang dami–daming pagkain na nandito.

"Isa lang yata. Tumawag ang secretary ng client mo. Mali–late lang daw ng konti si client." Sinenyasan pa ako ni kuya Jimmy na pumasok na sa kuwarto.

Muli ay pumasok ako sa loob ng silid. Tapos ay pahilatang naupo sa sofa. Sino ba itong mystery client na ito at willing na magtapon ng pera? Tapos late pa. Kung iba – ibang clients lang ito, sigurado akong talagang susulitin ang ibinayad sa akin.

Kumagat ako tuna sandwich na naroon. Gutom na ako at pagod din. Bago kasi ako pumunta dito ay dumaan pa ako kay Uncle Rod. Ako pa ang nagbantay sa kanya dahil umalis si Auntie Tessie at Alyssa. May lalakarin daw sa SSS.

Napatingin ako sa relo ko. Past nine pm na. Wala pa rin ang client ko. Darating pa ba 'yon? Muli akong lumabas kay Jimmy.

"Kuya, darating pa ba ang client ko?"

"Darating 'yon. Sige na. Diyan ka na muna sa loob. Matulog ka muna," sabi pa niya.

Napahinga na lang ako ng malalim at muling pumasok. Sige nga. Matutulog na lang muna ako.

Dance for me (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon