•VISITORS•

32.3K 817 9
                                    

Nikki's POV

"Ang gaga mo," iyon ang narinig kong sabi ni Lily sa akin ng sabihin ko sa kanya na tinatanggihan ko ang alok ni Javier sa akin.

            Hindi ako kumibo at nanatiling nakikinig lang sa kanya.  Umalis saglit si Javier at kailangan daw magbangko.

            "You think tanggapin ko ang alok niya?"

            "Oo 'no!  Nikki, hindi ka na makakatisod ng ganyang offer.  Kasal ang inaalok sa iyo.  Hindi ka ibabahay.  Papakasalan ka," sabi pa niya sa akin.

            "Pero kasi, parang ang bilis, eh."

            "May nangyari na sa inyo?" at narinig kong tumili pa si Lily.

            Hindi ako nakapagsalita.  Parang nahihiya akong umamin.

            "Ang landi mo!" at napahalakhak siya.  Parang alam na niyang mayroon na ngang nangyari  "Hindi mo pa siya gusto niyan, ha?  Pero isinuko mo na ang pinakaiingat – ingatan mo."

            Napatawa din ako.  "Nalasing ako 'nun," sagot ko.

            "Gaga ka talaga!  Hindi mo gusto si papa JJ?  Ang tanga tanga mo!  Ang guwapo – guwapo kaya niya," kulang na lang ay tumili si Lily.

            "Gusto ko naman siya pero kasi –" hindi ako nakasagot agad dahil nakarinig ako ng pagparada ng sasakyan sa labas.  Sumilip ako at nakita kong kotse ni Javier iyon.  Bumaba siya at napakunot ang noo ko ng bumukas ang passenger side.  May kasama siya?  Alam ko nasa palengke si Roger at Osang.

            Hindi ko maintindihan ang parang kumurot sa dibdib ko ng makita kong isang babae ang bumaba doon.  Hindi lang basta babae.  Maganda at sexy na babae.  Seryosong nag – uusap ang dalawa and the way Javier is looking at this woman, halata kong hindi lang kaibigan ang turing niya dito.

            "Hoy, bruha!  Nandiyan ka pa ba?" si Lily iyon.

            "H – ha?"

            "Ano na nga?  Ano na ang desisyon mo?  Tatanggapin mo na ang alok ni JJ?" tanong pa ni Lily.

            Napalunok ako ng makita kong humalik ang babae sa pisngi ni Javier at umalis na.  Kumaway pa ito sa lalaki at naghintay pa si Javier na mawala sa paningin niya ang babae bago siya pumasok.

            "Tawagan kita ulit," sabi ko kay Lily.

            "Bakit?  Bitin naman magkuwento 'to!"

            "Sige na.  Tawagan kita ulit mamaya," pinatay ko na ang telepono. 

            Nagkunwa akong nagbabasa ng libro ng maabutan ako ni Javier sa sala.  Alam kong nagulat siya ng makita niya ako doon.

            "What are you doing there?" takang tanong nito at inilapag sa mesa ang mga bitbit na plastic.

            Itinaas ko lang ang hawak na libro para ipakitang nagbabasa ako at muling itinuon sa libro ang pansin ko.

            Naramdaman kong lumapit siya sa akin at pahilatang naupo tapos ay umakbay.  Umusod naman ako.

            "Sungit naman," natatawang sabi niya at umusod din papalapit sa akin.

            Hindi ko siya pinansin.  Ano kayang kailangan ng lalaking ito?

            "Niks," sabi niya.

            Tumingin ako at nakita kong parang may gusto siyang sabihin.

            "I'll be having some visitors later.  Okay lang ba?" sabi niya.

Dance for me (COMPLETE)Where stories live. Discover now