•HE KNOWS•

28K 762 1
                                    

Nikki's POV

"Nikki! Congratulations! Ang galing – galing mo talaga. Ga – graduate ka na!"

Kitang – kita ko ang saya sa mukha ni Lily ng malaman na naipasa ko lahat ng subjects ko sa finals. Dinalaw ko kasi siya sa AVA dahil wala naman akong time na puntahan siya sa apartment niya.

"Salamat. Eh, ikaw? Kelan mo itutuloy ang pag – aaral mo? Isang sem ka na lang din 'di ba? Ituloy mo na para matupad na 'yung pangarap natin na makapagpatayo ng sarili nating school," sabi ko.

"Hay nako. Alam mo naman na marami pa akong inaasikaso. Pero bahala na," sagot niya sa akin at muling humarap sa salamin. Napangiti ako dahil parang nakikita ko ang sarili ko noon na nandito at nagpi – prepare para sa mga clients namin.

"Nagkita na kayo ni Ava?" tanong pa niya.

Umiling ako. "Mukhang busy, eh. Kamusta naman dito?"

"Okay lang. Siyempre nalulungkot ako kasi wala na akong kasama pero okay naman ang trabaho. Eh, ikaw? Kamusta ka? Kamusta kayo ni papa JJ," nasa tono ni Lily ang nanunukso.

Napangiti lang ako.

"Bruhang 'to! Kinikilig ka 'no?!" nakangiting sabi niya.

Napatawa na ako. "Eh, kasi naman. Parang hindi pa rin ako makapaniwala na gusto niya akong pakasalan. Napaka – patient niya. Imagine, hinintay talaga niyang matapos ko ang isang sem at maka – graduate ako para pakasalan ko siya. Sinusunod niya lahat ang demands ko."

"Ikaw na ang mahabang buhok! Masyado mong ginalingan," natatawang sabi niya.

"Nikki?"

Pareho kaming napatingin sa tumawag sa akin at napangiti ako ng makilala kong si Ava iyon. Agad akong lumapit sa kanya at yumakap.

"Kamusta ka na Ava?"

Inirapan niya ako at kunwari ay nagtatampo.

"Iniwan mo kami dito dahil sa JJ na iyon," kunwa ay galit siya.

"Ava, mahal ko eh." Natatawang sagot ko.

Nakita kong napangiti siya at muling yumakap sa akin. "I know. And I am so happy for you," sabi niya sa akin.

Hindi ko maipaliwanag ang kasiyahan na nadarama ko. Pakiramdam ko ako na ang pinaka – suwerteng babae sa mundo.

"So? Did you meet the parents already?" tanong pa ni Ava sa akin.

Huminga ako ng malalim at napailing.

"What? Hindi mo pa nami – meet sila Mr. and Mrs. Jimenez? Dumating na sila last week, ah." Parang hindi makapaniwala si Ava.

"Natatakot ako, eh. Well, Javier is planning on announcing our engagement sa anniversary ng company nila bukas."

Parehong napatili si Lily at Ava. Nagkunwa akong nagtatakip ng tenga.

"Ay, bruha ka! Kailangan nandoon kami ni Ava. Hindi puwedeng hindi namin makita ang event na iyon. Kinikilig naman ako sa iyo," sabi ni Lily.

"Definitely we will be there, Nikki. May invitation na ako from JJ."

Napatingin ako sa relo at nakita kong mag – a – alas otso na ng gabi.

"Uwi na ako mga girls. Magkikita pa kami ni Javier, eh. I'll see you both tomorrow."

"Sige na. Mag – beauty rest ka at ng maganda ka bukas," pahabol pa ni Ava habang palabas ako.

Kumaway lang ako sa kanila at dire – diretso na palabas. Natatawa pa ako dahil kina Lily. Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Javier ng aksidenteng mabangga ako sa kung sino.

"Ano ba?! Ang tanga naman!"

"Sor –" hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng makilala ko kung sino iyon. "Stacey?"

Nakita kong bahagyang nag – iba ang timpla ni Stacey ng makilala ko siya. Ibang – iba kasi ang itsura niya. Ang ganda niya. Ang sosyal ng itsura. Ang ganda ng damit niya. Mukhang mamahalin ang mga gamit niya. May mga kasama siyang lalaki.

"Anong ginagawa mo dito?" mataray niyang tanong sa akin.

"May dinalaw lang ako. Kamusta ka na?"

Umirap lang siya sa akin. "Fortunately, I am okay. Eh, ikaw?"

Ngumiti lang ako. "Mabuti naman. Ga – graduate na rin ako." masaya kong sabi sa kanya.

"O siya. Sige na," sabi niya at umalis na sa harap ko. Napatingin ako sa mga kasama niyang lalaki at nakilala ko si Dan na kasama doon. Titig na titig siya sa akin. Ngumiti lang ako ng alanganin at tumalikod na.

"You are Nikki right? You're the intern in JJ's company? In Jimenez Construction?" sabi ni Dan at sinundan ako.

Tumango lang ako at may pagmamadaling umalis doon.

"Alis na ako," sabi ko.

"Wait. I know I saw you already. I just can't remember it," sabi pa niya sa akin.

"Dan! Halika na!" pareho kaming napatingin kay Stacey na sumigaw.

Sumenyas dito si Dan ng sandali at bumaling ulit sa akin. "How did you know Stacey?"

"Pinsan ko siya," tanging sagot ko. Agad kong pinara ang unang dumaan na taxi para makaiwas na ako kay Dan. Hindi ko matagalan ang lagkit ng mga tingin niya. Parang ang bastos.

"I'll see you again, Nikki. Dance for me next time." Iyon lang at tumalikod na siya.

Pakiramdam ko ay parang sasabog ang ulo ko sa narinig kong sinabi niya. Naalala na niya na dancer ako?

Dance for me (COMPLETE)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang