•IT'S YOU•

38.4K 1.2K 9
                                    

Nikki's POV

I found myself standing infront of the tall building of Trafalgar Plaza in Makati. Napatingin ako sa relo ko at nakita kong past three na. Nagdadalawang isip pa rin ako kung pupunta ba ako o didirecho na lang sa AVA. But my curiousity is killing me. I need to know who is this man and how did he know me.

Lumapit agad ako sa receptionist na naroon sa 18th floor ng Trafalgar. The whole eighteenth floor is designated for the executive offices only. Iyon ang nakita kong nakasulat sa dingding bago ako pumasok. I made sure na disente ang itsura ko dahil alam kong baka i-discriminate ako doon kung jeans at t-shirt lang ang suot ko. I still wear my fitted jeans and white spaghetti top. Pinatungan ko naman iyon ng brown poncho so I'll still look decent.

"Excuse me," sabi ko sa receptionist. Tumingin naman siya sa akin at ngumiti.

"Yes? What can I do for you?"

Napangiwi ako at dinukot sa bulsa ang note na ibinigay ng client ko kagabi.

"I don't know how to do this. But I think someone here is expecting me to be here at 3 PM," alanganing sabi ko. Hindi ko naman kasi alam ang pangalan ng client ko.

Nakita kong nagliwanag ang mukha niya at tumingin sa planner niya.

"Ms. Nicole Fuentes?" paniniguro niya.

Kumunot ang noo ko at alanganing tumango.

"Mr. Jimenez is waiting for you in his office. Actually kanina ka pa niya hinihintay. His exact words: 'She is ten minutes late. And I hate people who are late.' Nakakatakot 'di ba?" at napatawa pa ang babaeng kausap ko. "But don't worry. Mr. Jimenez might look like a lion but he is really nice." Bawi niya.

Parang gusto ko ng mag – back out at umalis na lang. Sino ba ang taong ito?

"Umm.. alam mo tingin ko babalik na lang ulit ako sa ibang araw. Naalala ko may importante pa pala akong pupuntahan," sabi ko at may pagmamadaling pupunta na sa elevator.

"Ay Miss Fuentes. Naku sorry. Mr. Jimenez said you need to be in his office now. Huwag daw akong papayag na umalis ka and I think mahihirapan kang lumabas ng building niya," sabi ng receptionist sa akin at may itinuro sa pinto.

Nakita ko ang dalawang lalaking naka – suot ng black polo barong at may mga ear pieces. Tingin ko ay mga member ng security.

Oh my god. Is this another Jed? Oh god. Ngayon ako nagsisisi kung bakit ako pumunta dito. Bakit hindi ko naisip na baka isang katulad ni Jed ang client ko kagabi? Baka isa siyang voyeur na ang kaligayahan sa buhay ay manood lang sa mga ginagawa ko.

Gusto ko ng umiyak. Parang tinatambol na ng ati – atihan ang dibdib ko ng papunta ako sa opisinang itinuro sa akin. Kinuha pa ng receptionist ang telepono ko

"Another instruction from my boss. No phones while you are with him."

Shit. Ano bang gagawin ko?

Kung ano – ano na ang pumasok sa isip ko para lang makaalis doon pero tingin ko wala naman akong magagawa. Puwede siguro kung tumalon ako mula sa bintana. Pero nasa eighteenth floor ako. Mamamatay naman ako at ayoko pang mangyari iyon.

Narinig kong kumatok sa isang pinto ang babaeng kasama ko.

"Sir, Ms. Fuentes is here," anunsiyo niya.

"Send her in."

Pakiramdam ko ay may kilabot na gumapang sa katawan ko ng marinig ko ang boses ng lalaking nasa loob ng opisina. It was so deep. Parang ang dark ng dating na parang nanunuot sa buong pagkatao ko.

Dance for me (COMPLETE)Where stories live. Discover now