Chapter Twenty: Not Hard To Love

834 26 2
                                    

Chapter Twenty: Not Hard To Love

///

Britney's POV

Paglabas ko ng Beverly kasama 'yung ibang babaeng gangsters, nagring ang phone ko. Si Queen tumatawag. Maggagabi na ah. Tsaka ano namang kailangan niya?

"Tumatawag si Queen, sandali lang. Una na kayo sa headquarters." utos ko. "Hello Queen. Anong maipaglilingkod ko?"

"Naalala mo pa ba 'yung lalaking mineet mo nun sa mall, 'yung pinahiya mo?"

"'Yung Akihiro? Bakit? Nameet ko lang siya kahapon sa mall."

"He got your number from me. Tapos sabi niya gusto ka daw niyang ligawan. Alam na nilang kaibigan lang kita. At ang alam nila bakla ako. Shocks. Nakakainis. At ito pa, sinali nila ako ng Beauty Contest dito."

"Teka, isa isa lang Queen ha? 'Yung Akihiro?"

"Oo. Totoo 'yun. Kaya kapag may tumawag sayo si Akihiro 'yun." Bigla akong kinabahan. Eh cute naman kasi si Japanese guy na 'yun. Parang anime character siya kaya lang he looks like a playboy or something like that.

"'Yung next mong sinabi? Ah, alam na nilang kaibigan mo ako at ang alam nila bakla ka? Ahahahaha!"

"Quit laughing, will you? Oo. Sinali pa nila ako ng beauty contest. Tradition daw ng bugok nilang school."

"Kailan 'yan? Gusto kong manood!"

"Bukas 'yung elimination!"

"Makuha ka sana Queen. Kaylan naman 'yung... Pageant?"

"Sa lunes. Next week kasi 'yung foundation week. Kaya pwede kayong pumunta."

"Excited na akong picturan ka."

"Gaga! Sa lunes, idala mo 'yung wigs, 'yung white crystal dress ko tsaka 'yung Kato mask."

"What are you planning to do?"

"Magpapakita sa kanila. Gagawa ng eksena." Naku. Ano na naman kayang plano nitong weirdong ito? "Sige na. Ibababa ko na."

"Bye Queen."

"Ingatan mo 'yang Gang na hawak mo ngayon."

"Yes Queen."

~•~

Papalakad na sana ako nang nagring na naman 'yung phone ko. Akala ko si Queen, unknown number which I knew na si Akihiro.

"Who's this?" patay malisya na tanong ko.

"U-uhm, hi."

"Sino ka po?"

"Akihiro po. Kadorm ni Ice."

Ice? Bwahaha. Ako nagpangalan sa kanya eh. "Ah, 'yung nameet ko kahapon sa mall?"

"Yes."

"Anong kailangan mo? Ba't na napatawag?"

"I-I want to know you better."

For the second time, kinilig ako at tumibok ng mabilis ang puso ko.

~•~

Sine's POV

Nakita kong nagtatawanan ni Ice at Erroll sa may sala. May naramdaman akong kakaiba. Nakakapagselos eh. Ano ba naman 'yan?! Alam kong wala akong karapatan pero hindi ko mapigilan eh. Dumagdag pa itong si Deniel na nakiupo. Pinagitnaan tuloy siya habang ako naman nakatayo sa harapan ng pintuan ng kwarto namin. Mamayang nine, lalabas kami ililibre niya ako. 'Tong Erroll at Deniel naman palaging nakabuntot. Bigwasan ko kaya?

Don't Test The Gangster In Me (Book 1): La Morte È Il Vostro KarmaWhere stories live. Discover now