•SOME KIND OF KIDNAP•

34.8K 940 24
                                    

Nikki's POV

"Can you please put some clothes on?"

            Inis akong tumingin kay Javier at padabog na dinampot ang long sleeves polo ko at isinuot iyon. 

            "Ano ba ang hindi mo maintindihan sa sinabi ko kay Ava?  Ayoko sa iyo.  Ayaw kitang maging kliyente," inis na sabi ko sa kanya.

            "At sino ang gusto mong client?  'Yung mukhang manyakis na iyon?  'Tang ina, kulang na lang sunggaban ka kanina," galit na sagot niya sa akin.

            Napakunot ang noo ko.  Ano bang problema ng lalaking ito?  Ano naman ang paki niya kung may kliyente man akong mukhang manyakis?

            "I know how to handle myself," sagot ko.

            Nakita kong napataas ang kilay niya.  "Oh?  Really?  Kaya pala nagsisigaw ka kanina at humihingi ng saklolo kay Jimmy."

            Tumayo ito at hinawakan ako sa kamay.

            "Bitiwan mo nga ako," inis kong sabi at pilit na kumakawala mula sa pagkakahawak niya.

            "You need to come with me," sabi niya sa akin habang hinihila ako palabas. 

            "Kuya Jimmy, tulungan mo ako," sabi ko ng makita ko ang bouncer na nasa labas lang ng pinto.

            "Nikki, sorry.  Utos ni Mam Ava huwag daw akong makielam sa inyo," sagot niya sa akin.

            "What?!" hindi ako makapaniwala.  Dire – diretso pa rin sa paglakad si Javier at mahigpit ang hawak sa akin.  Hanggang makarating kami sa parking lot at huminto sa kotse niya. 

            "Get in," sabi niya sa akin.

            "Ayoko," matigas kong sabi at nanatili lang akong nakatayo doon.  Kahit na ba Ford Mustang ang kotse niya, hindi ako sasakay doon.  Pipiliin ko pang mag – jeep.

            "Get in or I will force you to get inside.  Choose," seryosong sabi niya.

            Bahagya akong napalunok dahil sobrang seryoso ng mukha niya.  Parang talagang tototohanin nga niya ang sinabi niya.  Kaya kahit napipilitan ay sumakay ako sa kotse.

            "This is kidnapping," sabi ko ng magsimula na siyang mag – drive.

            "This is not a kidnapping.  I am your client for two nights, right?  I already paid for your services.  And Ava knows this so wala kang karapatang tumanggi," sagot niya sa akin habang nakatutok ang mata sa kalsada.

            "What do you want from me?!" hindi na ako nakatiis.  Parang batang naiiyak na ako dahil sa kawalan ng magagawa.

            Hindi siya kumibo at nanatiling nakatutok lang ang mata sa kalsada.

            "Tell me!  What the hell do you want from me?!" malakas na sigaw ko.

            "I want to finish what we started five years ago," sagot niya sa akin.

            "What are you talking about?  Wala tayong inumpisahan five years ago.  And let me remind you, you didn't want me.  And I don't want you too!  So stop this fucking car right now!" malakas kong sigaw.

            Pero parang nanadya, lalo lang binilisan ni Javier ang pagpapatakbo ng sasakyan.

            "You might want to buckle up.  Minsan hindi ko napipigil ang paa ko sa pag – apak sa gas," sabi niya na natatawa.

Dance for me (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon