Thirty Four: Last Kiss

584 23 0
                                    

Thirty Four: Last Kiss

//

Ice's POV

"He has a high fever," sabi ko sa kanilang lahat pagkalabas ko. "Kailangan natin siyang dalhin sa hospital."

"Paano? E ang pagkakaalam ko simula nung namatay ang kapatid ko, kimamumunghian na niya ang hospital." Deniel said.

"I know makukumbinsi siya ni Ice, ang kailangan lang nating gawin ngayon ay maghintay sa susunod na mangyayari," seryosong sabi ni Erroll.

"Teka---ano ba talagang nangyayari? Hindi ko maintindihan?"

"Hindi mo kailangang malaman, Ice. Hindi pwede."

"OK." Alam ko naman na, kinuha ng Vien ang kapatid ni Sine. Pumasok ako sa kwarto namin at tumabi kay Sine na nanginginig sa lamig. "Sine, kailangan mong pumunta sa hospital." sabi ko sa kanya. "Ang taas ng lagnat mo."

"A-ayoko d-dun..."

"Para sakin, Sine? Pwede? Ayokong nakikita kang ganyan."

"B-basta 'wag k-kang aalis sa tabi ko..."

"Sige." Pinatayo ko siya habang nanginginig parin. Pagkatapos ay ipinunta namin siya sa hospital.

Kailangan kong mabawi si Tangent sa lalong madaling panahon. Ayokong nakikita siyang ganito, parang ako 'yung nasasaktan eh. Nakakaawa si Sine. Nandito na kami ngayon sa hospital. Mahimbing ang tulog niya. Hinawakan ko 'yung pisngi niya at hinalikan siya sa noo. "I love you," bulong ko.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng room, nakita ko si Erroll. Marahil ay narinig niya ang sinabi ko. "Sorry," saad niya tsaka lumabas.

Sinundan ko siya at nang nakaabot ako sa may hallway kung saan kami lang ata ang meron, "Erroll!" tawag ko.

Lumingon naman siya ng nakangiti. "Bakit?" sa ngiti niya ay ramdam kong pilit at hindi genuine.

"May gusto akong sabihin," napayuko pa ako. Paano ko ba sasabihing mahal ko na talaga si Sine at wala na siyang pagasa sakin?

Hinawakan niya ang baba ko tsaka pinaangat ito. "Alam ko na. At tinatanggap ko kahit mahirap. Mahal na kita eh. At alam mo bang simula nung nalaman kong babae ka talaga, nagbago na ako. Pero ganun naman talaga hindi ba? Kapag mahal mo hahayaan mo siya sa gusto niya." Hindi ako makapagsalita sa sinabi niya. "Pwede bang humingi ng halik sa noo, Ice? Sa huling pagkakataon?"

Ngumiti ako sa kanya at tumango. Unti unti niyang nilapit ang labi niya sa noo ko. Matagal 'yun at ramdam ko ang bigat ng emosyon niya.

~•~

Vince's POV

Nasa bahay ako ngayon. Pinapabalita ang pagdukot sa anak ng mga Connemara. At sa tingin ko, humihingi ng ransom ang mga ito. Kilala ang mga Connemara sa world market eh. Pinatay ko ang telebisyon at tumingin sa labas mula dito sa kwarto ko. Madilim at malamig. Gabi na kasi eh.

Biglang nagring ang phone ko. Pumunta ako sa kinaroroonan nitong table at sinagot. Si Queen Icy, tumatawag. Nagpapasalamat ako sa kanya sa paggawa sakin bilang kaliwang kamay niya. Dahil sa kanya, hindi na minamaliit ang aking gang. Isa na rin ito sa kinakatakutang gang sa buong Kamaynilaan. Another one, tinulungan niya akong sagipin ang Corporation ni dad. Ngayon, maayos na ulit ang takbo ng negosyo niya.

"Queen Icy, bakit po?"

"May ipapagawa ako sa 'yo."

"Ano 'yun, Queen?"

"Kumbinsihin mong humingi ng tulong ang BDS kay ICY tungkol sa pagkawala ng kapatid ni Sine na si Tangent. Ngayon na. Nandito silang lahat sa St. Luke Medical Hospital. Nandito rin ako ngayon. Bilisan mo hangga't hindi pa nagigising si Sine."

Agad kong sinuot ang T-SHIRT ko at tumakbo sa garahe. Pinaharurot ko ang sasakyan ko papunta sa hospital. Pagkarating dun, agad kong tinanong kay Queen ang room number nila. Sinabi naman niya gamit ang phone.

Kumatok ako roon at binuksan ito. Nagulat silang lahat maliban kay Icy o Ice. Nakahimlay si Sine sa bed. "Narinig ko ang nangyari," sabi ko.

Umupo ako sa bakanteng sofa.

"May gusto lang akong sabihin, pero sana wala si ICE," tumingin ako sa kanya at ngumiti naman siya.

"Sige lalabas lang ako."

Nang lumabas siya, I cleared my throat.

"Ano 'yun?" tanong ni Akihiro.

"May gusto akong isuggest... balitang balita sa Underground world ang pagkakuha kay Tangent. Hindi ba't under ng kamay ni Icy ang gang niyo, kagaya ko?" I paused for awhile. "Mas mapapadali ang solusyon kapag humingi kayo ng tulong sa kanya."

"Oo nga 'no? Bakit kaya hindi natin naisip 'yun?" tanong ni Hiro.

"Pero hindi ba lahat ng hihingin mo sa kanya, may kapalit?" sabi naman ni Erroll.

"Hindi niyo naman malalaman kung hindi niyo susubukan hindi ba? Subukan niyo lang. Wala namang mawawala?"

"Mga boy, para kay Tangent! Kailangan nating harapin si ICY!" sabi ni Deniel.

~•~

Icy/Ice's POV

"Britney, sendan mo ng notice ang contact ng BDS to meet me tomorrow, first thing in the morning."

I said and hung up the phone.

Bumalik ako sa room ni Sine nang nakita kong lumabas si Vince. Pagkatapos ay binantayan kong muli si Sine. Unti unti rin silang nagpapaalam sakin at unti unti silang nalalagas.

"OK ka lang bang magisa, Ice?" tanong ni Erroll."

"Mm... I'm OK."

"Mauna na ako ah. Ikaw na bahala kay Sine."

Lumabas na siya at inihiga ko ang ulo ko sa bed. At unti unti, nararamdaman ko ang antok. Paggising ko, nakahiga naman na ako sa bed, at kayapak ko si Sine. Ang bango bango niya.

"Mm..." napalaki ang mata ko nang nakita ko ang mukha niyang nakangiti, pumayat siya ngunit hindi parin maipagkakaila ang kanyang angking kagwapuhan.

"By staring at your face, I temporarily forget what happened," sabi niya. Kahit kagigising niya, ang bango ng bunganga niya. Nakakahiya tuloy magsalita.

"Mmm..."

I felt his warm kiss on my forehead, tapos niyakap niya ako ng mahigipit. Sa ginagawa niya natritrigger akong sabihin sa kanya na babae talaga ako. Wala rin naman ng saysay ang pagpapanggap ko dahil... alam ko na ang lahat. At sila ay hindi na kabilang sa plano ko.

"May sasabihin ako."

"Ano 'yun, Ice?"

"Pero 'wag kang magagalit kapag nalaman mo."

"A-ano 'yun? Bakit naman ako magagalit?"

"Kasi..."

"Good morning!" pumasok ang lima, at ang lakas ng boses ni Hiro. Bigla akong tumayo para hindi nila makita 'yung posisyon namin. Kamuntik pa akong mastumble.

"Hi Ice!" nakangiti sabi nung kambal.

"Boy, may makakatulong na sa atin." sabi ni Deniel.

"Ano? Sino?"

"We need Icy's help. At nakatanggap ng notice si Akihiro kanina na imeet daw natin si Icy to tell what we want. Look boy, mas mapapadali ang paghahanap kay Tangent kung hihingi tayo ng tulong sa kanya."

Napatingin ang lahat sakin pagkatapos magsalita ni Deniel. "Bakit?" inosenteng tanong ko.

"A-ano?" tanong ni Sine.

"Maiwan ka muna rito at kakausapin namin siya," saad naman ni Erroll.

"Hindi. Ako ang may kailangan kaya sasama ako kakausapin natin siya."

Yeah, that's right Sine. You need me and I'm willing to give what you want. Kahit hindi mo sabihin gagawin ko talagang bawiin si Tangent. Ayokong nakikita kang malungkot.

At ang pagtatapat ko ng totoong ako kanina, naudlot. I want really to tell him about the real me... nope, the girl me who has no kato mask on her face. Sa kanilang anim actually.

~•~

Don't Test The Gangster In Me (Book 1): La Morte È Il Vostro KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon