•NEW JOB•

30.9K 834 4
                                    

Nikki's POV

"Can I call you Nikki?  Masyado kasing mahaba kung Nicole Marie ang itatawag ko sa iyo," iyon agad ang bati sa akin ng sekretarya ni Javier nang pumasok ako after ng klase ko. 

One month after ng pasukan, sinabi sa akin ni Javier na puwede na akong magtrabaho sa kumpanya niya.  Nakilala ko ang secretary niya na si Glenda at mabait naman siya sa akin.  Pero pinakiusap ko kay Javier na kung puwedeng huwag muna namin sabihin kahit kanino ang relasyon namin.  Gusto ko kapag nakatapos na ako at nakapasa sa board saka kami lalabas bilang magkarelasyon at magpapakasal.  Ang parents naman niya ay nasa Europe at doon nakabakasyon.  Mukhang matatagalan pa din naman ang balik dito kaya hindi ko na rin iniisip iyon.

            "First day mo.  Sabi ni Sir huwag daw kitang bibigyan ng mabibigat na trabaho," sabi pa niya.  Nakasunod lang ako sa kanya at tinutungo namin ang desk ko.  Sa eighteenth floor din iyon.  Malapit sa office ni Javier.

            Ngumiti lang ako sa kanya habang tinutulungan niya akong ayusin ang mga gamit ko doon.

            "Kapag may problema ka, sabihin mo sa akin.  Madali lang naman ang trabaho ng admin assistant.  Dalawa lang tayong mag – aayos ng sched ni Sir.  Sa akin ka naman kasi ipinagbilin ni Sir kasi trainee ka pa lang.  Nasa meeting lang siya.  Text mo lang ako kapag may kailangan ka," sabi pa ni Glenda sabay abot ng piraso ng papel sa akin.  Naroon ang cell number niya at umalis na siya.

            Napahinga ako ng malalim at luminga sa paligid.  Parang ang bilis – bilis ng lahat ng pangyayari.  Naalala ko pa nung first time kong pumunta dito, hindi ko pa maalala kung sino si Javier.  Napangiti ako sa tuwing maalala ko iyon.

            Narinig kong nag beep ang cellphone ko.

            JJ: I saw you smiling.

            Napakunot ang noo ko at luminga.  Akala ko ba nasa meeting ang lalaking ito?

            San ka? Reply ko sa kanya.

            JJ: Bawal mag text pag office hours.  My rules.

            What?  Eh, ikaw ang nagtext sa akin.  Siyempre sasagutin ko. 
Pag di ko sinagot magagalit ka naman.

            JJ: Kapag ako lang ang nag – text sa iyo saka mo sasagutin.

            Umiling na lang ako.

            Sige na.  Mamaya na lang.

            "So, you are the new girl.  How's your first day?"

            Napaangat ang ulo ko para sinuhin kung sino ang nagsalita.  Napakunot ang noo ko sa lalaking tumambay sa desk ko.  Sino ba ito?  Ang alam ko mga executive lang ang nandito sa floor na ito. 

            "I'm Dan.  I am a friend of JJ.  Wala kasi si Glenda sa desk niya and I saw you.  So I know you are new here," nakangiting sabi niya sa akin.

            Pamilyar ang mukha niya sa akin.  Nagkita na ba kami?

            "You know, I think I saw you from somewhere," sabi niya sa akin at tinitigan akong maige.

            Pakiramdam ko ay tatakasan ako ng ulirat ng makilala ko kung saan ko nakita ang lalaking ito.  Ito ang kaibigan ni Javier na kasama niya noon na nagpunta sa AVA.  'Yung lalaking muntik bumastos sa akin.  Shit!

            "Dan, in my office."

            Pareho kaming napatingin sa nagsalita at nakahinga ako ng maluwag ng makita kong si Javier iyon.  Pero napalunok din ako kasi seryosong – seryoso ang mukha niya at mukhang galit.

Dance for me (COMPLETE)Where stories live. Discover now