Epilogue

1K 21 9
                                    


Epilogue

-----

Tit...

Tit...

Sa isang hospital sa Isabela, nakahiga ang isang babaeng nakatulog ng mahigit isang taon. Huni ng life machine ang naririnig sa paligid.

Naging peklat na ang kanyang mga natamong sugat a year ago.

Tit...

Gumalaw ang forefinger niya. Ilang segundo pa'y gumalaw muli ito. At unti unti niyang minulat ang kanyang mga mata.

Wala siyang makita... unti unti, nagiging malabo, hanggang sa nakakasilaw na puti ang kanyang nakita. Pumikit muli siya dahil naramdaman niya ang matinding pagkirot ng kanyang ulo.

“Nurse! Nurse!” isang boses ng lalaki ang kanyang narinig, habang papalabas sa kwarto niya. Pagkatapos ng ilang segundo ay nasa paligid na niya ang mga nurse at kung ano ano ang chineck sa kanya.

She opened her eyes at tiningnan ang kanyang paligid. Puti. Halos puti ang kanyang nakikita.

Gusto niyang igalaw ang kanyang katawan, ngunit hindi siya makagalaw. Gusto niyang magsalita ngunit parang hindi niya alam kung paano yun gawin.

“It takes time para makarecover ang katawan ng kaibigan mo, Mr. Calleda. Her body is paralyzed right now dahil mahigit isang taon rin siyang nahimlay but she can move after some days. Her speaking ability will be affected too. Sabihin nalang natin para siyang naipanganak muli. Ngunit matututunan niya muli ang mga bagay sa ilang mga theraphy na gagawin natin sa kanya for her to recover,” sabi ng doctor, sa lalaki.  “Malaki rin ang chances ng kaibigan mo na magka-amnesia dahil matindi ang pinagdaanan niyang surgery sa utak. If we estimate it it's 80 percent.”

“Her memory, can she recover it too, doc?”

“We can't say it yet, unless makarecover ng mabilis ang kanyang katawan and we'll undergo some test to answer your questions.” Tumingin ang doctor sa babaeng nakahimlay. “I'm so happy for your friend, Vince. The thing that happened to her was a big miracle.” dagdag pa ng doctor.

The guy who is with the doctor right now is Vince Calleda.

[After 2 years...]

Celestine’s POV

“VINCEEEEE!!!” Paglabas ko nang bahay ay agad akong tumakbo papunta sa bahay nila Vince. Parang ang layo naman 'no, eh magkapit bahay lang naman kami. Mas malaki nga lang yung bahay niya.

Kararating niya lang kasi galing Maynila, kasi nga bakasyon na. Pumasok nalang ako basta sa bahay niya, at hinanap kung asan siya. Pumunta akong kusina, wala, sa sala, wala, sa kwarto niya kaya?

Binuksan ko yun ng walang alinlangan at nakakita ako ng...

“AAAAHHHH!” siya yung sumigaw hindi ako kasi ako, napahiya kasi nga, nakita ko yung birdie niya!

Mabilis kong sinara yung pinto at napasandal sa pader.

“Oh my gosh... Oh my gosh!”

“Hoy Celes! Ikaw, kumatok ka bago ka pumasok.” Nasa harapan ko na pala siya ngayon. “May nakita ka?!” tanong niya.

Tumango lang ako habang nakakagat ako sa labi ko—and then I realised na ang pagkagat ko sa labi ko parang ang gross. Okay, kalma Celestine, kalma.

“Ang hot mo pala ah! Patingin nga ulit!” Pa-joke kong ihahawi yung tuwalya niya nang lumayo siya habang lumaki yung usual niyang mga mata. “JOKE LANG, GAGUBELLS! Yung pasalubong ko, akin na!” Inilahad ko sa harapan niya yung kamay ko na parang humihingi ng danyos.

Don't Test The Gangster In Me (Book 1): La Morte È Il Vostro KarmaWhere stories live. Discover now