•BOOK GEEK•

32.4K 855 19
                                    

Javier's POV

"When are we going to meet her again, Javier?"

Natawa ako sa tanong ni mommy. Kaninang – kanina pa ako kinukulit nito kung kailan daw nila mami – meet si Nikki. Eversince I told them about her, hindi na ako tinantanan ng parents ko. I don't know. Talagang gusto nila si Nikki para sa akin. Sabi ni dad, first time daw niyang nakita si Nikki sa office ni Rod, talagang magaan na daw ang loob niya dito. Kaya nga talagang gumawa siya ng paraan para maipakasal sa akin si Nikki. Nakipag – venture siya sa company ni Rod na alam naman ni daddy na palugi na. Kapalit nga ang pagpapakasal niya sa akin. Pero hindi nga natuloy. Walang kasal, walang company venture.

Saka alam ko naman noon kung bakit nila gusto akong ipakasal sa kahit na kaninong babae. They thought making me marry someone will let me forget Lorie. Natawa ako at napailing.

"Mom, can we just take it slow this time?" sagot ko sa kanya.

"Why? I just want to meet her again. I really her. How did you find her?"

Nawala ang ngiti sa labi ko sa tanong ni mommy. Masasabi ko bang natagpuan ko siyang nagsasayaw sa harap ng mga lalaki? What happened to Nikki's life complicated too many things. Alam kong noon, my parents really liked her. But after what happened, kaya pa bang tanggapin nila mommy kung sino na si Nikki ngayon?

"Mom, you know what? I'll call you tomorrow. Naalala ko may video conference nga pala ako with Mr. Jacinto in five minutes," kailangang tapusin ko na ang usapan namin.

"Your dad is asking you bakit two days ka na daw hindi nagpupunta sa office. Nasaan ka nga ba?" tanong pa niya.

"Business trip mom. Saka sabihin mo kay daddy kahit wala ako sa office on going pa rin ang trabaho ko," sagot ko.

"Fine. Ang laki na talaga ng ipinagbago ng unico hijo ko. Sobrang responsible na," alam kong iiyak na naman si mommy.

"Mom, I have a video conference. Talk to you tomorrow," sabi ko para matigil na siya.

"Bye, anak. Love you."

"Love you, mom."

Napahinga ako ng malalim ng matapos ang usapan namin ni mommy. Parang bigla akong na – stress. Bakit nga ba hindi ko naisip iyon? Masyado akong na – occupy kung paano mapapapayag si Nikki na magpakasal sa akin.

Napasilip ako sa bintana at nakita kong dumating na sila Nikki. Marami itong dalang supot. Napangiti ako dahil nakita kong parang nag – enjoy naman siya kasama si Osang.

"Adobo gusto mo?" narinig ko pang tanong ni Osang kay Nikki ng papasok na sila.

"Oo. Adobong tuyo. Ako na lang ang magluto. Specialty ko 'yun. Ipapatikim ko sa 'yo," narinig kong sagot niya.

Nagkunwa akong busy sa pagharap sa macbook ko at kunwari ay hindi ko alam na dumating na sila.

"JJ, sobra pa 'yung bigay mo. Maraming nabili si Nikki. Ano nga pala ang gusto mong ulam sa tanghali?" si Osang iyon.

"Parang gusto ko ng adobo. 'Yung tuyo. Parang masarap. Nakita ko sa facebook may nagpost. Marunong ka 'nun, Osang?" nakita kong nakatingin sa akin si Nikki.

"Si Nikki daw marunong. Siya daw magluluto ng adobo ngayong tanghali," sagot ni Osang.

"Talaga? You're going to cook for me? Mukhang nagpa – practice ka na para maging misis ko, ah!" nakangiti kong tudyo sa kanya.

Dance for me (COMPLETE)Where stories live. Discover now