Chapter Twenty Four: Go Back To What We Were

794 30 0
                                    

Chapter Twenty Four: Go Back To What We Were

//

I decided na umalis muna ng Jacksonville dahil wala naman na akong gagawin. Tapos na ang pageant kaya one week akong mawawala. I decided na pumunta sa Japan to meet the Yakuza's Queen dahil makikipagkasundo ako. Kaya ayun, OK naman ang lahat. Sa Japan, si Athara ang parang ako sa buong mundo. Her identity is secret at katulad kong nakakato mask kapag nakikipagmeet.

“Arigato, Queen." Aniya habang yumuyuko sakin.

At pagkatapos ng pagkakasundong 'yun nagpasyal pasyal ako sa Japan. Ang ganda ng Japan, ang sarap bombahin. Tsk.

So ang routine ko this whole week pasyal, meet the gangsters, pasyal, pumatay, bumaril. Waaa! Ang boring namimiss ko na ang Jacksonville... at si, ang BDS pala! Hindi si Sine ah! Hinde! Kaya naman ito ini-stalk 'yung facetagram niya. Waahaha! Siyempre gamit 'yung facetagram ni Ice. Tapos bigla bigla akong nakatanggap ng friend request... from Deniel. Ayun in accept ko naman.

[MESSAGE]
From: Deniel Jacksonville
Hoy Ice, nasaan ka? Miss na kita eh. Wahaha.

Namula naman ako. Ano ba 'yan?!

REPLY: Nasa Japan ako.

MESSAGE: Waa? Bakit anlayo? Hindi ka pa nagpaalam ah. Hinahanap kaya kita. Namiss na kita eh.

Ano ba 'yan paulit ulit.

MESSAGE: Facetime tayo!

REPLY: Hindi ayoko.

Kasi naman naka-wig ako tsaka make up make up. Nasa may Sakura Park pa naman ako, alangan namang alisin ko, edi sabihin pa nilang bakla ako.

MESSAGE: Bakit?
REPLY: Mahina net dito.
MESSAGE: Sayang naman.

Tapos may nagrequest ulit ng friendship, si Hiro Sato. Inaccept ko naman agad.

[MESSAGE]
From: Hiro Sato.
Hoy Ice namimiss ka na nung tatlo! Lalo na si Sine!!!
REPLY: Ano bang pinagsasabi mong lalaki ka?!
MESSAGE: Kasi si Sine inistalk facetagram mo e ang liit lang naman ng updates. Tss. Nahihiyang mag-add friend! Naiilang ata, ano na naman bang nangyari sa inyo?

Pakialamero naman nito uhmp! 'Di ko nalang siya na nereplyan.

MESSAGE: Hoy Manang!
REPLY: Anong manang?!!!
MESSAGE: Mukhang babae ka eh. Hehe.
REPLY: Baliw! Diyan ka na nga!

Inoff ko 'yung phone ko at namasyal muli.

[AFTER 5 DAYS...]

Nasa may bukana na ako ng dorm. Walang tao, tapos pumasok ako ng kwarto namin ni Sine, wala ring tao. Oo nga pala. Linggo ngayon. Baka siguro nagsiuwian sila. Nahiga ako habang nakatingin sa pintuan. Nagulat nalang ako nang...

“WAAAAA!” hiyaw ko dahil nakahubad si Sine na papasok sana sa kwarto namin tsaka niya bigla biglang sinara 'yung pintuan. Oh my gad...oh my gad? Did I just see his...waaaa! Nagkumot ako ng blanket habang init na init ang pisngi ko.

“Bakit ka ba nanigaw e may ganito ka rin naman?” sabi ni Sine tapos narinig kong pagbukas niya ng pinto. Waa, just so you know, wala akong ganyan! Nagpapanggap lang ako bilang babae? Hindi ko alam ang gagawin ko? Ano ba? Titingnan ko ba siya? No! Oh my gad!

“OK na pwede ka ng tumingin!”

Wala akong imik na nakakumot parin.

“HOY!” sigaw niya, tsaka ako niyugyog, kinilabutan tuloy ako. “Ice..." Naku naman. 'Yung pagsasalita niya, nakakailang. “OK, sorry. Sorry sa nangyari nun... sorry. Hindi na mauulit,” mas kinabahan ako sa kanyang pinagsasabi. Naisip ko tuloy 'yung nangyari samin. “OK. FINE!” Masungit na sabi niya pagkatapos narinig ko 'yung pagsara ng pinto.

Don't Test The Gangster In Me (Book 1): La Morte È Il Vostro KarmaWhere stories live. Discover now