•PROPOSAL•

28.3K 719 3
                                    

Nikki's POV

Parang hindi ko makilala ang sarili ko ng nakaharap ako sa salamin.  Javier really wanted everything to be perfect today.  A make up artist and a stylist came to my place.  The dress that he gave me fits me well.  Nagtataka ako kung paano niya nalaman ang sukat ko.  Glenda, her secretary dropped by to give me a set of jewelries na isusuot ko.  A pair of diamond earrings and diamond necklace iyon na talagang bumagay sa damit ko.

            "Mam, ang ganda – ganda 'nyo naman.  Sigurado akong hindi ka na papakawalan ni Sir JJ kapag nakita ka," sabi ni Marge, ang baklang make – up artist na nag – ayos sa akin.  Naroon na kami sa lobby ng condo at hinihintay na lang si Boyet.

            Ngumiti lang ako at muling tiningnan ang sarili sa salamin.

            "Papasa ka nga na model, eh.  Bagay na bagay sa 'yo ang damit pati ang kulay," sabi naman ni Jenna.  Babaeng stylist ito na hired din ni Javier.

            "Okay na ba si Nikki?  Nagti – text na si Sir JJ kung tapos na daw.  Pinapahatid na niya sa Sofitel," si Boyet iyon.  Ang driver na maghahatid sa akin sa hotel.

            "Oo kuya.  Tapos na siya at ang ganda – ganda niya 'di ba?  Creation ko 'yan," parang kinikilig pa si Marge ng sabihin iyon.

            Ngumiti lang si Boyet at bumaling sa akin.  "Tara na Nikki.  Kanina ka pa hinihintay ni Sir JJ."

            Nagpasalamat lang ako sa dalawa at umalis na kami Boyet. 

            Parang hindi ko maihakbang ang mga paa ko ng dumating kami sa Sofitel.  Nakapunta na rin naman ako sa lugar na iyon pero iba ngayon.  Para akong bibitayin dahil ngayon ako ipapakilala ni Javier sa mga tao.  Ang dami – dami kong iniisip.  Baka hindi ako matanggap ng magulang niya.  Iba naman kasi ang sitwasyon noon at iba na ang sitwasyon ko ngayon.

            Malayo pa lang ay nakita ko ng naghihintay sa labas ng function hall si Javier.  Napangiti ako dahil napakaguwapo niya sa suot na suit.  Bagay na bagay sa kanya ang kulay abuhing pants at suit na suot.  Napansin kong bagong gupit din siya.  Parang nawala na ang sama ng loob ko kagabi sa kanya.

            Napangiti siya ng makita akong paparating.  Agad niya akong sinalubong at titig na titig sa akin.

            "What?" natatawang sabi ko.

            "You are stunning, Nikki." Parang wala sa loob na sabi niya at nakatitig lang sa akin.

            "Ano ka ba?  Tumigil ka nga," pero sa totoo lang ay kilig na kilig talaga ako.

            "You don't know how lucky I am for having you in my life.  I can't wait to tell everyone that you are mine," sabi niya at ipinulupot ang kamay sa beywang ko habang sabay kaming papasok sa loob ng function hall.

            Napakaraming tao.  Ang bongga ng event na ito at alam kong hindi biro ang ginastos dito.  Kumpleto ang lahat ng empleyado ng Jimenez group of companies.  Invited din ang mga suppliers at prospect project partners. 

            Alam kong nakatingin na sa akin ang mga taong nadadaanan namin dahil parang ang yabang – yabang ni Javier na ako ang kasama niya.  Taas – noo siya habang naglalakad at nakapulupot ang kamay sa akin.  Napalunok ako dahil alam kong lugar ng magulang niya ang tinutumbok namin.

            "Ngayon na ba?  Baka puwedeng mamaya na lang," sabi ko.

            Ngumiti lang siya. 

            "Relax.  Kanina ka pa nila hinihintay," sagot niya at lalong binilisan ang paglalakad para makapunta sa lugar ng mga magulang.

            Naabutan namin na may mga kausap ang magulang ni Javier.  Agad napahinto ang mga ito ng makita kami.  Alam kong nagtataka ang mga taong ito kung sino ba ako.

Dance for me (COMPLETE)Where stories live. Discover now