“Wala. Bahala ka diyan!” Pumasok siya sa kwarto niya at naglock!

“Hoy, grabe ka Vince! Yung pasalubong ko!” Kinalampag ko talaga yung door niya. “Naku kapag ako walang pasalubong!” sigaw ko pa.

"Anong gagawin mo kapag wala kang pasalubong?!”

“Itutuloy ko yung plano kong gapangin ka mamayang gabi!” pabulong na sabi ko.

“Ano kamo?!”

“Wala, sabi ko iu-unfriend kita sa Facebook!”

“Edi i-unfriend mo ko!”

“Vince naman eh!” maktol ko. “Kung hindi lang kita pinagpapantasyahan talaga—”

Bigla siyang lumabas.

“Oh, ito na...”

Nagulat pa ako.

“Ano naman to? Nakakain ba to?” tanong ko habang binubuksan yung brown envelope na binibigay niya.

“Students' Form yan sa Beverson, happy birthday!” Hinawakan niya yung chin ko na kinakilig ko. Ang wafu kasi ni Vince tsaka nangiti pa.

At sa narinig ko...

“Waaaa... Thank you Vince, mahal na talaga kita!” Niyakap ko siya habang kumawiwit ang mga paa ko sa knees niya.

“Basta ikaw!”

“Basta ikaw daw eh ang tagal ko na kayang gustong magaral dun. Ayaw mo lang akong payagan.”

Matagal ko na kasing gustong pumasok sa Beversonville na yan. Feeling ko kasi, mas belong ako roon. At isa pa, para makasama ko si Vince ng mas madalas.

Crush ko kasi siya.

Ang pogi niya kasi. Ang bait. Ang hot... kaya lang kaibigan lang ata yung tingin niya sakin?

Naramdaman kong yumakap rin siya sakin at kumalag ako sa pakikipagyakap sa kanya. Uhmp, ang bango niya talaga.

“Kailangan mo nang harapin...“ aniya.

Ano naman kaya yung kailangan kong harapin? Yung buhay magasawa namin? Kyaaa! Okay lang kapag.

“Ang alin?” pademure na tanong ko.

“Ang Beversonville.”

“Ahhh...” akala ko naman liligawan na niya ako. Assuming!

“Sana ganito nalang palagi 'no? Sana maging ganito ka pa sakin, kahit sa Maynila?”

“Like what?”

“Ganyan... sweet.” nakita kong namula si Vince.

“Uy, namula ka. Crush mo ko no?”

“Ang taas taas talaga ng tingin mo sa sarili mo! Hmm!” pinitik niya yung noo ko.

“Payakap nga ulit!”

“Ayoko!”

Pumasok siya sa kwarto at naglock na.

Hmm, ayaw pa niyang aminin, gusto rin niya naman ako eh. Sa dami ng nanliligaw sakin sa school, wala akong magustuhan. Si Vince, crush ko talaga siya.

Siya kasi yung unang nakilala ko... at ang gaan ng loob ko sa kanya.

Isang taon kasi akong nakatulog dahil sa isang car accident, at dahil doon nagka-amnesia ako.

Yung memory ko... critical.

Sabi ng Doctor, base sa test na ginawa niya, 70 percent daw ang possibility na hindi ko na maregain yung memories ko. Ang sad life di ba?

Halos mabaliw nga ako minsan dahil hindi ko talaga alam kung sino ako. Minsan nga, habang nagsosolve ako ng Trigonometric equations bigla bigla nalang akong umiiyak ng hindi ko alam kung bakit? Basta bigla bigla parang ang bigat ng pakiramdam ko tsaka gusto ko talagang umiyak.

“Miss Celestine Ferancia, get out of my class!” sabi sakin ni Engr. Ausa, professor ko sa Trigonometry noong First year ako.

Naalala ko pa yun.

At ito pa, kapag nagiisa ako palagi akong nagsesenti at umiiyak ng sobra. Ang OA ko na sa iniisip ko, pero gusto kong malaman kung bakit ako ganito?

Maraming impormasyon akong nalaman mula kay Vince about sa pagkatao ko na ipinagpapasalamat ko sa kanya.

“Awww awww...” Lumingon ako sa asong kumahol nang pagkalabas ko sa bahay ni Vince, dito sa may kalye. Halatang gutom na gutom si doggie at ako ang napagdiskitahang kainin.

Papalapit na siya ngunit kalmado lang ako at nang nakalapit yung aso ay binigyan ko siya ng isang malakas na sipa sa kanyang ulo. Thankful naman akong hindi nakagat ang paa kong flawless.

Nakita ko nalang na nakabalandra na yung aso sa puno ng mangga.

How the...

How the heck did I do that?!

***********

Don't Test the Gangster in Me Book 2, coming up.

A little spoiler lang: Celestine is Icy! Oh ayan isipin niyo kung sino 'yung bangkay na nakita nila.

Don't Test The Gangster In Me (Book 1): La Morte È Il Vostro KarmaWhere stories live. Discover now