Chapter Seventeen: Seeing his other side

959 27 0
                                    

Chapter Seventeen: Seeing his other side

///

Ice's POV

THE usual days, pasok school, pasok sa dorm, nambwi-bwisit si Sine. Mga ganyang eksena. Kasama ko ngayon si Erroll na papuntang library, mga four pm ng hapon. Uwian na ng iba pero dahil may assignment kami sa History, pupunta kami ng library para kumuha ng books.

"Uhm, Erroll, gusto ko lang tanungin, nasaan 'yung family mo?" tanong ko, habang papalakad kami sa mahabang pasilyo paaalis mula Senior's Building.

Tumingin ako sa kanya, tapos tumingin siya sakin ng nakangiti. Grabe, ang pogi talaga ng isang 'to! Ang sarap sarap pisilin nung pisngi niyang mapula. Crush ko na siya talaga. "Nasa Seoul sila ngayon." sagot niya.

"Ahhh..."

"Eh ikaw? Nasaan ang family mo?"

Bigla akong napatigil.

"Italy."

"Work?"

"Nuh, nasa libingan sila sa Italy."

"Sorry..."

"OK lang, halika na nga."

Pumadyak kami papunta sa may library. Habang hinahanap namin 'yung book, napatingin ako sa gilid ng mata ko sa may bintana dahil nakita ko 'yung pigura ni Sine. Hindi ko na nagawang tumingin ng tuluyan roon. Ano naman kayang problema nun? Sinusundan niya kami for sure. Tss. Crush ako nito siguro?

Kunyare, nagpatihulog ako ng libro tapos sumigaw sabay yakap kay Erroll.

"Teka, bakit?"

"Akala ko m-may multo eh. Tapos parang may nakita akong silhoutte ng lalaki sa bintana," turo ko doon sa kinaroroonan kanina ni Sine na nawala ngunit alam kong nakaupong nagtatago siya roon.

Bigla kaming naglakad papunta roon ni Erroll at nakita namin si Sine.

"Sine, anong ginagawa mo riyan?" si Erroll.

"Ah-" napatayo siya. "W-wala, masama bang pumunta rito?"

"Sinusundan mo ba kami?" tanong ko.

"Puta, e ang kapal mo naman ata? Bakit naman kita susundan, ano ka? Chicks? Bakla!"

"Hindi daw?" si Erroll.

"Tumahimik na kayo, pwede?!" agad siyang umalis pagkatapos.

Pumunta na rin kami ng dorm at nagsimulang maggawa ng assignment.

"Pakopya," agad na kinuha ni Sine 'yung notebook ko habang nasa may living room kami. "Teka, ano nalang... sulatan mo nalang ako."

"Ano?!"

"Aangal ka? 'Di ba sabi ko sayong pagsilbihan mo ako? Magrereklamo ka?!"

"Uhmm! Bwisit!"

Padabog akong gumawa ng assignment.

"MGA BOY! NOOD TAYO SA GYNASIUM! MAY CONCERT ANG MIGHTY BAND NGAYON DITO!" Sigaw ni Hiro pagkapasok sa dorm. Kahit kailan talaga ang ingay ng lalaking 'to!

"Talaga?!" sabi naman ni Erroll.

"OO BOY! DALI! SINO SASAMA?" sigaw na naman niya.

"Magpapalit lang ako ng damit. Sandale, teka, ikaw Ice? Sasama ka?"

"Hindi Erroll, wala naman akong hilig sa ganyan eh."

"Ako, sasama ako!!!" 'yung iba. Hinanap ng mata ko si Sine e wala naman na. Nasa kwarto siguro 'yun.

Don't Test The Gangster In Me (Book 1): La Morte È Il Vostro KarmaWhere stories live. Discover now