Chapter Thirty: Life's Unfair

644 27 0
                                    

Chapter Thirty: Life's Unfair

~•~

THIRD PERSON'S POV

Ngumiti si Ice sa kanila. "Ano, Jericho? Papayag ka?"

"HINDE! 'WAG MONG GAGAMITIN ANG KATANANG 'YAN! WALA KANG KARAPATAN!" Itinutok niya ang kanyang baril at nagpaulan muli ng mga bala. Ngunit, naiiwasan ni Icy ang mga 'yun, at gamit ang katana. Lumingon siya sa likuran niya, sa likod ng kurtinang iyon ay isang wall glass na from ceiling to floor. Dahil sa mga balang pinapaulan ni Jericho ay nabubutasan ang mga iyon.

Umiling si Icy, at mabilis na pinadaanan ng katana ang wall glass. Tumalon siya roon, kaya nagkasugat sugat ang kanyang katawan, lalo na sa kanyang mukha. Nasa likuran siya ng abandunadong gusali na 'yun. Tumingin siya taas at tumitingin ang lahat sa kanya. Nabwisit si Jericho at nagpaulan muli ng bala. Pumasok muli si Icy sa gusali.

"Kunin ang katana mula sa kanya at PATAYIN SIYA!" sigaw ni Jericho sa galit. Nagsimulang magdisperse ang mga tauhan niya. Samantala ay pumwesto si Ice sa may likuran ng hagdanan. Nang nakita niyang pababa ang mga tauhan niya ay agad siyang nagpakita at hiniwa ng katawan ng isa. The two of them tried to attack her using their guns but she quickly ran towards them at pinadaan ang katana sa kanilang leeg. Mabilis niyang pinulot ang isang baril at sa marami pang nagtatakbuhan papunta sa kanya, pinutok niya 'yun ng tuloy tuloy habang umiiwas sa mga bala ng iba.

Nang nawala ang bala nito ay tumakbo siya para harapin ang ilang guys. Isang ikot ang ginawa niya, at ang ilan ay napatumba.

"MGA BWISIT KAYO!" sigaw nito nang nakita niyang may mga paparating pa. Isinuksok niya ang katana sa isang bangkay at pumulot siya ng dalawang baril. Sinimulan niyang kalbitin ang mga ito, habang patagilid na tumatakbo. Parang nagswimming siya sa sahig, habang bumabaril para iwasan ang atake ng iba. "AHHHHH!" sigaw niya nang naramdaman niyang nabaril muli ang hita niya. Tumayo siya at paika ikang tumakbo sa may katana. Hinugot niya iyon at buong lakas na tumakbo sa isang tagong kwarto sa may unang floor.

"Shit," she cussed at hinugot ang dalawang bala sa hita niya. Sumilip siya sa may pader at bumaril ng tatlong beses sa nakita niyang tatlong tao. Lumabas siyang muli habang hawak hawak ang katana at isang baril. Doon niya nakita si Jericho.

"ANO ICY? NAHIHIRAPAN KA NA BA?" tanong nito, siyempre nakasuot na ng baro. "KUNG AKO SA 'YO, IBALIK MO NA 'YANG KATANA! MAGPAUBAYA KA NA, MAMATAY KA NARIN NAMAN EH."

"Ganyan ka ba lumaban? Tauhan mo 'yung pinapalaban mo? Teka nga, bakit ka naging leader ng scorpio, aber?" itinaktak muli niya ang katana sa sahig dahilan ng pagkainis ni Jericho.

"Sige! Let's have a bet, maglaban tayo ng tayo lang, walang gamit na sandata. Kapag natalo kita, ibibigay mo sakin ang maskara mo, ang simbolo ng pagiging reyna mo. Kapag ako natalo, mapapasayo 'yang katanang iyan?"

"It's not fair? Eto, katana lang?"

"That Katana serves as my family's weapon. 'Yan ang simbolo na ang aming pamilya ay kasali sa VIEN MAFIA." Vien Mafia? The mafia who killed my family. Ngayon nagkaroon na ako ng dahilan kung bakit mas kailangan kong galingan, she thought.

"DEAL."

Binitawan niya ang kanyang weapons. Pumunta siya sa may gitna para makipagkamay kay Jericho.

"Good luck," sabi nito.

"Good luck sa 'yo, ngayon makikita ko kung bakit ka naging Reyna ng Underground World!"

"'Wag mong maliitin ang reyna," agad na hinugot ni Icy ang dalawang baril na nasa kanyang bulsa at ang isa ay pinaputukan ang mga nasa paligid na gangsters na walang kaalam alam. Ang isa ay tinira ang katawan ni Jericho.

Nang napatitig siya sa paligid, lahat nakahiga. Lahat sumisirit ang dugo mula sa kanilang katawan. At si Jericho, nakahiga na habang nilalabasan ng dugo sa bunganga. She knelt and held his face. "Y-you-you're n-not f-fair-" nahihirapang sabi niya habang bumubulwak ang dugo sa bunganga niya.

"Sorry dear, but life's unfair. Sumasabay lang ako sa agos. I will not able to become a Queen if I'm fair in this kind of field. La morte é il vostro karma." She sweetly said and gave him a quick kiss on his forehead.

Tumayo siya at kinuha ang katana. Inukitan pa niya ang katawan ni Jericho ng malaking ICY tsaka siya nangiti. Now, she's now part of her enemy... the Vien Mafia.

~•~

Pagkalabas niya sa gusali na medyo malayo sa may daanan, idinial niya ang number ni Vince. Napagisip isip niyang hwag nang abalain si Britney.

"Ice...este Queen?"

"Sunduin mo 'ko, itract mo ang GPS ko."

"Sige Queen."

Napaupo nalang siya sa lupa sa sobrang pagod. Bigla niyang naramdaman ang kirot ng kanyang katawan. Hawak hawak niya ang katana... at doon, napangiti siya.

~•~

Naghihintay sa harapan ng dorm nila si Sine para kay Ice. Mag-aalas dose na ng umaga ngunit nandun parin siya. "Saan ka na ba, Ice?" tanong niya sa kawalan. Triny niya na rin itong tawagan at text-an ngunit hindi nito sinasagot. Abala rin ang iba kanina sa paghahanap sa kanya. Pero wala ni anino niya ang nakita niya. Bigla bigla nalang kasi itong nawala.

"Wala pa rin ba?" tanong ni Erroll sa kanya, na kapwa nakikipagpuyatan.

"Wala parin eh."

"Saan na kasi siya nagpunta?"

~•~

Sa isang condo unit, naroon si Icy habang nakaupo sa kanyang bed habang nakahead phone. Puro stitches ang mukha niya at ang braso niya.

"So I'm gonna love you, like I'm gonna lose you... I'm gonna hold you, like I'm saying goodbyeeee!" kanta niya, habang naglalaptop. Binabasa niya ngayon ang mga informations about Vien Mafia. Pinaconnect niya sa laptop niya ang laptop ni Britney para mabasa niya mismo ang mga information.

Tumawag si Britney sa kanya. Inalis niya ang kanyang headphones at kinausap ito.

"Queen, look, ipindot mo 'yung chatbox, may naka Online ngayon na mga member!"

"OK."

#37: #23 has been died this day. The Vien Katana had take away by Icy, the Queen of Underground World of the Easterners.
#1: Rules are rules, she is now part of our famiglia.
#14: So, King, are we going to contact her to meet you?
#1: Yes. I want to talk to her this Sunday.
#14: Copied, King.

"Queen! Ito na, may kumontact na sa IP ko! Click the red box," sabi ni Britney sa kabilang linya.

Nang ipindot niya iyo, may nagpakitan letter saying...

TO: ICY, the Queen of UG world.
Message: Meet Vien's Mafia Boss at France. (Insert exact place here)

"Kung susumahin, ayokong pumunta, ang gusto ko lang makita ang mukha ng king nilang nagpapatay sa pamilya ko," she thought her mind. Tatlong mafia nalang ang dapat niyang pabagsakin...para masabing siya na ang pinakamalakas na hoodlum sa buong bansa. Isa dito ang Vien, na kailanman hindi niya aakalaing magiging kaanib siya.

"France, mapapasakin ka na," sabi niya sa sarili niya. Kung hindi niyo alam, isa ang France sa hindi kumikilala sa kanya bilang Queen, at ngayon ipapakita niya ang dapat para kilalanin siya bilang Queen ng mga Hoodlum.

~•~

Don't Test The Gangster In Me (Book 1): La Morte È Il Vostro KarmaWhere stories live. Discover now