Chapter Ten: Suddenly Lost

993 35 0
                                    

Chapter Ten: Suddenly Lost

SINE’s POV

Kanina pa nagsimula 'yung klase pero wala pa si Ice. Inaasahan kong male-late siya pero kalahating oras na ang lumipas wala parin. Maging 'yung iba naming kaklase ay tinatanong kung bakit daw wala si Ice? Si Erroll naman pasimpleng tumitingin sa pintuan para abangan si Ice. 'Yung dalawang kambal naman walang pakialam.

Nasaan na ba kasi 'yung baklang 'yun? Bakit ang tagal?!

Teka nga!!! Bakit ko ba siya hinahanap? Ano bang pakialam ko sa baklang 'yun? Kahapon at nung sabado, pinaglaba ko siya ng uniforms ko sa laundry area. Tapos linggo, nawala siya hindi ko alam kung asan nagpunta. Baka umuwi sa bahay niya? Napapansin ko sa sarili ko, bakit... kapag wala siya e, hinahanap hanap ko siya? Teka nga- tama. Wala kasi akong maasar kaya ganun. Tama 'yun lang 'yun. Hindi gaya ng ilan sa mga kasamahan kong naaattract sa baklang mukhang babae na 'yun?

"Deniel..." rinig kong tawag ni Erroll kahit ang pagitan namin ay si Akihiro. Wala si maam at kasalukuyan kaming nagq-quiz sa math.

Lumingon naman si Deniel kay Erroll. "'No 'yun, boy?" tanong niya.

"'Di ba kayo 'yung last na nandun sa dorm kanina? Nasaan si Ice?" Wow oh wow! Himala! May himala! Ngayon lang parang may pakialam sa mundo itong si Erroll! Parang ayaw kong maniwala? 'Yang lalaking 'yan palaging may sariling mundo at walang paki sa paligid niya eh, ngayon nagtatanong kung saan si Ice? Wow! Napakunot naman ako habang hinihintay ang kasagutan mula kay Deniel.

"Ewan ko eh. Pagkalabas ko ng CR, pumasok naman siya tapos pumasok na ako dito. Hindi ko alam kung 'asan siya."

Tumango tango lang siya. Saan kaya 'yung bakla na 'yun? Hayy! Ano ba 'yan?! Bakit ko ba siya hinahanap? Pakialam ko ba dun sa baklang 'yun?

Itinuon ko nalang ang pagso-solve ng math problems pero wala ako sa concentration! Palaging pumapasok sa ulo ko 'yung katanungang nasaan na 'yun?

Sakto namang pumasok si maam at sinabi niyang magchecheck siya ng attendance.

"Can I go out?" tanong ko tsaka tumayo.

"Where are you going, Mister Connemara?"

"I-I-I-I'll just need to sanitize..." at lumabas ako ng room. Sa totoo lang hindi naman ako iihi o magaayos eh. Bumalik ako sa dorm at nasa may pintuan palang ako nang sinabi ko nang... "hoy bakla?! Nasaan ka? Bakit ka absent?!" hinanap ko siya sa kwarto namin at nakita kong nakalapag 'yung uniform niya. Naliligo ba siya? Pumunta ako sa CR pero walang tao. Hinanap ko siya sa buong sulok ng dorm pero wala. "Anak ng...'asan nagpunta ang baklang 'yun?"

Napakamot ako habang umuupo sa may sofa. Pagkatapos ng ilang minuto ay bumalik ako sa room na dismayado. Nasaan 'yun? Nasaan 'yun nagpunta? Nag-cut ng class? E saan naman siya maglalakwatsa? Tss.

Bumalik ako sa room at nakinig ng klase. Pero hanggang hapon ay wala akong nakitang anino man lang ni Ice. Hindi man sabihin ng iba ay hinahanap rin siya. Pagbalik namin sa dorm mga hapon ay gulat kaming lahat dahil wala talagang Ice hanggang gabi.

Mga twelve o'clock na ng gabi nang hindi parin ako makatulog. Inaasahan kong papasok siya sa pintuang 'yan kaya naman nakatitig ako roon.

"Putangina mong bakla ka? Bakit wala ka pa?!" sabi ko tsaka sinipa 'yung taas na bed. "ARAAWWW!" napaaray ako sa sakit dahil naramdaman ko 'yung sakit sa hinalalaki ko na parang naputol 'yung buto.

Bakit ko ba kasi siya hinahanap?!

Puta! Ano ba kasing meron 'yung baklang 'yun?

Paika ika akong tumayo at paika ika ring lumabas ng kwarto. Nakita ko sa may sofa sina Akihiro at Deniel habang nanonood ng TV. Si Erroll naman nasa may pintuan ng dorm room namin. Lahat sila napatingin sakin.

"Oh, bakit gising pa kayo?" tanong ko.

"N-nanonood kami, 'di ba boy?" si Akihiro.

"Oo tama. Nanonood kami." sabi naman ni Deniel.

"Mga sinungaling!" singhal naman ni Erroll habang napapacross arms at naglean sa pintuan.

"Anong-" putol na wika ni Deniel.

"Pare-pareho lang tayong naghihintay kay Ice," sabi nito na parang wala man lang paki kong bibigyan namin ng malisya 'yun.

"Hindi ah-" Deniel said.

"Bakit naman namin hihintayin 'yun?" si Akihiro.

"Usog ka nga dun, makikinood ako," sabi ko kay Deniel.

"Isa rin 'to eh." singhal ni Erroll.

"Anong sabi mo?" Tanong ko.

"Hindi ko na uulitin kasi isa ka ring defensive," sabi pa nito at lumabas.

Lakas ng tama nung lalaking 'yun ah.

Hindi ako makatulog rin at piniling kunyaring manood nalang sa TV kahit wala naman itong kabuluhan.

~•~

Ang sakit ng batok ko! Feeling ko ang tigas tigas ng inuunanan ko tapos parang ang lamig. Unti unti kong minulat ang mata ko at nakita kong nakaunan ako sa ulo ni Deniel na nakaunan sa balikat ni Akihiro. Pare pareho kaming nakatulog dito sa may sofa. Shutang ina?!

Nakita kong nakatayo 'yung kambal sa harapan namin.

"Gising na!" sigaw ni Hiro.

Napamulat naman 'yung mga katabi ko at agad agad kaming nagsiayusan.

"Tss... defensive." sabi naman ni Erroll habang naglalakad papasok samin.

So naligo na kami tsaka dumerecho sa canteen. Kumain at pumunta sa first subject namin.

"Boy, saan ba nagpunta si Ice?!" Ayun, nagtanong rin si Akihiro.

"Alam ko?"

"Hayy, nakakabaliw eh. Nakakamiss 'yung presensya niya," nakangusong saad niya.

Tama... nakakamiss nga siy-PUTA. Hindi! Nakakamiss 'yung mukha niyang pagtripan! Oo tama. 'Yun 'yun. 'Yun lang.

Tapos sa may third class namin ay napatingin kaming lahat sa may pintuan nang nandun si Ice.

"I'm late... sorry," sabi niya tsaka dumerecho sa upuan niya. Ewan ko ba bakit gumaan 'yung pakiramdam ko at 'tong iba naman nangiti.

Sunod sunod na tanong 'yung ginawa nila Deniel, Erroll, Akihiro at iba pang mga kaklase ko nang sumigaw si maam nang... "TAHIMIK!" Kaya hindi rin nasagot 'yun.

Sa canteen ay nakitable samin si Ice.

"Saan ka ba kasi nagpunta, Ice?" tanong ni Akihiro.

"Ah, pumunta ako sa bahay. Namatay kasi 'yung aso ko," sagot niya.

"ASO lang?" tanong ko.

"Oo."

"Wow hanep, para sa aso lang umalis ka ng hindi nagpapaalam?" sabi ko.

"Huh?" nagtatakang tanong niya. "Bakit naman ako magpapaalam?" tanong niya. Tumingin sakin si Erroll na parang binabasa ang utak ko. Hindi, lahat pala sila napatingin sakin na may halong pagtataka.

"Sabi ko, magpaalam ka sa-sa-sa ano sa school. B-baka hanapin ka kasi kami pa 'yung tanungin," sabi ko. Uminom ako ng tubig.

"Ah, ganun ba. Eh biglaan eh."

"Hoy Ice, 'wag mo nang ulitin 'yun. Ang daming namimiss ka eh. Hahaha, katulad ni Deniel, Akihiro, Erroll at si Sin-"

"Shut up!" putol na saad ko kay Hiro na natatawa ngayon, dalawa sila ng kambal niyang mapang-asar. "Ako? Mami-miss 'yan? Ssh, ASA! Hmmp, makaalis na nga!" sabi ko at tumayo.

Pumunta ako sa CR at naghilamos.

"Hindi, hindi... hindi ko siya namiss... Tangina! Hindi!" naghilamos ulit ako at tumingin sa salamin. "Hindi. Mo. Siya. Namiss. Bakla 'yun. Bakit ko siya mamimiss? Tss." Tumango tango ako.

Bwiset.

Don't Test The Gangster In Me (Book 1): La Morte È Il Vostro KarmaWhere stories live. Discover now