Chapter Twenty Three: Welcome to Hell

787 28 0
                                    

Chapter Twenty Three: Welcome to Hell

//

Sine's POV

"Nagugustuhan na rin kita..."

Pagkagising ko ay 'yan 'yung paulit ulit na nagpe-play sa utak ko. 'Yung panaginip na 'yun, naghalikan daw kami ni Ice tapos sinabi kong mahal ko siya. 'Yan daw 'yung sabi niya. Kaya ang fresh fresh ng gising ko pero ang sakit ng ulo ko. Nakita ko ang sarili kong nakahiga sa kwarto ko at wala akong damit na suot.

"Sshh..." sabi ko, habang hinahawakan 'yung ulo ko. Tumingin ako sa may orasan sa mesa, magaalas tres na ng hapon. Paksheet! Eh, ala una 'yung pageant. Dali dali akong tumayo pero nahihilo talaga ako. Pinilit kong pumunta sa kusina at uminom ng tubig. Pagkatapos ay naligo ako. Medyo nawala naman 'yung hangover ko, pero masakit parin ang ulo ko.

Pumadyak ako papunta sa Amphitheater. Habang naglalakad ako ay may nakikita akong mga babaeng humahagikgik sa paligid ko. Kinikilig sila. Pogi ko kasi.

"Uhm, excuse me, I'm Glydel," sabi nung chick na nasa harapan ko. Kapal ng mukha e mas maganda pa nga si Ice sa kanya.

"I-I don't care so get out of my way."

Napahiya naman 'yung Glydel na napagilid. Nakarinig ako ng ilang pagbulung bulungan sa paligid ko. Tinext ko sina Deniel, sabi nila nasa loob na daw sila. May upuan raw akong reserved para makita namin ng malapitan si Ice. Pagpasok ko sa amphitheater, nakakapanibago kasi may mga babae akong nakikita. Hinanap ko sina Erroll, nakaupo na. Kaya naman umupo narin ako roon.

"Nagsimula na ba?" tanong ko.

"Oo kanina pa. Q&A na nga eh," sabi ni Deniel. "Hangover? Bakit ka naman nainom?"

"Ahh wala. Pero bakit hindi niyo ako ginising?"

"Kararating nga lang namin mula sa mga bahay namin kaninang two, hindi nga namin naabutan 'yung prod eh."

"Aiishh..." napatingin ako sa side ko, sa taas ng bleachers, kasama ni Akihiro si Britney. Mukhang nagkakamabutihan na nga.

"Let's welcome, our TOP 4 for the Q&A." sabi nung announcer.

"Teka, nakuha ba si Ice? Asaan siya diyan?"

"Ayun oh, boy, 'yung nakagown ng red."

"What?!" sobrang sexy kasi nito na parang babae tsaka ang ganda niya. Nagtama ang mga mata namin, nakita ko na nagulat 'yung reaksyon niya. Hindi naman ako makatingin sa kanya kasi ang ganda niya talaga! Paksheet! Naalala ko na naman 'yung panaginip kong magkahalikan kami. Para talagang totoo eh. "Navideo na ba 'yung iba?"

"Hindi boy eh pero 'wag kang magalala dahil magaling siya tsaka sure win na. Sobrang ganda kasi ni Ice. Para talagang babae. Sheet. Nakaturn on."

Gusto kong batukan itong si Deniel. Tumingin ako kay Erroll na nakangiti kay Ice, at nalipat 'yung tingin ko sa kanya, nakangiti siya kay Erroll. Tangina, oo nga pala. Finorce ko siyang halikan ako kahapon kaya siguro naiilang ako sa kanya ganun rin siya. Hindi ko kasi mapigilan 'yung sarili ko. 'Yung labi niya kasi parang nangaakit.

~•~

Ice's POV

PARANG nawawalan ako ng gana kanina. Hinahanap ko kasi si Sine, pero hindi makita nung mata ko. Natapos na ang lahat. Intermission numbers, production number, talent (nagsisa Sisa ako). 'Yun lang naman. Wala ng sexy wear kasi lalaki naman daw kami. Kami? Ew, if they knew... sila lang.

Nabother ako ng konti dahil may mga tag-Beverly na pumunta. Ngunit nagawan ko ng paraan para magmukhang hindi ako ito using prosthetics and make-ups.

Tapos nang Q&A na, bigla ko siyang nakitang sumulpot. Bigla akong naexcite. Pumupungay pa 'yung mata niya. Kagigising siguro at hangover na rin.

"Next, candidate number 6!" so ako na pala. I stepped infront. "Pick a question." bumunot naman ako. "Here's the question, is it possible for you to fall in love with your same sex?"

Tumingin ako kay Sine. Sobrang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Maybe. Love is blind they say, and you cannot dictate what your heart wants. I'm not closing doors for that thing because there's always a possibility for something." Sabi ko. Wala naman kasi akong paki sa bagay na 'yan. I'm not against to that but for me, I will never fall in love to my fellow girls. Sinabi ko lang 'yun dahil kay Sine, dahil ang alam niya maling mahalin ako dahil we're the same in sex but he doesn't know na tunay na babae akong nagpapanggap na lalaki.

Umalis na ako dun without saying thank you. I looked at Britney, she's smiling and cheering, pareho sila ni Akihiro. Sweet couple.

"OK, these are the winners. Second runner up, number 4!" nagpicture picturean na sila. "First runner up, number 1! And our winner is...number 6!"

And I just won a beauty contest.

~•~

Pagdating ng gabi, I wore my kato mask, my elegant dress, at 'yung make up ko. Sisiguraduhin kong gugulatin ko ang lahat ng tao ngayon.

SMS from Britney
Queen, nagsisimula na.
Sent 8:45pm

Napangiti ako habang naglalakad papasok sa may bukana ng amphitheater. All eyes on me. 'Yung ingay naging tahimik.

"Si Icy."

"Shit bakit siya nandito?"

Napatingin ako sa side ko, nang tumingin ako roon, napayuko sila. This is the Icy ambiance. Kinakatakutan, nakakanginig, at nakakabinging katahimikan. Naglakad ako at pumunta sa may bleacher. Lahat ng nakaupo sa row na 'yun ay umalis kaya magisa ako.
Tumingin ako kila Sine, they can't look at me directly -all of them.

"O-OK, let's continue the battle." sabi ni Vince, so... siya pala 'yung emcee. "Next will be the BDS." Ngayon ko lang napagalamang magaling pala silang magsayaw. Pumunta sila sa stage at nagsimulang magpatugtog. May narinig akong hiyaw ng mga babae sa taas ko at nang tumingin ako ay nagstop sila. Ngumiti lang ako sa kanila.

May mga hiyawan sa paligid, mga babae mula sa Beverly.

Nagsimula 'yung tugtog. Nasa gitna si Sine. Ang astig niyang sumayaw. Nakakatunaw. Ang pogi niya, nakakadagdag pa 'yung pagsasayaw niya. Parang tumigil ang mundo ko habang nagsasayaw silang lahat ng hiphop. Magagaling silang lahat kaya lang mas natutuon 'yung atensyon ko kay Sine. Naalala ko na naman kagabi. Alam niya bang nangyari 'yun o hindi? Kasi lasing eh. Pero sana hindi dahil...baka mas mailang ako sa kanya, although nasa ilangan portion kami ngayon dahil sa ginawa niya sa kusina sakin. Nang natapos sila, nagsasalita si Vince, 'yung white na background kung saan nakaproject 'yung words na 'Dance Competion' nadelete at nachange into...
.
.
.
.

'A MESSAGE FROM ICY: I'M ALWAYS AROUND YOU, WELCOME TO HELL!'.

Naglakad na ako palabas habang nakangiti. Nagsisimula palang ako.

Don't Test The Gangster In Me (Book 1): La Morte È Il Vostro KarmaWhere stories live. Discover now