•RIGHTS•

33.7K 908 10
                                    


Nikki's POV​ 

 "Give this client to someone else, Ava.  I don't like him," sabi ko habang inaayos ko ang buhok ko sa harap ng salamin.

​ Nakita kong nagtataka siyang napatingin sa akin.  Pati si Lily ay nakatingin lang din sa akin.  Alam kong kanina pa niya gustong magtanong kung anong nangyari sa lakad ko.  Pero natatakot lang siyang gawin iyon dahil hindi talaga maganda ang timpla ko.

​ "Nikki, alam mo ba ang tinatanggihan mo?  One hundred thousand pesos for two nights.  Hindi mo kikitain 'yan kahit anim na buwan kang magsayaw ng magsayaw," sagot ni Ava sa akin.

​ "I don't care.  I don't want him.  Ibigay mo sa iba.  Saka 'yung ibinayad niya kagabi, ibalik mo din sa kanya.  Ngayon lang ako nag – request sa iyo 'di ba?  Lahat ng gusto mo sinusunod ko.  But this time, ako naman ang magre – request sa iyo.  Ayoko sa client na iyan," matigas na sabi ko.

​ Nakita kong napahinga ng malalim si Ava.

"Nikki, ano ba ang –"

​ "Kung hindi mo kayang gawin, magre – resign na ako ngayon na." putol ko sa sinasabi niya.

​ Nakita kong natigilan si Ava sa sinabi ko.  Alam kong ico – consider niya ang sinabi ko dahil asset ako sa negosyo niya.  Malaki ang kinikita niya sa akin.  If she will think about long term, mas malaki pa sa one hundred thousand ang kikitain niya sa akin.

​ "Fine.  I'll see what I can do about this.  Knowing JJ, I know he won't take no for an answer," sagot ni Ava sa akin.

​ Hindi ako kumibo.  Bahala na si Ava kung ano ang gagawin niya.

​ "What room will I go?" tanong ko sa kanya.
​Kita ko ang panghihinayang sa mukha ni Ava ng tumingin siya sa akin. 

"Room 5.  Chinese businessman.  One hour.  After that, group of four boys.  Magpapaturo ng hip hop dance for their school presentation," sagot niya sa akin.

​ Hindi na ako kumibo at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

​ "Lily, kausapin mo nga iyang kaibigan mo.  Baka sakaling mawala ang topak niyan at matauhan," sabi pa ni Ava bago umalis.

​ Hindi ko na lang pinansin iyon at itinuon ang pansin ko sa pag – aayos ng make up ko.

​ "Ano ba kasi ang nangyari sa lakad mo kanina?  Pagdating mo pa lang dito ganyan ka na.  Ang init – init na ng ulo mo," sabi ni Lily sa akin.

​ Umiling lang ako.  "Basta ayoko lang sa client na iyon."

​ "Pero bakit?  Hindi ka naman mapili sa clients 'di ba?  Saka Nikki, malaking tulong na ito para iyo.  Hindi ka na pagod, pero malaki ang kikitain mo." paliwanag pa niya.

​ Huminga ako ng malalim kahit gusto ko ng sumigaw.  Pinigil ko ang sarili ko dahil ayokong sumama ang loob ni Lily sa akin dahil sa pagta – tantrums ko. 

​ "I just don't want him to be my client.  He is one memory from my past that I want to forget.  Siya ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon."

​ Nakita kong napatakip ng bibig si Lily.  "Gosh!  Talaga?  'Yung dapat na mapapangasawa mo?  'Yung arrange marriage ng uncle mo para sa iyo?" paniniguro pa niya.

​ Tumango lang ako.

​ "Yaiks.  Hindi na nga kita kakausapin tungkol diyan," sabi ni Lily.

​ Alam kong alam niya kung saan ang pinaghuhugutan ko ng galit sa taong iyon.  Javier decided that he doesn't want to marry me five years ago kaya nagka – leche – leche ang buhay ko.  Tapos sasabihin niya sa akin na kaya lang niya ginawa iyon dahil gusto niya akong tulungan?  The hell with him!  Oo.  Tinulungan niya akong malubog kung saan ako narito ngayon.  Kung pumayag na lang siya noon, 'di sana maayos pa rin ang buhay ko.  Siguro maayos pa ang buhay nila Uncle Rod.  Kaya ko naman magsakripisyo noon.  Pero siya ang tumanggi.  Siya ang may kasalanan kung bakit kulang na lang ay maghubad ako sa harap ng mga kliyente ko ngayon.

​"Sige, Lily.  Kita tayo mamaya after my set.  Sabay na tayong mag – dinner." Sabi ko at umalis na doon.
​Pumasok ako sa room 5 kung saan naabutan ko ang Chinese businessman na sinasabi ni Ava.  May edad na ito.  Siguro nasa fifties na.  Nakita ko ang pagliwanag ng mukha niya ng pumasok ako.

​"Ikaw tagal.  Ako inip na antay sa 'yo," sabi pa niya.

​"May mga tinapos pa kasi ako," walang ganang sabi ko at isinaksak sa speaker na naroon ang ipod ko.  Inilagay ko sa erotic dance ang playlist ko at nagsimula na akong umindayog.

​"Ikaw ganda.  Sexy pa," sabi pa ng lalaki sa akin.  Napairap ako dahil sa nakita kong itsura niya.  Kulang na lang ay tumulo ang laway niya sa pagtingin sa akin. 

​Hinubad ko ang suot kong long sleeves polo at tanging maong short shorts at white sando lang ang itinira ko.  Lalo ko ng nakitang parang na – ulol ang nasa harap ko.

​"Ako gusto ikaw yakap saka halik.  Dagdag ako bayad.  Ako dami pera," sabi niya sa akin at tumayo.

​"T – teka.  Hindi ka puwedeng lumapit sa akin," nakaramdam ako ng takot dahil tingin ko ay gagawin nga niya iyon.  "Kuya Jimmy!" malakas kong sigaw.

Malakas na bumalandra ang pinto ng kuwarto at nakita kong si Javier ang pumasok doon.  Dilim na dilim ang mukha nito at nilapitan agad ang Chinese businessman na naroon.  Mariin niyang isinalya ito sa dingding.  Nakasunod naman dito si kuya Jimmy.

"How much did you pay for her?!" narinig kong malakas na sabi ni Javier sa lalaki.

​ "Ako bayad laki.  Ikaw sino ba?  Pasok ka dito trespassing.  Ako lang dito.  Akin lang siya," at itinuro ako.

​ "How much did you fucking pay?!" tingin ko ay may magagawang hindi maganda si Javier sa lalaki kapag hindi pa ito nagsalita ng maayos.

​ "Jesus Christ!  JJ!  Stop it!  Bitawan mo si Mr. Chua!" si Ava na iyon.  Marahil ay tinawag ni kuya Jimmy para maawat na si Javier.

​ Inis na binitawan ni Javier si Mr. Chua at bumaling kay Ava. 

"How much did he pay for her services tonight?" muli ay tanong niya.

​ "It's only for one hour.  Five thousand."

Nakita kong dumukot ng ilang lilibuhin si Javier at alam kong sobra sa limang libo iyon tapos ay ibinigay kay Ava. 

"Count it.  Ayoko ng makita ang mukha ng lalaking iyan na lumalapit kay Nikki."

​ Napahinga ng malalim si Ava at kinausap si Mr. Chua tapos ay nakita kong ibinigay ang pera.  Tingin ko ay para makipag – areglo.  Nakita ko naman na tumango – tango ang Chinese businessman at umalis na doon.  Lumipat lang ito ng ibang room.

​ "For god sake JJ, you cannot just barge in here and harass my clients," galit na sabi ni Ava.

​ "I already paid for her services.  Bakit kailangan pa niyang kumuha ng ibang clients?" tapos ay tinapunan niya ako ng masamang tingin.

​ Napahinga ng malalim si Ava.  "That's what I am trying to tell you.  He doesn't want you to be her client.  Right niyang tumanggi kung ayaw niya sa isang client," paliwanag ni Ava.

​ "So you don't want me?  Pero okay lang sa iyo na ibuyangyang ang sarili mo sa mukhang manyakis na lalaking iyon?  Wow.  Just wow," his words were full of sarcasm ng bumaling siya sa akin.

​Hindi ako kumibo at tumingin lang ako kay Ava. 

"JJ, you cannot force her to be with you.  It is her right."

​ "God damn rights!  Pumayag nga siyang maging kliyente ang manyakis na iyon!" kitang – kita ko ang galit sa mukha ni Javier.

​ Tingin ko ay parang wala ng magawa si Ava kaya parang sumusukong nagtaas ito ng kamay.

​"Fine!  Mag – usap kayong dalawa.  Do you have history?  I don't know how to handle the two of you.  JJ, you know I owe you a lot.  Even to your family.  But if you will do something bad to Nikki, I can forget everything.  Kaya kong kalimutan lahat ng pinagsamahan natin," sabi ni Ava at bumaling sa akin.  "Fix this, Nikki.  I don't know what is happening but please.  Fix this.  Your stunt is now affecting my business," iyon lang at tinalikuran na niya kami.

Dance for me (COMPLETE)Where stories live. Discover now